Posted by: Mer Pints | December 24, 2008

The Gift of Love (Ang Tatlong Magong Sinungaling)

Merry Christmas and a Happy New Year to All.

Christmas is noted for gift giving. God gave His only begotten son as a gift for the salvation of mankind. After the birth of Jesus three wise men came to worship Him and presented Him with gifts of gold, incense, and myrrh. Christmas celebration in the Philippines is not complete without gift giving and the family coming together for the Noche Buena. Christmas Holidays in the Philippines culminates with the feast of the three Kings.

“Then Herod called the Magi secretly and found out from them the exact time the star had appeared. He sent them to Bethlehem and said, “Go and make a careful search for the child. As soon as you find him, report to me, so that I too may go and worship him.”

“After they had heard the king, they went on their way, and the star they had seen in the east went ahead of them until it stopped over the place where the child was. When they saw the star, they were overjoyed. On coming to the house, they saw the child with his mother Mary, and they bowed down and worshiped him. Then they opened their treasures and presented him with gifts of gold and of incense and of myrrh. And having been warned in a dream not to go back to Herod, they returned to their country by another route.” (Matthew 2: 7-12

Ang Tatlong Magong Sinungaling

Kahit sinasabi ng latest survey na tatlo sa limang Pilipino ay umaasa na masaya pa rin ang kanilang Pasko, at kahit nag-sorry na si Tita Cory (na binawi naman ng iba) kay Erap sa kanyang partisipasyon sa pagpapatalsik dito, hindi pa rin natitinag ang tatlong Magong hanapin ang sanggol na si Emmanuel upang sambahin at magbigay ng mga mamahaling handog sa sugong tagapagligtas ng sangkatauhan.

Dito naman kinabahan si Reyna Glueriana kaya dagli-dagli siyang nagpadala ng e-mail  kay Haring Herodes. “Mukhang nababading na ang ating mga Magong Sinungaling, papasyalan ka sa iyong Palasyo para magtanong kung nasaan ang sanggol na ipinanganak ng birhen na siyang tagapagligtas ng sangkatauhan. Kausapin mo at bigyan ng instruction, pagkatapos patiktikan mo sa mga KUL-ISAP ang kanilang paglalakbay.”

Nadistorbo naman ang isipan ng hari sa kanyang narinig, kaya nang makaharap niya ang mga Mago na sina Joc-jocing, Garcinongalin, at Nerikavading ipinabilin niya sa kanila na kapag natagpuan nila ang sanggol ay kaagad siyang kontakin sa pamamagitan ng kanilang mobile phones. Nangako naman itong mga hari ng kasinungalingan na gagawin ang bilin ng haring Herodes.

Habang binabaybay nila ang disyerto ng EDSA sakay ng wheel chair, golf cart, at land and water vehicle, biglang lumitaw ang isang napakaliwanag na tala upang maging gabay sa kanilang paglalakbay. Sa liwanag ng tala ay nakita tuloy nila ang mga billboards ni Hero Fernando na nakangiting aso, at mga iba pang pulitiko na nagaambisyon tumakbo bilang presidente sa 2010 elections. Natatawa lang ng lihim sa Garcinongaling sa kanyang nasaksihan. Biglang lumihis naman ang talang gabay at mabilis na sinundan nila, sa De La Salle Greenhills ito tumigil pansamantala. Biglang namula si haring Nerikavading nang makita niya ang larawan ng kanyang kaibigan na si Jun-junizer na siyang nangunguna ngayon sa paghahanap ng katotohanan. Bago pa maiyak si haring Nerikavading ay biglang  nag-iba na naman ang direksiyon ng tala na siya namang sinundan nila kaagad. Tumigil ito sa St. Luke’s General Hospital. Hindi kaagad nakapagsalita si Joc-jocing sa nasaksihan. Alam niya ang kahulugan nito, ang ilang linggo pagtigil niya dito para suriin ng mga doktor bago pa siya dalhin sa Senado ng mga Romano kung saan ay igigisa siya sa pagtatanong tungkol sa fertilizer scam.

Mayamaya pa ay may nasaksihan silang isang bagay na hindi pangkaraniwang nangyayari sa kalawakan; ang pagbagsak ng dalawang daang milyon na meteorites, ang paglutang sa himpapawid ng dalawang higanteng CD kasabay ng nakakabinging tunog na “hello garci,” at ang pag-ulan ng fertilizer.

Nanlulumo ang tatlong sinungaling sa nasaksihan. Buong pusong nagsisisi katulad ng isang makasalanang maniningil ng buis. Dahil dito ay biglang nagliwanag ang kanilang palibot hanggang ito ay unti-unting dumilim. Nang kanilang buksan ang mga mata ay tumambad sa kanila ang isang sanggol na nakahiga sa isang sabsaban habang nakapalibot ang mga pulubi, street children, mga urban poor, magsasaka, manggagawa, mga kalapating mababa ang lipad, rebelde, etc. Lahat ay nakaluhod, sumasamba sa Sanggol na Anak ng Diyos, nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. Sa Kalangitan naman ay masayang nag-aawitan ang mga anghel.

Lumuhod ang tatlong sinungaling na Mago sa Sanggol at sinamba ito. Luhaang nagsisisi sa kanilang nagawang pagkakasala sa bayan. Unang nagbukas at nag-alay ng dalang regalo si Garci, gintong ballot box na may dalawang CD. Sumunod naman si Nerikavading na nagbigay naman ng Mirang nakalagay sa isang munting golf cart na may dalawang daang  piso. Si Joc-jocing ang huling nagbigay ng kanyang handog, insensong umaalingasaw sa bango na nasa loob lang ng basyong bote ng fertilizer.

Ngumiti ang Sanggol sa galak, na kahit papaano ay nagawa pa ring magpakumbaba at aminin ang pagkakasalang nagawa sa bayan ng tatlong Magong sinungaling. Tumagos sa puso nila ang liwanag ng kapatawaran at pag-ibig ng Diyos. Hindi na sila nagpakita pa kay haring Herodes. Silay humarap sa taumbayan sa pamamagitan ng Media at nagsabi na ng katotohanan. Mga lihim na dapat malaman ng buong bansa kung sino ang nasa likuran ng mga ibat-ibang scam at pandarambong sa kaban ng bayan.

Haay Pasko na pala, nakatulog pala at nanaginip na naman itong si College Girl. Mabuti na lang at ginising ako ni Inday. Hmmm  ang sarap naman ng lechon, suman, pansit malabon at keso de bola. Noche Buena na pala, kain lang po tayo hanggang maubos ang handa hehehe.  Merry Krismas nga po pala sa inyong lahat at saka manigong bagong taon. Mabuhay ang bansang Pilipinas.

Sana sa darating na taon ay makakatagpo na ng mapapangasawa sina Banong at Segundina, hehehe.


Responses

  1. Merry Christmas and a Happy New Year to all who are visiting this blog. May God bless and make your life prosperous this year to come. LOL.

  2. I loved my 5-week visit to the Philippines in 2006. Reading your post brought back a lot of good memories. I’ll look for you next time I’m in the Mall of Asia or Mega Mall. Merry Christmas to all in the Philippines.

  3. mabuti suot ko ang aking salamin.

    muntik nang maging basa ko sa itaas ay “tatlong MAGNONG sinungaling”.

    he he he heeeh!

    magsabi na kaya ng totoo ang tatlong haring gago?

    patay sila kay reyna kiloPuWETra!

  4. Merry Christmas Colegiala girl.

  5. Davis, I wish your dream may come true. I’ll just be around waiting, hehehe. Good luck and a Happy New Year!

  6. Amor, patnubayan ka sana ng ating mahal na Diyos. Pagpalain ka nawa at ang iyong pamilya sa darating na bagong taon!

  7. Tito Magno,
    Sana makarma itong tatlong hari ng sinungaling at magbago ang kanilang isip upang isiwalat ang katotohanan. If ever baka dito u-utotin si gluerieta.

    Sana maging masaya, mapayapa, at maningning ang darating na bagon taon po sa inyo. Good luck, and may God bless you and your family.

  8. kung hindi man mawala nang lubusan ang mga gahaman sa ating pamahalaan, meron sanang isa o dalawang manindigan para sa kapakanan ng mga dukhang siyang mas tinatamaan ng masakit na hampas ng lahat ng katiwalian.

    paano na ang kinabukasan ng ating mga supling na siyang magpapasan ng bigat ng dalahing wala silang kinalaman? hahayaan ba nating hanggang sa pagpikit ng ating mga mata ay nariyan ang nakaambang patalim na anumang oras ay handang itarak sa atin mismong lalamunan? tatanggapin ba natin ng may ngiti sa labi at buong kasiyahan ang mga pagyurak sa ating karangalan at pagsupil sa ating karapatan?

    bagong taon na. panibagong pahina ng kasayasayan ang muling masusulat. panibagong pagpalaot sa masalimuot na tagisan ng buhay. lalagi na lamang ba tayong talunan dahil na rin sa ating mga pagkukulang?

    panawagan sa natitirang mga magigiting at mararangal na kawal, kayong mga inaasahan ng taong bayan na kanilang magiging sandigan, pangunahan ninyo ang paglulunsad ng isang makabuluhan at napapanahong pakikipaglaban!

    mabuhay ang bagong pilipinas!

    mabuhay tayong lahat!

  9. colegialagirl,

    walang nakaka-isnpire sa akin dahil ,wala naman akong mataas na pinag-aralang narating. lakas lamang ng loob at pagsandal sa konting karanasan ang aking sinasandalan upang manatili dito sa aking pinaglilingkuran.

    kung magpapatalo pa ko sa aking kakulangan, paano pa ako mabubuhay nang maayos at marangal?

    nagpatalo na ako noon sa aming karukhaan sa buhay at sa halip na humanap ng paraan upang makapagpatuloy sa pag-aaral ay naglingkod na lamang sa hukbong sandatahan kung saan ko hinubog ang aking kakayahang puhunan ngayon.

    ipinagpapasalamat ko ang pagtitiwala ng aking amo at pagbibigay pagkakataon na patunayang kaya ko kahit gahol sa pinag-aralan.

    at ‘yun ang hindi ko matatamasa diyan sa pilipinas sa umiiral na katiwalian at palakasan saan mang sulok ng pamahalaan at lipunang mapagkait ng pagkakataon sa aming mga may kapansanan.

  10. “…lakas lamang ng loob at pagsandal sa konting karanasan ang aking PINUPUHUNAN upang manatili dito sa aking pinaglilingkuran…….”

  11. Hi kuya Magno,
    I like your comments. Talagang lakas ng loob lamang at abilidad ang ating puhonan para guminhawa sa buhay. It has been said it takes only 1 percent inspiration and 99 percent persperation to succeed. Ang buhay ay hindi puro wish ko lang ang kailangan, kumilos ka at gumawa nang ang buhay mo ay guminhawa.

    Sa kama hindi ka lang dapat nakatihaya, kailangan ay magtrabaho ka rin nang ikaw ay lumigaya.

  12. Sa bagong taon, kung ikaw ay may asawa huwag ka nang magpaputok pa ng mga rebentador kagaya ng trayangulo at saka superlolo. Asawa mo na lang ang paputukan mo sa kama ng lumigaya kayo kapwa.

    Kayo rin kapag nakainom na kayo at nagsisindi diyan ng paputok baka ang inyong mga batotoy pa ang maputokan. KAWAWA naman kayo, habang buhay na lang na nagdurusa dahil hindi lang sa finger naputulan, pati pa sa kanilang kuwan.

    Tumutulong lang po ako sa DOH para sa O-plan walang putok. Pero may alternative action tayo, giyera sa kama.

    Huwag na rin kayong manurotot baka kayo din ang matorotot.

    Hala bira, more sex power to all of you for the year 2009.

    Happy New Year!!!!!!

  13. Hahaha! Tuwing papasok itong si Magno ay napapahalakhak ako ng tawa.

    Oks ang oks ang patawa mo, parang yung supot nung araw. hehe!

  14. chi,

    ikaw, ha?

    ginagawa mo akong payaso niyan.

    kasalanan ko ba kung ‘yun ang pumapasok sa utak ko?

    ganito na nga ako, seseryosohin ko pa’t kakawawain ang sarili ko, ano’ng mangyayari sa akin?

    parang ulilang itlog na hindi nalimliman kaya hindi napisa at nagparang pigsang hinog nga eh hin di naman pakinabangan kundi gustong pisain para tumalsik ang matang walang pakinabang?

    meri krismas on da leyt en hapi nyu yir in da neks.

    iniimbitahan ko kayo sa birthdey ko sa bagong taon.

    magkakatay ako ng isang matabang baboy, isang imported na kabayo at isang poodle na aso!

    ‘yung tatlong haring sinungaling na gago ang magiging kusinero at weyter na magsisilbi sa inyo.

    masasarap naman ang luto nila, pero kung duda kayo dahil sa kanilang mga kabulastugang pinaggagagawa, eh bring yur own baon na lang, hane?

  15. colegiala girl,

    bakit paghahanapin pa ng mapapangasawa sina banong at segundina, puwede namang silang dalawa, diba?

    yeheeey!!

    sakalan na, este kasalan na!

  16. Ayos! Expert naman sa labing-labing si Banong, si Segundina naman ay experto sa family planning. And kaso lang ay palikero itong si Banong at mapili naman si Segundina.

  17. chi,

    walang problema kapag nagkatapat ‘yung dalawang ‘yun!

    swak na swak!

    ‘yung kanilang mga katangian, kayo naman…. kung ano agad ang iniisip.

    kumbaga, ang bawat palayok ay may katapat na tungtong at bago manahi, di ba ang sinulid ay ipinapasok muna sa butas ng karayom?

    ganu’n lang ‘yun!

  18. NEW YEAR’S RESOLUTION YOU CAN KEEP

    Are you sick of making the same resolutions year after year that you never keep? Why not promise to do something you can actually accomplish? Here are some resolutions that you can use as a starting point:

    1. Gain weight. At least 30 pounds.
    2. Stop exercising. Waste of time.
    3. Read less. Makes you think.
    4. Watch more TV. I’ve been missing some good stuff.
    5. Procrastinate more. Starting tomorrow.
    6. Not date any of the Baywatch cast.
    7. Spend more time at work, surfing with the T1.
    8. Take a vacation to someplace important: like, to see the largest ball of twine.
    9. Not jump off a cliff just because everyone else did.
    10. Stop bringing lunch from home: I should eat out more.
    11. Not have eight children at once.
    12. Get in a whole NEW rut!
    13. Start being superstitious.
    14. Personal goal: bring back disco.
    15. Not wrestle with Jesse Ventura.
    16. Buy an ‘83 Eldorado and invest in a really loud stereo system.
    17. Get the windows tinted. Buy some fur for the dash.
    18. Speak in a monotone voice and only use monosyllabicwords.
    19 . Only wear jeans that are 2 sizes too small and use a chain or rope for a belt.
    20. Spend my summer vacation in Cyberspace.
    21. Not eat cloned meat.
    22. Create loose ends.
    23. Get more toys.
    24. Get further in debt.
    25. Not believe politicians.
    26. Break at least one traffic law.
    27. Not drive a motorized vehicle across thin ice.
    28. Avoid transmission of inter-species diseases.
    29 . Avoid airplanes that spontaneously drop 1000 feet.
    30. Not swim with piraanhas or sharks.
    31. Associate with even worse business clients.
    32. Spread out priorities beyond my ability to keep track of them.
    33. Wait around for opportunity.
    34. Focus on the faults of others.
    35. Never make New Year’s resolutions again.

  19. ang galing…tawa ako ng tawa dito! huli na tong greeting ko, pero happy new year!

  20. sinipag ulet mag-blog after ng mahabang bakasyon.
    pahabol na bati lang, happy new year mga chong at chang!

  21. mer, kamusta na ba ang bagong taon sa iyo?

  22. Colegiala at Segundina,
    Baka palarin ako sa taon na ito. Huwag kayong magagalit ha, this time mukhang natagpuan ko na yata ang aking Kapalaran. Hindi siya mapuputi na katulad ninyo, isa lang siyang simpleng gurong Ilokana.

  23. Mang Joe and Mang Magno,
    Ang alak daw habang tumatanda ay tumatamis. Does this apply only to the macho men? Happy New Year po.

  24. Manay Chi,
    Hanggang pangarap na lang si Segundina at Colegiala. Isang matamis na pangarap. Pero sabi nga ni Manong Joeseg, nasa ating mga kamay ang susi ng ating kapalaran. Kaya eto muling umibig na naman at nabigo. Mabuti na lang at may isang dakilang gurong Ilokana na muling nagpatibok ng aking puso. Siya nga pala ate, may pag-asa pa kayang manganak pa ang above forty? Hehehe, mukhang matatali na yata tayo kung papalarin sa Ilocos. Happy New Year!

  25. kindatan, este kidlatan,

    huwag lamang hahaluan ng sitrik asid, siguradong tatamis ang alak kapag inimbak sa napakabang panahon.

    ewan ko lamang kung aplikabol ito sa iyo. pero kung sa paniniwala mo eh kaya mo pa at matatanggap mong sabay na tawaging tatay at lolo, sige lang, aputen puwego!

    no atras, no senyas, no kumpas, deretso hampas, atake!!!

    lagi ka laang maghahaplas ng langis ng niyog na dinikdikan ng luya, hane?

    maghanda ka na rin kaya ng nebulayser.

    he he he he heeeh!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: