Posted by: Mer Pints | October 20, 2008

The Reproductive Health Issue (Ako’y isang Sirena!)

Despite the results of the latest Social Weather Station surveys favoring the Reproductive Health bill, stiff opposition into its passage by the Catholic Church (the leading oppositionist) remains. No less than Manila Archbishop Guadencio Cardinal Rosales said that this is an ethical issue. Below is the excerpt of that report posted in abs-cbnNEWS.com

Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales spoke on Sunday about the controversial House Bill 5043, or the Reproductive Health Bill, and said that the Catholic Church cannot stay on the sidelines on the issue. He said the Church should have a say on the matter since ethics, not just the population, is involved.

“Very sensitive and delicate ‘yung RH bill sapagkat, see the government masyadong marurunong ang ating congressmen, they take this population as an economic, purely economic and social issue. [For] the Church it’s otherwise. It’s an ethical issue. Not just pure sociology and economy, it’s an ethical, it’s a moral issue. Maging ang pulitika ay moral issue. Maging ang economy ay moral issue,” Rosales said during a visit to Baseco, Tondo in Manila, where he led a Mass for the urban poor.

Sino Ako? Ako’y Isang Sirena

 

(Isang cosplayer)

Apat na lalaki ang mga anak ni Mang Jose at ipinagmamalaki pa na niyang magkakalat ng kanyang pangalan na “Pabading.” Dapat sa tatlong nauna nang isinilang na anak nila ni Efrosenia ay tumigil na at nag-family planning na lang sana para hindi na nadagdagan pa ang kanilang responsibilidad. Ngunit si Senyang ang mapilit dahil gusto naman niyang magkaroon ng isang iha na makakatulong sa mga gawaing bahay.

Ngunit lubhang sinusuwerte yata si Mang Jose sapagkat sa halip na babae ang lumabas, isa na namang lalaki. Hindi na nasundan pa muli dahil ayaw nang magbuntis ni Senyang. Natuwa nama si Mang Jose sa bunsong anak na lalaki sapagkat magkakaroon na riya ng dyunior. Lahat kasi nitong tatlong anak nilang lalaki ay ipinagalan sa kanilang mga ninuno. Para daw suwertehin sa buhay at nang hindi maghirap. Nangyari din naman ang pamahiin sapagkat  naka-pagtrabaho sa Saipan ng ilang taon si Mang Jose at nakapagpundar pa sila ng ilang kumikitang negosyo.

“May pinagmanahan itong si Junior mo pare, tignan mo mahaba-haba at mataba-taba ang kanyang ari,” ang sabi ng kanyang kumpareng si doctor Bob nang tinutule ito. Hindi na lang umimik si Mang Jose dahil may katotohan ang sinabi ng doctor. Kaya kay Jose jr. naman niya ibinuhos ang lahat ng kanyang pagmamal na nauwi naman sa pag-aaway nilang mag-asawa dahil lubhang nagseselos iba pa nilang mga anak na lalaki Jose jr. Pero hindi ito pinansin ni Mang Jose, lalo pa niyang ipinakita ang kanyang labis-labis na pagmamahal sa bunsong anak. Ipinasok pa nga niya sa isang eskuwelahan ng Karate para matuto ng self-defense. Ngunit tumigil din dahil pingpong ang larong nakahiligan ni Jose jr.

Natutuwa man ang ama sa kanyang pagiging isang tunay na lalaki at pagkakamit ng maraming tropeo sa larangan ng sports. Ngunit araw-araw namang nagsusumikip ang dibdib ng binata dahil niya mailabas ang kanyang tunay na damdamin. Lingid sa kaalaman ng kanyang mama at papa ay pinakikalaman nito ang mga gamit pampaganda na kayang mama. Oo nga naman, maganda siya at kahawig pa ni Angel Locsin. Higit sa lahat ay hindi siya isang macho guwapito na kagaya ni Piolo Pascual at Dingdong Dantes. Hindi siya si Jose, take note siya si Josefa, o Joyce na lang para seksing pakinggan. At nabuo ang kanyang desisyon na pagdating sa edad na 21 ay magde-debu siya at dito na siya maglaladlad bilang isang “sirena.”

Natupad ang kanyang pangarap. Sa mga nakasinding 21 candles na nakapalibot sa ibabaw ng lamisa ay isa-isang kinuha ito ng mga kaibigan at nagbigay ng munting pahayag tungkol sa kuwento ng kanyang buhay at pagkatao. Iyong tatlong lalaking kapatid ay nagsalita rin at puring-puri siya dahil sa mga achievements nito at ang madalas ng pagpapantasya sa kanya ng mga Kolehiyala. Naubos na ang 20 sinding kandila, iisa na lang ang natitira. Mamayamaya pa ay biglang nag-lights off. Nasorpresa ang mga panauhin, ilang sandali naman na nanaig ang katahimikan sa loob ng hall. Tanging ang isang sinding kandila na lang ang siyang nagbibigay ng liwanag. Nagbubulungan naman ang mga dalagang may crush sa kanya na baka lalabas daw Itong naka-boxer’s shorts lang. Ngunit nabigo ang lahat, pagkatapos umalingawngaw ang napakalakas na tunog  ng trumpeta ay biglang may lumabas na sirena na nakaupo sa isang luklukan na buhat-buhat pa ng dalawang maskuladong macho dancers.  

At nang magsindi ang mga ilaw ay basta nagimbal na lang ang mga panauhin nang tumambad sa kanilang paningin ang isang napakagandang sirena, hinidi siya si Diyesebel at Marinara kundi si Jose, oh no, si Josefa. Biglang pumalakpak naman at naghiyawan ang mga panauhin sa pag-aakalang ito’y isang stunt lamang. Natigil lang sila ng unti-unting pumaimbabaw ang isang malungkot na tugtugin, na sinabayan ng choreographed motions ng dalawang macho dancers. Kinuha ang natitirang sinding kandila at inabot sa kanyang kaliwang kamay, at iyong isa naman ay ipinatong sa kanang kamay ang mikropono. Mayamaya lang ay nagsalita na si Diyesebel, este Joyce pala.

Matagal-tagal din, for 21 years ay nakakulong ako sa katauhan ng isang lalaki. Nagpupumiglas ang aking damdamin at gusto ko nang lumantad ngunit my dad loves me so much that I don’t want to fail him. I tried to be a man, ngunit hindi ko kayang magbalatkayo dahil ang nararamdaman ko ay hindi ako si Jose, ako’y isang babae na nakakulong sa katawan ng isang lalaki (Humikbi siya). Napakahalaga ang kasaysayang nitong pang dalawamput-isang kandila sapagkat dito ko na tinatapos ang kasaysayan ni Jose. Nabuksan na ang isang misterio kung sino ako at kung ano ang tunay kong pagkatao. Ito na ang kasagutan sa mga nagtatanong kung sino ako, ako’y isang sirena. Ngunit hindi ako si Diyesebel lalo nang hindi si Marinara. Ako ay si Joyce, at masaya ako dito… Papa, mama, and to my brothers I am sorry. Sana ay maunawaan po ninyo ako.” Iyong lang at naiyak na ng husto si Jose, aka Joyce.

Naghari naman pansamantala ang katahimikan, oo isang nakakabinging katahimikan.  

 


Responses

  1. Natupad ang kanyang pangarap na mag-debu at the age of 21. Natupad na rin niya ang kanyang gustong gawin, ang lumantad at buksan ang misterio na bumabalot sa kanyang pagkatao. Isa siyang sirena.

  2. Saka lang pala nalaman ni Jose Sr. Na ang Junior niya ay isang hindi tunay na lalaki kahit pinapainum pa ng genebra gin.HIHIHIHIHIHIHIH

    Pero para sa akin.Tatangapin ko ang anak ko maging sino ka man.

  3. That’s right idol, hehehe.

  4. meron akong barkadang lalaki na gustong gusto nyang magkaanak ng sirena rin. pero sabi ko sa kanya, sana kapag natupad ang pangarap mo, tunay mong mahalin ang anak mo kahit sino pa sya.

  5. Kahit sino ka pa ay minamahal ka ng Panginoon. Ngunit hindi mahal ng Panginoon ang mga bagay na hindi karapat-dapat sa isang tao. God created us man and woman. No third sex in between. I agree there are personalities that are more leaning to a gender they are not but then let God give you the power to live and lead a life of what you are not what you want you should be gender wise. I also agree in family planning if only to protect the health of women and even men.
    I have written an article about corruption. Here is the link, http://bobonyo.wordpress.com

  6. Paano ka magko-comment tungkol sa repro bill kung sirena pala ang tunay na topic. Mahilig lang akong mamansin, pero mas OKs sana kung itong topic ay sinamahan ni Colegiala Girl ng gay lingo-katulad ng ilan sa mga nakalap ko:

    shokla– bading
    dakota,harrison plaza-malaki
    nota dakota-juten gagantica
    anjo – pera
    lafang – pagkain
    eklavou – wala lang
    haller – hello
    kmustasa patola- hello din
    anestchiwa- ano na ba?
    chuchukarakas- kung ano ano
    mudra- mother
    pudra-father
    brudra-brother

  7. Tito joeseg,
    Ang connection dito ay iyong family planning. Kung nagfamily planning sana iyong mag-asawa ay hindi lumabas ang sirena. Ito iyong kuwentong ayaw na pero kailangan dagdagan pa dahil gustong magkaroon ng anak pang babae, sa kamalasan ay binabae pala ang lumabas na sa biglang tingin ay anyong machong lalake. Ito po ang behind…

  8. Ang reproductive health ay upang pangalagaan ang kalusugan ng mga kababaihan at maaaring sakupin din nito iyong isyu ng prefered gender at pagpapaputol ng mga sinawimpalad na aring lalaki para magkaroon ng sinusuwerteng ari ng babae. At higit sa lahat, ang repro bill ay magdudulot sana ng mas malawak pang serbisyo ng family planning counseling to include iyong preparation ng mga magulang kung ano man ang magiging itsura at gender preferences ng mga anak, etc. At hindi lang sana population control o prevention of unwanted births ang saklaw ng ating Family Planning program. A clinical intervention to prevent family break-up due to issues on fertility, childbirth, and family support. Isa lang ang kuwentong sirena sa mga napakaraming issue na maaring saklawin ng family planning counseling.

  9. At bakit gay ang usapan, maraming magulang ang ayaw tanggapin ang pagsunod ng mga anak ng kanilang nararamdaman na pagkatao. Kamakailan lang ay inaasamasam ng isang ina na magaasawa na ang kanyang paboritong iho hanggang nabalitaan na lang niya na may kinakasama na palang lalaki ito. Kanyang iniyakan ang nagiisa niyang iho na parang namatayan dahil sa malaking pagkadismaya at kahihiyan. Masalimoot po ang isyu ng gender prefence dahil maraming pamilya ang maapektohan at naapektohan na sa isyung ito.

  10. Sa gay lingo naman, hindi pa nagladlad si Jose Pabading Jr. hanggang umabot siya ng kanyang debu. Kaya sa buong akala ng lahat ay macho pa rin siya gaya ng gusto ng kaniyang papa.

  11. Aksidenteng napindot ko iyong link sa bahay mo kaya nakarating ako dito. Maaga kasi akong nagising para magbasa ng mga comments sa aking blog. Sinuwerte nama tayong napadpad sa poste mo tungkol sa reproductive health bill at ang kuwento ng bading. Pero hindi ako doon magbibigay ng reaction, sa comment mo.
    Nabanggit mo ang pagpapalawig ng function ng family planning to include not only clinical but social counseling as well. Ako ay sumasang-ayon sa iyo. Pero it should be in the adding of more personnel to fulfill non-medical functions in a family planning center or clinic. Alam mo kailangan natin dito ang mga social at psychological counselors na makipag-usap sa mga prospective patients/clients ng clinic. Hindi lang contraceptives at vasectomy and tubal ligation ang pinag-uusapan dito kung hindi pati na rin ang responsible parenthood and healthy family life. Dito talaga kailangan ng pondo at preperasyon para makamptan ang pagpapalawig ng serbisyo ng family planning centers. Isa pang nakikita ko na magandang oportunity ay ang pagtatalaga ng DSWD ng mga social workers sa mga family planning centers para magabayan ang mga family planning acceptors na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa, etc. Dapat nakasaad po sana ang bagay na ito doon sa nga provisions ng bill.

  12. Pangalawang round na pala ni doc. ito.
    Hindi na kailangan pa ang reproductive health bill dahil sa hirap ng buhay ay kosa nang nagpafamily planning ang mga mahihirap. Huwag na ninyong painitin pa ang ulo ni Cardinal Rosales baka hindi kayo papapasukin sa simbahan. Matutuwa tuloy si doc.bobonyo dahil sa kanilang fellowship kayo mapupunta, hehehe.
    Kung kaya ninyo, ang pagsisiping ang ipagbawal sa Pilipinas. Tignan natin kung uuwi pa dito sina pareng Joeseg at pareng Cocoy, hehehe.

  13. hala ano va ito? vakla vakla… kailangan na talagang matutong magpigil ang mga Pilipino sa panahon ngayon hindi na applicable ang …go forth and multiply… kung wala ka namang mapakain di ba?

    kung magiging sirena naman ang anak mo… aba’y pwede bang huwag mo nalang hayaang mangyari yun? naniniwala pa rin akong responsibilidad pa rin ng mga magulang yun.

  14. Bakit nga ba ipagbabawal ni Cardinal Rosales ang makikipag sex.Sa tingin n’yo ba ay wala siyang ka sex sa simbahan niya.Kaya nga naka abito sila dahil hindi na sila nagpapantalon at para maitago si Inday na sunususoso.Ahhhhhhaaaaaayyyyyy.Serena pala iyun.HIHIHIHIHIH

  15. Pasensya na kung hindi ako nakakadalaw ng madalas.May ipinakontrata kasi si mestisang labas ang dila sa akin.

  16. Hi beauty,
    Huwag kang magagalit dahil naglambing lang ako sa iyo kina Kap ha. Hindi ko sinabi na naglagagan ang mga balahibo mo habang panay ang iyong sayaw ng hula-hula doon. Ito magimbita ka muna dahil may dumating na isang puti at itim na markano doon sa isla at nabiitin na naman sina Lina at Basan.
    http://secondlady.wordpress.com

  17. Kayong dalawa ha, baka saan na namang aabot iyang patutsada mo Segundina. Lumalala yata ng pagka-pornmat ng iyong mga kuwento ha, hehehe. Bahala na nga kayo diyan. LOL

  18. ang gusto kong malaman, eh anong naging reaksiyon ni mang jose?inatake ba sa puso?nagwala?

    nagkaroon na rin ako ng malalapit na kaibigan na sirena rin, kaya naiintindihan ko sila.

    sa RH bill, I’m pro all the way.

  19. Kat,
    Update lang kita. Hindi ko na isinali iyong parteng binugbog siya ng kanyang tatay sa tinamong kahihiyan daw. Medyo masakit ito kapag nabasa ng mga kapatid nating sirena. Nagpa-opera siya sa America at tinanggal na si manoy kaya ganap na siyang Manay ngayon. Ang tatay naman niya ay bumabawi sa tatlong lalaki niyang mga kapatid. Parang barkada na lang sila. Sils sila lang a magkakasama sa mga lakaran, inoman sa kanikanilang bahay. Nasa America na si Sirena at maganda na ang buhay. May boyfriend sa Pilipinas at gustong pakasalan pero wala pa tayong same sex marriage. Baka saka-sakali magkakaroon tayo ng same sex-putol -ang- isa marriage in the future. Pareho tayo sa RH bill dahil hindi naman lalaki ang nanganganak at inaanakan, tayo naman di ba?

  20. Segundina,
    Huwag kang makakapasok sa aking blog dahil ipagtatabuyan kita gaya ng ginawa mo sa akin.

    Gusto mong malaman ang sagot ko sa iyo, magtanong ka kay kimuchi. Tse ka rin.

  21. Nagaaway na naman kayo? Wala pa naman si Kap para awatin kayo? kahit anot sasabihin ko sa inyo hindi naman you nakikinig me, hahayyy. Me only think you peace together because me no evil intention to you but live only in peace. Galing kong mag-ingles ano? Mga diyosa ng kagandahan tumigil na kayo baka masermonan na naman kayo ni doc. Malayo pa ang Lingo, baboo.

  22. Ano ba Girl? away na naman kayo ni Seg dahil lang sa brief.Maliit na bagay lang iyan.Para hindi na kayo mag-away,gayahin n’yo na lang ako na hindi nagsusuot ng panty.

  23. Naku idol kim, pagsabihan mo nga iyang kumare mo. Hindi mo naman inaano lagi na lang nangiinis.

  24. Girl,
    May tampohan na naman kayo? Sana magbati na kayo para naman sumaya si Banong.

  25. Mabuti pinapasok muna ako. Bati na tayo. Naniniwala na ako na hindi ikaw ang nagkakalat ng Divisoria joke. I am just sorry. i over reacted.

  26. E, ano pa ang magagawa ko. Una nandiyan si doc. Pinagbabati tayo. Pangalawa away bati naman tayo. At pangatlo matitiis ba naman kita kahit mas magagnda ako sa iyo ng apat na piso, hehe. Siguro hindi ko lang nagustuhan iyong naglaglagan na buhok. Pero forget na.

  27. Kayong mga tsikas, hindi pinagtatampuhan ang kung saan nabili ang mga gamit. Ke Divi, sa Baclaran or galing sa UK. Ang gaganda pa naman ninyo, nasisira ang inyong poise nyan.

    Ang aking advice sa inyo, konting diperensya, huwag nang magtampuhan o patutsadahan. Patayan agad, hindi, ang ibig kong sabihin, magkasundo kayo, magusap o magpadala na lang kayo ng gifts sa isa’t isa, naka-box and beautifully wrapped. Pwede nyong lagyan ng time bomb… oy joeks laang…

  28. hehhee… uso ba ang away ngayon? ehhe

  29. Haayyy salamat at nagbabate na sila.HIHIHIHIHIH

  30. Kimuchi,
    Bati, kim idol. Hindi nagbagbate baka sabihin pa ni Yhen ay may milagro kaming ginagawa baka sumunod pa siya, hehehe.

  31. Tito,
    We love you. Ganda suggestion ninyo, hehehe. Padadalhan ka namin ng gift na brief with a timing device when to wash, hehehe.

  32. mer dont worry d ako mahilig sumunod sa uso… hehe!

    cge peace be with you!

  33. Kung gayon, tumahimik ka muna diyan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: