Posted by: Mer Pints | October 11, 2008

Apat na Kalbaryong Tinahak ni Banong sa Ngalan ng Pagibig-2 (If you go away)

The Village officials asked the Ramona’s child Watusini from her Japanese huband if she wanted to stay with Banong her mom’s boyfriend. The child made the right decision. She wanted to go with her father because she has more future with him in Japan. 

Similarly the Village officials asked another Ramona’s child, Honey Bee (from her American boyfriend), if she wanted to go with her real dad in America, the child quickly said “yes” because she wanted to play with Snowman. And for spending all his savings just to support a family which is not his own, Banong cried with all bitterness. Ramona is the first woman ever to love him, but she is also the first one to go.  

Luhang Dulot ni Ramona

Si Ramona ang unang nagpatibok sa puso ni Banong. Siya ay may dalawang anak sa asawa niyang Hapon at sa kabit niyang Amerikanong puti. Ngunit bata pa at maganda itong si Ramona. Malulusog ang kanyang dibdib, mestisahin siya, at nasa edad na 24 lamang. Nagtatrabaho siya bilang isang dancer sa may Timog ng Quezon City. Nakilala ni Banong si Ramona sa pamamagitan ni Mang Kulas na driver ni Kapitan Kidlat ng kanyang pampasaherong jeepney, mahilig itong mamang tumambay sa mga Karaoke bar.

Bigay hilig si Ramona ng abutan siya ni Banong ng limang daang pisong tip nang magpahalik ito sa kanya ng lips to lips. Another five hundreed pesos na naman nong ipahawak ni Ramona sa kanya ang kanyang mga malulusog na boobs. At isang libong piso naman ang iniwan nito sa loob ng kanyang panty nang hinayaan niyang ipasok ni Banong ito at dukutin ang kanyang flower.

Hindi na alam ni Banong ang kanyang ginagawa sa gabing nakilala niya si Rowena sa sobrang kalasingan. Ngunit may telephone number pala siyang naiwan kay Ramona kaya tinawagan naman siya ng Byuda ng mga buhay dahil sa sobrang nagaalala ito para sa kanya. Hiyang hiya naman si Banong sa nalaman niyang ginawang pambabastos sa dancer. Kaya humingi ito ng paumanhin kay Ramona. Ngunit sadyang maunawain ang Byuda ng mga buhay, bakit nga hindi bawat body violation ni Banong sa kanya ay may kapalit itong datung.

In short nagkapalagayan sila ng loob na nauwi sa pagmamahalan. Nagsama sila sa isang bubungan bilang mag-asawa. Sobrang nasiyahan naman si Banong sa kanya dahil talagang magaling magtrabaho sa kama si Ramona. Laging nasa langit siya sa piling ng dancer. Ngunit seloso si Banong at gusto niyang siya lang ang nilo-lollipop ni Ramona kaya pinatigil na niya itong sumayaw pa sa bar. Parang sarili na ring mga anak ang turing ni Banong sa mga anak ni Ramona. Pinag-aral niya sila sa isang pribadong eskuwelahan. Kaya panay ang kayod naman ni Banong upang matustusan niya ang bago niyang pamilya. At dahil dito, nagkagalit sila ng kanyang panganay na kapatid. Si Ramona naman ay ginampanan niya ang kanyang tungkulin bilang asawa ni Banong kahit paminsan-minsan at kusang nagpapaboso siya sa kapit-bahay nilang gym instructor. Daig pa ng tunay na ama ang papel na ginampanan ni Banong sa kanyang mga anak-anakan. Tuwing uuwi siya ay may dala siyang siopaw, chocolate, boy bawang, hotdog, donut, etc. na pasalubong.

Napamahal na rin si Banong kay Ramona kaya pinaglinkuran niya ito ng husto, magmula sa kusina hanggang kama. Dahil sa araw-araw na pagtitirik ni Banong ng kanyang kandila sa laging basa at mapaghangad na hotcake ni Ramona, nangayayat ito ng husto. Ayaw niyang mabigo ang kanyang asawa na asawa din dati ng bayan sa kanya kaya ginawa lahat ni Banong ang kanyang nalalaman sa sex na itinuro pa ng lolo niyang albularyo sa Bicol. Maging ang paglalagay ng lastiko na may tatlong buhol sa ulo ng kanyang manoy ay ginawa niya para masiyahan lang si Ramona tuwing nagtatalik sila. Muntik nang himatayin ang dancer nang unang maranasan niya ang improvised explosive gadyet  ni Banong. Para siyang trompo sa kaiikot ng puwet dahil dito. At dito din siya nagalit kay Banong dahil nagasgas ang tunnel ng ligaya sa goma at muntik na siyang naospital sa impeksion. Mabuti na lang at maraming alam na uri ng antibiotics si mang Kulas kaya naagapan ito. Pero mahigit namang isang buwan na nadyeta si Banong sa paghihintay bago gumaling ang gasgas ng kuwan ni Ramona. Mabuti na lang at may field trip si Banong kaya nalayo siya sa tukso. Nang may kinita si Banong sa kanyang sideline na pag-aahente ng mga kotse, ibinuka na ni Ramona ang pintuan ng ligaya nang binalatoan siya ng 20K pesos. Sumigla na naman ang katawan ni Banong dahil muling pinadapo ang kanyang manoy sa masukal na paraiso.

Ika-26 na birthday ni Ramona nang may dumating itong bisita galing sa Japan. Ang kanyang asawang Hapon ni si Kikimoto. Gusto na daw niyang kunin ang kanyang mag-ina at dalhin na sa Japan. Ayaw man ni Banong wala siyang magawa dahil takot ito sa mga Yakusa. At nang tanungin naman ang anak-anakan niyang si Watusini, ang sabi nang bata sa Hapon na lang daw siya dahil sawang-sawa na siya sa Pilipinas. Luhaang naiwan sa kanyang bahay na mag-isa si Banong. Ano ba ang kanyang magagawa e may asawa pala ang pobre, at kasal sila. Takot si Banong baka makasuhan pa siya ng adultery. Broken hearted si Banong, parang batang umaatungal sa magdamag, malamig ang gabi at wala na siyang kayakap pa na si masabaw na Ramona. Ang tanging naiwan na ala-ala ang magandang anak ni Ramona sa Markanong puti na maglilimang taon pa lamang. Ayaw isama ni Ramona sa Japan dahil may pagka-sex maniac itong si Kikimoto baka laspagin pa niya ang bata dahil hindi naman niya ito kadugo. At saka galit sa mga dugong Markano itong mamang Hapon.

Inalagaan ni Banong si Honey Bee dahil siya na lang ang naiwang ala-ala ng sumakabilang bahay na asa-asawahan. Mabait at napakagandang bata itong si Honey Bee kaya nagustuhan kaagad siya ng panganay na kapatid ni Banong. Kung gusto ni Banong ay siya na lang daw ang magaalaga nito dahil may tipong artista ito. Baka sumikat nga siya naman at malaking pera ang kikitain nito. Ngunit ayaw ni Banong. Kaya ipinagbilin na lang niya kay teacher Irma ito habang nasa trabaho siya. Kukunin din naman niya ang bata sa bahay ng teacher sa hapon pagkagaling sa trabaho. Hindi naman nagdamot si teacher Irma sa kanya dahil binibigyan siya ni Banong ng isang daan piso kada araw maliban sa pagbili nito ng mga panindang longganiza, tocino, pahulugang pantalon at sapatos, etc.

Masaya na sana si Banong sa pagaalaga ng anak ng iba ngunit hindi ito nagtagal. Dumating si Mr. Mudguard mula Portland, Oregon para kunin ang kanyang anak. May kasama pa itong abogado na siyang nagpakita sa kanya ng birth certificate ni Honey Bee. Nang tanungin ni Kagawad Pikoy kung gusto nang batang sumama sa kanyang ama, “oo po,” kaagad ang sagot nito. Pangarap daw niyang makarating ng America at makipaglaro kay Snowman. Kusang ibinigay ni Banong ang bata sa kanyang ama dahil nasaktan siya sa pagtatakwil ni Honey Bee sa kanya sa kagustuhan lang nitong makalaro si Snowman.

Isang linggong naglasing si Banong sa saklap ng kanyang sinapit na kapalaran. Dito niya naisip na hindi lahat ng mga tao na may apilyedong Capalaran ay mapalad. At higit sa lahat dito niya natutuhan ang kasabihan, kung hindi ukol hindi bubokol. Ngunit dahil na rin sa laking Bicol si Banong kung saan ito ay laging binabagyo, madali siyang nakabangon sa unang kalbaryo ng pag-ibig na kanyang sinapit. Muling isinubsub ang sarili sa trabaho upang makalimot. Upang magabayan siya sa kanyang pagdadalamhati ng mga nawalang minamahal, inaraw-araw niya ang pagsimba para makalimot at dahil hindi na siya makapagtutulog pa sa gabi tuwing naala-ala niya ang kanyang perang nasayang at naglahong taksil na pag-ibig.


Responses

  1. Colegiala G

    Malungkot pala talaga ang naging karanasan ni Urbanito Capalaran. Napaka-faeet, Kuya Eddie Ramos. Ganyan ang buhay natin, parang gulong, minsan nasa itaas, minsan nasa vulcanizing shop. At naipayo ko na ito kay Banong, kung nawala ngayon ang kanyang luvs, may pagasa at Weather Bureau pa siyang muling makatagpo ng iba. At laging niyang isaisip, nasa kanyang palad nakasalalay ang lahat…

    At sa iyo Banong, habang tumatakbo ang iyong imahinasyon upang mag-aliw sa sariling sikap, pakinggan mo ito:

  2. Tito Joe,
    Kasing lungkot po ng awiting pinatugtog ninyo. I like this song. i can relate with Banong’s experience. Napakasakit ang iwan ka ng iyong minamahal. Nakakaluha nga sa totoo lang. Ginawan ko na lang ng paraan na mangingiti ka kahit papaano kapag binabasa mo ang kanyang kuwento.

  3. Girl,
    Masakit pala ang sinapit na kapalaran ni Banong.Tulad ng sinabi mo,kung may tiyaga ay may kamoteng nilaga.Naaaliw akong basahin ang yugto ng buhay niya.

    Magkapareho tayo ng kuwento.Ang akin naman ay “Anak ka ng Hostess.” Ang naging Capalaran ni Banong ay magkapareho kay Rose ng nasa Gapo pa siya nagsasayaw.Ngayon Rosa na siya at sumasayaw ang paa sa korya ng Singer.Hihihihihi

  4. Hindi sa nakikialam ako sa kuwento ng buhay ko na sinulat ni Colegiala, nais ko lang pong batiin ang aking bossing na si Kapitan Kidlat at si ma’am Tisay sa kanilang wedding anniversary. October 13 noong ikinasal sila. Kasama na nila si Byuti na 3 months old pa lang sa loob ng tiyan noong lumuhod at humarap sila sa altar. Congratulations boss, mahal ka namin. From the research and development staff of the Kidlatan Village.

  5. Congratulations Kap. Wish ko lang sana ay okay na kayo ni ma’am Tisay. Sana kahit ulyanin na kayo, hindi parin ninyo makakalimutan na kayo ay nagsumpaan na magmahalan habang buhay. May you continue to enjoy a happy and exciting married life together. Kayo po ang inspirasyon ng aking best friend at sa akin din po. Congratulations po uli.

  6. Happy Anniversary sa inyo kapitan.Wish ko lang ang mabuti ninyong samahan.

  7. Binabati ko kayo kapitan.Sana magsasama pa ako ng maayos,Dapat marunong ka ring magtago ng sikreto.

  8. Happy anniversary uli sa inyo Kapitan. Nandito rin pala sina ka Cocoy at Kimuchi. Magandang araw din sa inyong lahat. Nandito na nga lang kayo, kinukumbida ko naman kayo mga kapatid na dumalo sa Bible study namin ni Tatang. Si Judas ang ating pag-uusapan doon kasama na ang mga kaibigan nating mambabatas.

  9. Maraming salamat po sa pagbati. Okay na kami ni Tisay at wala na akong tinatagong sikreto pa sa kanya. Pero next time susundin ko na ang payo ng aking kumpareng Cocoy, dapat matuto akong magtago ng sikreto, hehehe.

  10. Salamat uli sa pagparito ninyo. Busy lang po sa araw na ito. Gusto ko na uli bumalik sa pagtuturo kaya maghahanap muna ako ng school na papatol sa akin, hehehe. May interview daw ako. Puwedi kayang mag-bikini na lang sa job interview? hehe.

  11. Kuwento ng isang babaeng dating nagtatrabaho bilang pokpok, dinala daw siya sa isang bansa at dito pinagparausan ng mga dayuhan, red, black, brown, white, yellow in skin and color. Ang kanyang kinita ay napunta lang sa kanyang boyfriend na durogista. Abangan ang kanyang kuwento sa aking bahay.

  12. kap congrats sa inyo ni tisay… abay humaba pa sana ang inyong samahan!

  13. makulay pala talaga buhay pag-ibig ni banong… hehehe

  14. Biro ng isang lalaki na nadining ko.
    “Ayaw kung mag-asawa, kuntento na ako sa pagiging binata.”
    “Bakit naman bro,” ang tanong ng kaibigan.
    “Biro mo hindi mo sila kamag-anak pero pinapapakain mo.”
    Sagot naman ng kaibigan.
    “Anong masama doon, nasasarapan ka naman kapag isinusubo mo ang iyo sa asawa mo.”
    Nagtaka iyong kaibigan.
    “Anong iyo ang sinasabi mo, pakiliwanag naman.”
    Basta umalis na lang ang kaibigan na hindi na nagpaliwanag pa. Nabitin tuloy ako, ano ba ang ibig sabihin niya sa “isinusubo mong iyo?”
    Anybody who can help me please…

  15. Mer,
    Naiinis na ako dahil tuwing may naki-kipagsex na lang na character na lalaki dito sa mga kuwento sa blog ay laging ako ang napagtitripan nila. Dito sa World of Colegiala girl, Banong pa rin ang Bida. Ngayon naman nasa America na si Banong at nakikipag-sex pa kay Kimuchi. Nakakahalata na ako nito a.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: