Posted by: Mer Pints | December 5, 2008

Cha-cha and Martial Law, Watch your Steps (Sige galitin pa ninyo ang mga tao…)

“Activists, civil society groups, influential businessmen and opposition leaders will gather in Makati City next week to protest efforts to revise the 1987 Constitution, which is seen as a vehicle to extend President Arroyo’s term beyond 2010.”

“Among those who will attend the protests is former President Joseph Estrada, who said in an interview over radio dzMM Thursday morning that he believes Arroyo and her allies in Congress have an ulterior motive for amending the constitution.”

Above is the portion of the news “Opposition to Charter Change Mounts” from abs-cbnNEWS. Com where former president Joseph Estrada was quoted as saying, “Natitiyak ko magkakaroon ng extension ang term, di lang ng presidente pati mga congressman… kung kinakailangan hindi lang maglalakad, maghahakot pa tayo ng supporters at ng taumbayan na labanan itong cha-cha (charter change).

As expected, Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales also expressed “opposition to reports that the cha-cha initiative may extend the terms of elected officials beyond 2010.” But Brother Eddie Villanueva warns cha-cha may be a vehicle for  the declaration of Martial Law. Mike Velarde on the other hand warns Congress and Malacanang, better not  push through with the cha-cha or else “he himself will call on his followers to join the anti-cha-cha protests.”

So far Malacanang has no definite stand against cha-cha. It is neither pro or against it. But most of those who oppose the cha-cha see the hands of Malacanang behind the resurrection of interest for cha-cha in Congress.

Ay, kabayo ni Kulas, maliwanag pa sa sikat nga raw na Malacanang ang may pakana na naman nitong cha-cha. “Ang nakakapangilabot sa kasalukuyan ay walang magaling sa kasalukuyang pamahalaan, dahil ang mga magagaling ay yaong mga hindi halal at hindi napapansin ng mga mamamayan,” ito ang sabi ni Cardinal Rosales. Pero totoo ba Itong sinasabi ngayon ni Cardinal Rosales? Di ba napabalita noon na sinusuportahan niya ang Malacanang?

Bakit ngayon ayaw na niya ang charter change para manatili pa sa puwesto ng matagal ang mahal nating pangulong Arroyo? Mukhang nagbago ang ihip ng hangin. Nais kung isipin na kay haba-haba man ang dating ng maling paninindigan ay mananaig din ang katotohanan. At nais ko ring isipin na nagliwanag na ang paligid ng palasyo ni Cardinal Rosales. Sabi nga ni madam, enough is enough. Kagaya din ng saying ni tita Segundina, “there is an until for everything.” I would like to believe that majority of the Catholic Bishops, like Obama, want change.

Hindi na biro-biro Itong nararanasan ng bansa nating na kahirapan. Sabi nga ni tita Cory, tama na, sobra na, palitan na. Idagdag pa natin dito ang slogan ng mga taga black and white movement, “NOW NA!” At kalian kaya ang now na? Malabo na yatang mangyari iyon. Kahit pumuti pa ang kulay ng balat nina Binay at Obama. Patay na ang impeachment 4 at mga ilang buwan na lang ay 2010 election na. Hindi mo na mapapatalsik pa si pangulong Arroyo, bababa lang iyan sa puwesto pagkatapos ng 2010 presidential election. Iyan ay kung hindi makalusot ang cha-cha.

Kaya sa susunod na Linggo ay muling magtagpo-tagpo sa Makati ang mga kontra sa cha-cha. On December 12, 2008 ay magkakaroon ng interfaith and multi-sectoral rally sa Ninoy Aquino Monument at Ayala Avenue corner Paseo de ‘Roxas ng Makati City. Sabi nga nila, the opposition for cha-cha is mounting. Dumadami ang taong ayaw sa cha-cha at ayaw nang manatili pa sa puwesto si pangulong Arroyo. Kung wala lang kayong gagawing mahalaga sa araw na iyon, sumama na sa rally. Who knows a miracle may happen. Napakagandang pamasko siguro ito para sa sambayanang Pilipino.


Responses

  1. Hindi pa ako nireregla Segundina. Siguro sa isang linggo pa. Ki nireregla ki hindi I am around alive and kicking tita. Hindi ko na kailangang magparamdam, sa halimuyak ko lang ay naamoy mo na ako.
    Happy Days are Here Again tito Joe. Muling nagkakaisa na naman ang mga Pilipino laban sa Cha-cha. Pagkakataon na ito para ipakita sa buong mundo, hindi estupido ang mga Pilipino.

  2. […] Read the rest of this superb post right here […]

  3. Colegiala girl,
    Nakakalungkot isipin na marami sa ating mga kababayan ang naghihirap ngayon. Ngunit ano ang tugon ng pamahalaan sa kahirapan? Cha-cha.
    Katungkulan ng bawat mananampalataya na ipaglaban ang katotohanan.

  4. “Fight the good fight of the faith. Take hold of the eternal life to which you were called when you made your good confession in the presence of many witnesses.” 1 Timothy 6:12

    It is our solemn duty as citizens to protect the interest of our country, to seek for justice and truth, and to put an end to the evil of corruption in our government and society.

    http://bobonyo.wordpress.com

  5. amen doc! laban natin to! naks! hehe😉

  6. walang humpay ang cha-cha ni gloria, natural lamang na tapatan din ng protesta.

  7. gurl! ako kamo ang pag-ingatan NYA, dahil pag ako ang NIREGLA lintek lang ang mga buwaya you know! grrrr! naaakkkaa!!

    ~DON’T MAKE TULOG! LET’S MAKE BAKA! NO TO CHACHA!!!~

  8. Pacquiao Did It Again!

    Filipinos have another reason to be happy. The whole nation once again forgot about the governement scandals and all other natural, political and economical crisis and controversies and went on a “Pacquiao Holiday.”

    Of all the holidays in the country, I figure this one is the best. Whenever there’s a Manny Pacquiao’s fight, crime rate is at the lowest and roads are free from congested traffic. I myself forgot abut my rare afternoon siesta when Manny’s fight was on. He was referred to by the announcers as the “powerpuncher” battling with an “intelligent fighter.” At first, it looked like he would be outsmarted by the opponent but his powerful left hook did the job.

    A friend of mine was really pissed off by Manny’s arrogance and he said he wanted him to lose. For me, Pacquiao’s winning and the honor he brings to the Philippines country compensates for his bad manners. As Chito the sportscaster said: You gotta be proud of this Filiino inside the ring, he’s a fighter.”

    Aren’t we all? Congratulations Manny. Mabuhay ang mga Pinoy!

    By the way, this was the news on March 16, 2008 when Pacquiao defeated Marquez.

  9. I’m against cha-cha.. talagang ang pamahalaan basta makuha lang ang kapangyarian.. ginagawa lahat.. sakim kasi.. kakaimbyerna!!!

  10. Patayin ang chacha. “Tsupain” ang mga Swaping na nagsusulong nito. Mga kumare kong hindi na dinadatnan at wala nang pag-asa pang datnan ng alam niyo na, kita kits tayo sa malaking rally sa Makati.

  11. Hoy mga Pare ko sa Kongres, stop the cha-cha let us dance tinikling na lang, hehehe.

  12. Malapit na ang Friday rally, dapat dumalo tayong lahat nang maipakita natin ang nagkakaisang damdamin at lakas ng bayan lalo na ngayon na nakawala na naman si Joc-joc Bolante dahil na rin sa desisyon ng Korte Suprema. Hayyyy buhay, Banong sali ka na sa rally, hehehe.

  13. Narinig mo na ba o napanood si Juana Change? Kung hindi pa, nandito ang kanyang sinabi tungkol sa paboritong sayaw ngayon ng Malacanang, ang CHA-CHA

  14. Hinila ko ito mula sa CD at Barangay Kidlatan dahil matutuwa kayo rito at lalo kayong gaganahan sa picture na nasa background. Yun yong nanay ng naglalakad para sa isayaw na ang cha-cha.

  15. Ready ka na ba Mer? Bukas magdala ka ng baon natin na nilagang mani ha. Iyong tirador mo dalhin mo rin nang matirador ang mga manggugulo hehehe.
    Mga kaibigan kung nasa metro manila lang kayo, sana sumama na lang kayo sa Rally.

  16. Double time na ang kilos na magkapatid na Datu at Mikey sa pagpapapirma ng cha-cha kahit i-deny pa nila. It is an open secret sabi nga ng isang Congressman na taga Lakas ngunit kontra sa Congressional Assembly para baguhin ang Saligang Batas.

  17. Tito Joe,
    Okay itong si Juana Change. Nakakatuwa at napakalakas ang mensahe para sa bayan. Salamat po.

  18. Two steps backward two steps forward. Hindi tayo aasenso sa chacha na ito. Tutulan yan. Yung mga kongresman naman, putulan! Saka ko ipapakain sa arrowana ko.

    Kitakits!

    Pekeng raliyista:
    Kung hindi tayo kikilos, baka tayo ma-stroke!
    Kung hindi ngayon, baka later na lang me!

  19. Kita nyo na ang totoong sentimento ng mga Pilipino? Buong bansa nakiisa sa panawagan na “IBASURA ANG CHA-CHA NI GLORIA!”. Silence means yes, ika nga sa kasabihan ang ipinapakita ni GMA sa isyung ito. Subalit di nya maitatago ang masamang balak nila sa mamayan dahil una, tulad ng amo nyang si GMA ay naboking ang pabirong panalangin ni SEC DUREZA. Ating matatandaan nung mag-sorry si GMA sa hello garci isyu ay inakalang tatanggapin na lang ng taumbayan ay nagbunsod ito ng malalaking protesta.. SINUNGALING ANG PANGULONG ITO, PATALSIKIN!

  20. Kung maari ng lamang ay now na, di ba Ryan. Mabuhay ka kaibigan dahil may maganda kang hangarin para sa kinabukasan nitong mahal nating bansa. Pasasaan ba at darating din ang araw nang pagtutuos. Sigi galitin pa ninyo ang mga mamayang Pilipino. Dapat lang na ibasura ang cha-cha.

  21. haaay!

    tagal lumabas ng napakatagal ko nang pinagpapantasyahan!

    kapag hindi ako nakatiis, hihilahin ko sa dalawang paa ang poodle na mukhang dagang ‘yan at kakaladkaring pasalungat papasok, este palabas sa pintuan ng malakanyang!

  22. Ituloy lang po ninyo at sasamahan kayo ng buong bayan. Ito ang news update: Poodle isinabit sa puno ng acacia, hehehe. Mabuhay po kayo.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: