Posted by: Mer Pints | January 14, 2009

Ang Prinsesa ng Montanyosa

vacation-127

(Tanging ang Camp John Hay na lang ang isa sa mga magagandang tanawin na  at natitirang tourist spots ng Baguio City na hindi pa nagsisiksikan sa dami ng tao.)

Ngayon lang tayo nagkaroon ng pagkakataon para makapagsulat muli para sa unang buwan ng Enero, 2009. Marami nang nangyari sa ating paligid, nagkasagutan na ang mga witnesses sa Alabang Boys Drug Probe ng Kongreso. Pati si sikretaryo Raul Gonzalez ay isinalang na rin sa pagtatanong ng mga Kongresista. Pinagpapahinga muna ni Tita Glo ang mga taga DOJ na may kinalaman sa lagayan kaya may silent “protest in red” naman ang mga prosecutors. Ika nga “just tiis” lang muna tayo sa mga bosing natin sa DOJ. Ewan ko sa inyo pero hindi ako sang-ayon sa ganitong kalakaran. Ngunit  bilang isa sa mga pillars of Justice, at bilang mga concerned citizens, may karapatan tayong makialam. Kaso ang pakikialam kung minsan ay nakapagdudulot sa atin ng hindi maganda. Just the same, the community has to be involved!

Hanggang dito na lang ang ating masasabi tungkol sa takbo ng pulitika sa ating bansa. Ayaw ko sanang umpisahan ang aking pagsusulat sa blog na ito tungkol sa pulitika sa 2009. Year of the cow ba ang taong ito ayon sa Chinese calendar? Ang baka ay ginagatasan, kaya expect natin ang pagtataas na naman ng mga bilihin at huwag sanang mangyari ay tataas na naman ang buwis na ating binabayaran sa pamahalaan. Ayaw kung maging palagatasan. Gusto ko lang na ako’y sinisipsipan ng gatas ng aking minamahal. Anybody interested, puwedi na kayong pumila baka kayo palarin, hehehe.

Sorry, ang topic ko pala ay tungkol sa isang prinsesa ng Mountain Province. Tuloy lang ang pagbabasa mga minamahal nang makilala ninyo siya.

Araw ng Pasko nang ako’y tawagan sa landline ni Segundina. Nagyayaya ang magandang dilag na samahan ko daw siyang magbakasyon sa Baguio. Sa una, no kaagad ang sagot ko. Pero binawi ko kaagad nang sabihin niyang siya ang taya sa mga gastosin. Why not, mayaman si Segundina at galante pa siya. Iba na ang burgis, hehehe. Anyway ganito talaga si Segundina, kapag may naisip na puntahan at wala siyang kasama, ako kaagad ang tinatawagan.

Sakay kami ng kanyang magarang kotse nagtungo kaagad kami sa Baguio. Naka-ilang stop din kami sa daan upang magkape. At kung kape ang paguusapan, maselan ako. Sa ISTABAKS lang ako pumapatol, hehehe. Panay ang kain namin dalawa sa mga gas stations na may fast food. To cut the story short, nakarating din kami ng Baguio.

Grabe, katakot-takot na traffic ang aming inabutan. Hindi lang iyan wala pa kaming matuloyan. May mga kamag-anak na Chinoy si Segundina sa Baguio pero ayaw niyang mang-abala. Hindi ko rin siya madala sa aking mga kamag-anak dahil alam kung magsisiksikan lang kami doon na parang sardinas. Kaya sa bagong make-up na Teacher’s Camp kami nagtungo. Just the same, all rooms and cottages occupied. Mabuti na lang at nakatiempo kami ng isang kuwartong pangdalawahan sa isang bagong Traveler’s Inn ng Marcos Highway.

Crowded ang Baguio City, umakyat na yata ang lahat ng mga gustong magpalipas ng Pasko at Bagong taon dito. Pati sa  Mine’s View Park, punong-puno ng tao. Anywhere you go, always crowded. Frustrated na ang beauty ni Segundina. Tanging sa Camp John Hay na lang kami nakakita ng lugar na hindi pa gaanong crowded. Dito na kami naglatag ng kanyang Coleman tent upang mamahinga at magpalipas ng oras. Maya-maya may naisip siya. Gusto niyang pumunta ng Sagada Mountain Province. Dito daw kasi sila tumira ng bata pa siya. That was very long time ago, ilang taon na kaya si Seg?

The following day tumulak ng kami papuntang Sagada sakay ng Lizardo Bus. Iniwan namin ang sasakyan sa Inn at ipinagbilin sa guwardiya. Matagal na rin akong hindi naakyat ng Mountain Province kaya medyo namangha ako sa dami na ngayon ng taniman ng gulay sa Benguet. Kung gusto mong makakita ng  rice terraces ay huwag ka nang pumunta pa ng Banawe, dito lang sa Benguet ay makakakita ka na ng mga rice terraces. Pero iba talaga ang tunay. Kaya kailangan pa rin ang pumunta ng Banawe.

Napakaganda ang tanawin sa Sagada. Karamihan sa mga tao ay naglalakad dahil wala kang makikitang taksi o tricycle man lang. Halos magkapareho lang ang dami ng mga foreigners at local tourists na nakita namin doon. Sa isang kilalang traveler ‘s inn kami nag-check in. Mahusay ang serbisyo at magalang pa ang mga tauhan nila.

 Naglibot kami ni Segundina sa Sagada, napakarami niyang kuwento tungkol sa kanilang paninirahan dito. Malaki na rin ang ipinagbago ng lugar bagamat napakalinis ang paligid dahil dumami na dito ang mga bahay na paupahan sa mga turista. Isa nang malaking building ang bahay na tinuluyan nina Segundina noong araw. Napakalamig ng klima, parang nasa Tate ka kaya panay ang lakad namin ni Segundina nang  hindi ginawin.

Kinagabihan ng December 31, 2008 ay namasyal kami sa may simbahan ni Segundina. Balak naming sumali sa pag-celebrate ng mga taga Sagada ng bagong taon dito. Nagsimba muna ang mga tao at hinintay na umabot ang mga kamay ng orasan sa ika-12 ng hating gabi. Kaya ng mag-aalas-dose na ay sinindihan na nila ng isang malaking file ng mga kahoy at nagsimula nang tumunog ang mga gansa. Habang pumuputok ang maraming kuwitis sa kalangitan ay nagyakapan kaming magkaibigan sabay sabi “Happy New Year.” Iyon lang at sumali na si Segundina na sumayaw na ng katutubong sayaw ng mga taga Sagada si Segundina. Nakisayaw na rin ako. Napakasaya ni Segundina, matagal na pala niyang gustong mag-celebrate ng New Year dito.

Medyo tanghali na nang magising kami ni Segundina. Gutom na ako kaya nagyaya akong kumain sa isang sikat na kainan doon. Maraming mga Europeans ang kumakain. Mabuti na lang at may nakuha kamin mesa at upuan. Habang umuorder kami ng pagkain ay biglang may lumapit na babae kay Segundina. May katabaan na pero maganda pa rin at may dalawang batang kasama.

“Princess nandito ka pala?”

Napatingin si Segundina sa babae, at mayamaya pa’y tumayo na ito at yakapin ang dati niyang kababata. Tuwang-tuwa sila sa muling pagkikita nila pagkatapos ng matagal na panahon. Ipinakilala din ako ni Segundina sa kanyang dating kababata at kaibigan.

“Mer, si Mel ang aking kababata. Mel, si Mer ang aking kaibigan.”

Masaya kong kinamayan ang dating kaibigan at kababata ni Segundina pati na rin ang mga anak nito. Damang-dama ko (at nakisaya na rin) sa kasayahan ng dalawang magkaibigan na muling pinagtagpo ng tadhan. Kumuha ng upuan ang babae at nagumpisa na ng mahabang at napakasayang kuwentohan. Pilya din pala itong si Segundina nang bata pa siya, malaro at madalas kumapit sa bahag ng mga naglalakad na matatanda noong araw. 

“Ang ganda-ganda mo pa rin Princess,” ang puri ng kanyang kababata kay Segundina.

Maya-maya pa ay dumating na ang asawa ni Mel, isang foreigner. Saglit nitong ipinakilala sa amin at nagmamadali na silang umalis. Kasama pala sila sa isang grupo ng mga turista papuntang Banawe. Napag-utusan lang itong bumili ng kape ngunit hindi na siya kaagad bumalik at nakipagkuwentohan na kay Princess, hehehe.

Nang wala na si Mel ay biniro ko si Segundina. ” Ipagpaumanhin po ninyo kamahalan, hindi ko kayo kaagad nakilala, isa pala kayong prinsesa.”

As usual nangungurot itong si Segundina kapag nabibiro siya, pero feeling prinsesa siya talaga sa mga oras na iyon. Ang sabi niya, Princess daw ang tawag nila sa kanya ng bata pa siya dahil sa naiiba niyang tayo at ganda. At bagamat masakit tanggapin sa aking kalooban na nakakahigit siya sa akin sa ganda, at prinsesa pa daw, si Lady Segundina ay tanggap ko na rin. After all ilang libo din naman ang ginasta namin (sagot lahat ni Segundina) sa ilang araw na pamamalagi sa Baguio at Mountain Province.  

Sa uulitin, maraming salamat sa iyo Segundina, hehehe.


Responses

  1. sarap naman niyan.

    sana, kasama din kami.

    sayang, libre pala’t sagot lahat ng prinsesa.

  2. May kuwento ako tungkol sa bakasyon namin ni College girl sa Sagada. Alam ko nagkuwento na si Colegiala pero may iba naman akong bersiyon dito. Pasyal lang kayo sa aking bahay nang makita ninyo ang isa sa mga napakagandang tanawin ng Sagada Mountain Province.

  3. Segundina,
    Mababatukan kita niyan, ginawa mo pa akong basagulera sa iyong kuwento. Hindi bale, dahil hindi ko naman aaminin o kaya itatatwa ang iyong kuwento, hehehe.

  4. iha, okey at magagamit sa kagipitan o panganib ang mga nalalaman sa martial arts, subalit tandaan mo, mas mainam na pananggalang ang pag-iwas sa away.

    mahirap ‘yung makatagpo ka ng mabigat na katapat.

  5. Tama po kayo Tito. Kapag puweding iwasan, iawasa nang hindi tayo malalagay sa alanganin. Nangangagat po lang an langgam if ever na naipit o natapakan siya. Huwag po sana kayong magpapaniwala sa kuwento ni Segundina hehehe. Nadamihan lang po niya ng kain kaya siguro binabangongot siya.

  6. Segundina and Colegiala girl,
    Sinasabi ko na nga ba na aasarin na naman ninyo ako. Sabihin na nating nasa last trip na ang mahal ko, pero wala akong pakialam. Ang importante mahal ko siya at wala nang paki-alam ang sino man.

    Alam ko magaganda at bata pa kayo pero hindi rin iyan magtatagal.

    Sana hindi totoo ang aking balita, pintasira daw kayo sabi ng dati ninyong kasama sa trabaho. Sorry ha pero this is what I heard.
    Pero ito lang ang masasabi ko, kahit hindi pa ako sinasagot ni Milagring, alam ko na liligaya ako sa kanya dahil napakabait niya at mapagkakatiwalaan siyang babae. Isa pa, teacher din siya at may iniingatang dangal.

  7. Banong relax ka lang. Hindi ka naman namin sinisiraan sa iyong minamahal. Ang sa amin lang ay natutuwa kami dahil nakatagpo mo na rin ang iyong katapat.
    Sorry sir kung nasaktan namin ang inyong damdamin. Sadyang hindi po namin sinasadyang gawin iyon. I apologize for hurting your feelings, skin sebuyas ka na ba ngayon love? Peace na lang tayo Banong.
    Colegiala dapat mag-apologize ka rin kay Banong. Hindi mo ba alam na dapat ay nirerespeto natin ang mga nakakatanda sa atin?

  8. si banong, nakatagpo na rin ng kanyang milagring?

    payong kapatid laang, hane?

    maghanda ka ng langis na may katas ng dinikdik na luya para panghaplas pagkatapos ng umaatikabong magdamagang kuwentuhan ninyong dalawa’t baka kayo parehong rayumahin sa panga, hane?

    pati na rin nebulayser.

    he he he heeeeh!

    pero, tanggap mo bang tawagin ka ng magiging anak ninyo nang sabay na tatay at lolo?

  9. Kuya Banong kapag nagkaanak kayo ni Milagring puwedi bang gawin mo kaming Ninang ni Segundina. Isama na rin natin ang buong tropa ng CD para sa binyagan.

    At saka kuya Banong dapat magpatingin ka na rin kay doc.bobonyo baka mangangatog na ang iyong tuhod sa rayuma kapag umandar na bintilador, hehehe.

    Makinig ka sa payo ni tito Magno alang-ala na rin sa iyong kalusugan.

    Ngayon pa lang ay dapat na nagpapatingin ka na kay doctora Vicky Belo to make you looking looking young at hindi tatawagin ng iyong anak na lolo-tay hehehe.

    Love you kuya Banong.

  10. 1st time ko dito sa blog mo. nice stories pala dito.

  11. Ka Eli,
    Ako na ang magwewelcome sa iyo baka tulog pa ang dalaga sa sobrang pagod sa pagpapaganda hahaha.
    Masaya dito kaibigan kaya pasyal ka lagi dahil maraming mga kuwentong nakakaaliw si Colegiala.

    Kaya College girl magposte ka na ng bago mong kuwento nang maaliw naman itong mga kaibigan natin na sumusubaybay dito.

    Pasyal ka rin sa Barangay Kidlatan friend, nandoon ang aking sikretari of the Barangay na si Banong. Makuwento rin ang mamang iyon.

    Hasta la Vista baby…

  12. Mabuti pa kayong dalawa nakarating na naman ng Sagada. Kami naman ay nasa Pampanga nang kapaskohan tapos namasyal din sa Tagaytay. Tumira kami ng dalawang araw naman sa DAPCC.

  13. wow naman, ang sarap ng inyong tripping! hindi pa ako nakakapunta ng sagada pero sabi ko sa sunod na uwi namin sa pinas.

    sa baguio naman, tama ka dyan, ang daming tao. tapos parang wala na ring bundok kasi panay bahay na lahat e


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: