Posted by: Mer Pints | October 16, 2008

My Faithful Love (Apat na Kalbaryong Tinahak ni Banong sa Ngalan ng Pag-ibig 4)

Sales supervisor ang naging trabaho ni Banong sa Kompanya ni Julie. Magaling siya sa marketing strategy kaya lumago ang kompanya. Dumami ang mga nag-apply para maging sales representative ng Kompanya. Dito ibinuhos ni Banong ang lahat ng kanyang panahon. Nakatulong naman ito para makalimutan niya si Roselynn. Dahil sa tiyaga, sipag, at galing ni Banong lumago ng husto ang kompanya kaya binigyan siya ng sasakyan at saka driver para malaya niyang mapasyalan ang lahat ng mga branches ng Kompanya. Natutuwa naman si Onchie (Conchita Villa Magallanes) sa magandang ibinabalita sa kanya ng kaibigang biyuda. Malaki na rin ang ipinagbago ni Banong na noon ay nakatira na sa isang Condo Unit na pag-aari ng Kompanya. Lumabas tuloy ang kanyang kakisigan na lihim ding pinagpapantasyahan ni Julie.

Si Onchie naman ay anak ng isang Kastila na nakabase noon sa Italya. Ang nanay ni Onchie ay isang teacher na nakipagsapalaran sa Italya at naglingkod sa isang mayamang pamilya bilang kusinera. H.E. teacher dati kaya madali siyang natutong magluto ng pagkaing Kastila at Italyano. Dito siya nakilala ni Gavino Magallanes na taga Madrid, isang negosyante. Matanda na si Gavino kaya hindi na mahalaga kung ano ang itsura ng babaeng Pilipina na pinakasalan niya. Nasa edad na 30 na noon si Solidad nang nagbuntis siya kay Onchie. Lumabas naman na maganda si Onchie kahit hindi siya katangkaran. Namatay naman ang kanyang ama bago siya magdalaga kaya ang nanay na lang niya ang nagpatuloy ng negosyo nito. Ngunit sa kagustuhan ng kanyang ina na maranasan nito ang buhay Pilipino kaya sa Pilipinas niya ito pinagaral ng kursong Business Administration naman ang natapos niya sa isang esklusibong paaralan ng mga babae.

Sa nabalitaan niyang ipinagbago ng kompanya ay nainganyo si Onchie na umuwi nang Pilipinas. Nagdahilan na lang siya sa kanyang ina na tulungan niya si Julie na paunlarin ang kanilang negosyo. Magkasosyo pala ang nanay nito at ang Byuda sa Kompanya. Kababata niya si Julie at kasama pa niyang nakipagsapalaran sa Italya. Kapwa sila nakapag-asawa ng taga ibang bansa ngunit mas pinalad si Solidad. Retiradong sundalo ng Italya naman ang napangasawa ni Julie na namatay  sa isang aksidente ng sasakyan sa Milan. Hindi na nilang naisipan pang mag-asawa muli.

Si Banong kaagad ang puntirya ni Onchie nang magsimula siyang magtrabaho sa Kompanya. Gusto niyang matuto sa mga pamamaraan ni Banong sa pag-organisa na isang matagumpay na salesforce. Ito ang naging daan upang magkalapit ang kanilang damdamin. Hindi si Banong ang unang lalaki sa buhay ni Onchie, may boyfriend siyang anak din ng mayaman ngunit pinagsawaan siya at ipinagpalit sa isang beauty queen. Magmula noon hindi na siya nagtiwala pa sa ibang lalaki. Kay BAnong naman ay sariwa pa ang ala-ala ni Roselynn sa kanyang puso ngunit tanggap na niyang hindi na niya maibabalik pa ang lahat. May sariling buhay na si Roselynn at ayaw na niyang pakialaman ito. Mabait at maalalahanin sa kanya si Onchie kaya hindi mahirap para kay Banong na tumibok muli ang kanyang puso.

Sa isang outing sa Boracay nagkaunawaan ang kanilang mga puso. Sa isang linggong pamamalagi nila doon ay maraming bagay ang nangyari, parang ngayon lang kapwa nakaranas silang umibig. Kakaiba si Banong, masayahing tao, mababa ang kalooban, at tapat kung magmahal. Kaya nga kinantahan siya ni Oncie ng Faithful Love nang magkaraoke bar ang grupo. Kasama nila ang mga sales managers ng ibat-ibang branches ng kompanya nina Julie at Solidad. Si Onchie naman ay hindi na humiwalay pa kay Banong magmula ng magibigan sila. Love birds nga ang tawag ng mga kasamahan nila sa kanila ngunit hindi na ito pinansin pa ng dalawa. Ang mahalaga magkasama sila at nagmamahalan.

Hindi naman maganda ang dating ng balita ng pagmamahalang iyan na nakarating kay Julie. May pagtatangi siya sa binata bagamat matanda siya sa kanya ng sampong taon.  Mestisahin naman si Julie at maganda pa ring tignan kahid edad kuwarentay singko na siya. Marami din namang nagkakakursunada sa kanya dahil mas makinis pa siyang tignan kay sa isang batam-batang dalaga. Malulusog ang kanyang dibdib, matangos ang ilong, at napakaganda ang hugis ng kanyang mga hita na pinagpapantasyahan ng maraming lalaki.

At nagtataka naman siya kung ano ang nakain niya at si Banong pa ang kanyang pinagkainteresan. Sayang nawika niya, sa panahon na nasa Italya pa si Onchie, sana inakit na niya ang binata at naging kanya sana ito. Ngunit hindi padadaig ng biyuda sa isang dalaga. Kailangang kumilos siya nang mapunta naman sa kanya si Banong. Ilang bises na niyang kinutya ng kanyang sarili dahil sa kahibangang ito ngunit talagang si Banong lang ang muling nakapagpatibok ng kanyang puso.

Isang taon pa ang nagdaan at wala nang masasabi pa si Banong sa mga magagandang nangyari sa kanyang buhay. Punong-puno naman ng kaligayahan ang mga puso nina Onchie at Banong sa matapat nilang pagmamahalan. “Ikaw na ang huling pag-ibig sa buhay ko,” ang laging nawiwika ni Onchie kay Banong na talaga namang patay na patay sa pagmamahal sa Binata. Kay Banong naman ay wala na siyang naisip na iba kung hindi panghabang buhay niyang mamahalin si Onchie. Nakakatawang isipin dahil sa isang makabagong panahon ay  isang antigong awitin ang naging theme song ng pagmamahalan nina Banong at Oncie, ang walang kamatayang “My Faithful Love.” Sa pag-aakalang sila ay para lang sa isat-isa, at ang kanilang pagiibigan ay batid nilang abot hanggang langit at walang kamatayan ay binalak na nilang magpakasal. 

Kung silang dalawa lang ang masusunod ay magpapakasal na sila kaagad. In fact ihinanda na ni Banong ang kanilang mga papeles para magpakasal. Ngunit hinadlangan sila ni Solidad. Maaga pa aniya na pagusapan ninyo ang tungkol sa kasal. Nagmakaawa naman si Solidad na sana ay magpalipas muna sila ng ilang panahon bago magpakasal. Natupad ang kagustuhan ng ina na labis namang ikinatuwa ng biyudang si Julie.

(Itutuloy)

Abangan ang isang trahedya na dulot ng pagiibigang iyan sa huling yugto ng kuwento sa Buhay ni Banong.


Responses

  1. May isang trahedyang magaganap sa huling yugto ng kasaysayan ng pagibig ni Banong. Dito na kaya mapuputol ang isang bagay ng napakahalaga sa kanyang pagkalalaki?

  2. Si Kap ito. Napadaan lang para batiin din kita ineng. Ang sabi mo kasi you are ready for love first come first serve. I am here ready for anything at you command, hehehe.

  3. Kumusta na kayo mga kapatid? At kumusta na rin kayong magkaibigan? To all our blogging friends, greetings in the name of the Lord. May His blessings be with you always.

  4. Mer,
    Nonng bata pa ako ay madalas kung napapakinggan iyang kantang My Faithful Love. May guitar instrumental pa diyan. Sana kung mabasa ni kuya Joe ito ay magposte siya.
    Sa mga radio stations noon sa probinsiya ay may tinatawag na dedication and request, maniwala ka napakaraming humihiling sa kantang iyan. Si biyenan nga ay tuwang-tuwang tuwa kapag nadidinig niya iyong guitar instrumental ng faitful love at parang napapasayaw pa siya. Tanongin mo si Mang Greg, kapanahonan din niya ang awiting ito. Sinasayaw pa niyan sa mga box socials sa Abra noong araw.

  5. Last comment na lang.
    Mahirap magsabi ng Faitful Love kung ang human elemen pa rin ang umiiral sa atin. There is one faithful love and that is the love of God, “For God so love the world that He gave his only begotten son that whosover believe in Him shall not peris but have everlasting life.” John 3:16.

  6. Majority of Filipinos support the Reproductive Health Bill. It is surprising that 76 percent of the Catholics interviewed in the survey support the bill. Do you believe in the survey results? Register your agreement of disagreement.

    http://secondlady.wordpress.com

  7. Kawawang Banong.Puro na lang surplus ang napupunta sa kanya.HIHIHIHIHIHIH.

    May e-mail si Ning sa akin at nag-uumpisa ng magkuwento.

    Kung gusto ninyong fried chicken na manok,may libreng jollibee kayo kay Cocoy.

    Nahihirapan akong mag comment sa post ni Secondlady tungkol sa reproductive bill.Mawawalan ako ng negosyo.HIHIHIHIHIHI

  8. Pasyal tayo doon idol.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: