Posted by: Mer Pints | September 30, 2008

Is this where your taxes are being spent? (Isang Linggong Pag-ibig ni Congressman Banong)

Public service is a public trust. We expect our government officials and legislators to be models of honesty and good moral standing. At times they are the cause of our frustrations. They don’t only perform well on their job; they also waste tax payer’s money on their vices and personal enjoyment. Meanwhile as our elective officials go enjoy free trips abroad courtesy of people’s money, thousand of Filipinos go hungry each day. Is this where your taxes are being spent? 

Lunes, nang lumuwas papuntang Hong kong si Congressman Banong para magbakasyon pagkatapos niyang tumanggap ng isang supot na regalo mula sa palasyo. Dahil mag-isa lang siyang nagpunta roon pang-VIP ang kinuha niyang upuan. At sa hindi niya inaasahan na isang napakagandang starlet at modelo ang kanyang makakatabi. Pasimple lang si Congressman Banong pero talagang naakit siya sa ganda at yumi ng kanyang katabing dalaga. Nagpakilala siyang isang Congressman at naging mabait naman ang dalaga sa kanya dahil talaga namang napakaginoong kumilos ni Congressman Banong kahit pa sipsip at mahilig mangurakot ito. Sa Hongkong din pala ang tungo ng magandang modelo, na itago na lang natin sa pangalang Merly. Mayroon siyang show sa isang kilalang hotel doon. Parang pinagbiyak yata ng tadhana at sobrang makapagbiro ang kapalaran dahil doon din pala mamalagi ang Congressman. 

Nang lumapag eroplanong sinakyan ay nagkanya-kanya na sila ng lakad. Dahil sinundo siya ng kanyang manager at hindi na nagawa pa ni Cong. Banong na  sumabay kay Merlita. Tinawagan niya ang kanyang kaibigan na Intsik at sinundo ito sakay ng kanyang magarang kotse. Sa hotel ang tuloy nila at pagka-check in ni Banong ay nagtungo naman sila sa lobby para magkape.Tamang- tama naman na dumaan doon si Merlita na nakasuot ng shorts at maiksing blouse na may larawan ng mansanas sa harapan. Napakalagkit ang tingin sa kanya ni Cong, napansin ito ng Dalaga kaya ginantihan naman niya ng isang matamis na ngiti. Kumalabog tuloy ang  itlog, este ang puso ng Congressman. Naakit at tila pinana ni Cupido ang kanyang salawahang puso. 

Martes kinabukasan ay muling pinag-ugnay ng tadhana ang kanilang mga landas. Talagang sinusuwerte ang matulis, mabait na Congressman at mag-isa lang noon si Merly na kumakain ng breakfast. Nilapitan siya ni Cong. Banong at tinanong kung may kasama ito. Kaya naman nang malaman nitong mag-isa lang ang dalaga simbilis siya ng humaharurut na jeepney na kumuha ng upuan at tinabihan siya. Umorder pa siya ng karagdagan pagkain para sa dalawa na siya namang ikinabigla ng starlet dahil nagdidyeta ito. Pero dahil sa masarap at mamahaling pagkain ang inorder ng kawatang pulitiko, kinalimutan muna ng babae ang kayang pagdidiyeta. Maganang kumain si Congressman dahil nagpapalakas at inspirado siya. At dahil naman sa libre at ngayon pa lang makakatikim ng ganitong uri ng pagkain ang dalaga itinudo na rin niya ang pagtsibog. 

Pagkatapos nilang kumain, niyaya siya ni Congressman Banong na mamasyal sa mga ibat-ibang magagandang lugar ng  Hong Kong sakay ang kotse nang milyonaryong si Mr. Ba Teng Teng. Excited naman ang Dalaga na pasandal-sandal na sa katabing Congressman. Parang baradong karborador naman ng kotse na nag-overheat ang pagkalalaki ni Congressman Banong. Tayong-tayo na ito at tila gusto nang sumisid sa dagat Tsina. Pero marunong magdala si Congressman Bianong; sanay na sanay na siya sa mga ganitong diskarte. “Fatherly-akbay” lang muna siya at tila naninimbang sa maganda at mestisahing modelo. Lumamig lang ang kanyang hot-na-hot na pagnanasa at pakiramdam nang pumasok sila sa Ocean Park kung saan ay nasindak si Cong. Bianong sa nakita niyang pating. Pakiramdam kasi ni Cong Bianong ay sasakmalin ng White Shark ang kanyang aring-yaman. Sandali lang sila sa Ocean Park dahil may rehearsal pa si Merly. Nalungkot naman si Cong. Banong pero hindi siya nagpapahalata. 

Miyerkules ng hapon nang muli silang nagkita. Kinagabihan ng araw na iyon ang show ni Merly. Niyaya niya ang Congressman na hindi na nagpatumpik-tumpik pang sumagot ng “oo.” Niyaya din niya ang Dalaga na mamasyal, kumain, at mag-casino pagkatapos ng kanyang show. Labis naman itong ikinatuwa ng starlet dahil ngayon lang niya mararansan ang mag-casino at sagut pa ni Congressman ang kanyang pansugal na pera. At habang kumakain sila sa isang restaurant na pang-VIP ay panay naman ang haplos ni Congressman Banong sa mga malalambot na palad ng Dalaga.        

Kinagabihan ay nanood nga ng show ng dalaga itong si Cong. Banong. Tuwang-tuwa siya galing ng pagrampa ng modelo na nagpakita sa mga manunood ng mga ibat-ibang desenyong pangkasuotan ng mga babae. Dahil sa natatangi siya sa ibang mga modelo, si Merly ang siyang pinalakpakan  ng husto ng mga manunuod na dignitaries. Pero si Cong. Banong ang siyang pinakamalakas na pumamalakpak sa lahat. Sanay na siyang gawin ito bilang isa sa mga palakpak boys daw ng pangulo. 

Dahil may usapan na sila, sa lobby na lang ng Hotel nito hinintay ang modelo. Dagli-dagli silang sumakay ng isang limousine patungong Casino. Pagdating doon ay sumaglit muna sila sa isang kilalang kapehan para magmeryenda. “Sana suwertihin tayo,” ang bungad nitong salita sa dalaga. Ngumiti lang ito ng napakatamis na tila baga’y nangaakit at siya namang  lalong nagpatibok sa maitim na puso ni Congressman Banong. Tinitigan niya ng matagal ang Dalaga, napukol ang kanyang mga mata sa parang nangungusap na mga mata ng dalaga. “Ang ganda mo, nakakain-love ka talaga,” ang sabi nito. Umiling lang ang Dalaga na halata namang nagpapakipot kunwari. Tatagal pa sana ang kuwentohan nila nang may namataan si Congressman na amiga ng kanyang mala-balyenang misis. Niyaya niya kaagad ang dalaga na umalis na sila. Nagtataka naman si Merly kung bakit bigla-bigla na lang nenerbiyos ang kanyang kasama. Pero matunog si babae sa mga ganitong bagay dahil ilang beses na rin siyang nalagay sa alanganin sa mga nakarelasyon niyang may asawa. No questions asked na lang siya kay Cong. Banong hanggang nakarating sila sa Hotel. Nagkunwari namang masakit ang ulo ni Congressman at nagpaalam sa Dalaga na mauuna na ito sa kanyang tinutuluyang luxury room. 

Huwebes, gustong bumawi ni Congressman Banong sa dalaga dahil sa naudlot nilang date. Very understanding naman itong si Merly, as usual, kaya muli siyang nakipagkita. Kunwari ay malungkot at tila nagdaramdam sa kanya ang dalaga dahil sa naudlot nilang date. Kaya nang magkasarinlan sila ni Congressman sa isang exclusive na bar ay may inilabas at binuksan itong regalo para sa dalaga. Laking gulat ni Merly nang mabuksan ang munting kahita, isang mamahaling kuwentas at hikaw na ginto na my diamonds pa. Sa tuwa niyakap at hinalikan niya ang  matandang kabayo Congressman. Hudyat naman ito para yakapin din siya ni Congressman at pinaghahalikan. Anyway, medyo madilim ang kanilang corner  kaya libre nilang gawin ang gusto nila. Dahil malambing at sweet ang musikang tinutugtog ng orchestra, nagyaya si Congressman na sumayaw sila ng Dalaga. Tila hindi na sila gumagalaw sa pagsayaw sa kanilang kinatatayuan, magkadikit ang kanilang mga labi at dibdib. Damang-dama na rin ni Merly ang init ng tayong-tayo nang pagkalalaki ni Cong. Banong na nakatutok na sa kanya.  

Dahil nagkaunawaan na ang kanilang mga puso, hindi nila pinalampas ang gabi na walang mangyari. Mahalaga ang bawat sandali, kaya doon sa luxury room ni Mr. Congressman ay kapuwa nila pinagsaluhan ang tamis ng nakaw na pag-ibig. “Dadalhin kita sa gloria,” ang kanyang bulong sa dalaga habang marahan niyang ipinapasok ang kayang aring pagkalaki-laki pagkalalaki sa hiyas ng babaeng kanyang inaasam-asam nang makatalik pagkatapos ng mga maiinit na halikan at sipsipan ng dila. “Huwag sa malacanang,” ang sagot naman ng dalaga. Napatawa na lang ang Congressman ngunit sinikap pa rin niya na maisakatuparan pa rin niya ang kanyang pagnanasa. Jackpot siya sa pakikipagtalik sa dalaga na ang kanyang tingin ay sariwang-sariwa pa ang  pangangatawan na ala-birhen pa at di pa gaanong nagagasgas . Sa paulit-ulit na ligayang kanilang pinagsaluhan, tila bagang wala nang katapusan pa ang magdamag. 

Biyernes ay tinawang ni Mr. Ba Teng Teng si Congressman Banong at ayos na raw ang kanilang accommodation sa isang island resort. Tuwang-tuwa naman si Merly nang ibalita sa kanya ito ng Congressman at dalawang hanggang tatlong araw silng mamamalagi doon. Mayamaya pa ay dumating na ang sundo nilang limousine na nagdala naman sa kanila sa daungan ng mga yate. Isang malaking luxury boat ang naghatid sa kanila sa island resort. Service deluxe ang ibinigay sa kanila ng mga crew ng resort. Mangilan-ngilang pareha lang sila doon. Safe-na-safe sila doon at tila walang nakakakila kay Cong. Banong. Malaya silang namasyal sa lahat ng sulok ng resort. Parang mga love birds na naghahalikan pa. Mga honeymooners nga ang kanilang dating sa mga iba pang guests ng resort. 

Sa kanilang magarang cottage ay muli pang naulit ang mga maalab na eksena, kakaiba ang init ng kanilang romansa na naghatid sa kanila sa glorya. Kulang ang mga salita upang ilarawan naman ni Congressman Banong ang sobrang kaligayahang nalasap sa piling ng batam-bata, napakaganda, at ubod ng kinis na dalaga. Sagana siya sa mga mamahaling alak at bitamininang pampalakas at pampagana. Hindi rin maipinta ang ligayang nadama ng Dalaga sa galing ni Congressman Banong sa sisiran at romansa. Ngayon lang ito nangyari sa kanya. Ngunit ang higit na nakapagpaligaya sa kanya ay iyong mga mamahaling alahas at napakaraming pera na ibinalato ni Congressman sa kanya mula sa mga tongpats ng mga proyekto na ginastosan ng kanyang pork barrel. Mabilis na naipadala ng dalaga sa  mga magulang ang malaking halagang bigay na bigay sa kanya ni Congressman. Ang mga mamahaling alahas naman ay naitago niya, naniniguro lang na baka bawiin pa ito ni Congressman Banong. 

Sabado ng umaga nang gisingin ni Merly si Congressman Banong upang sabihin sa kanya na bumalik na sila sa Hotel dahil may show pa siya sa kinagabihan ng Sabado. Ayaw pumayag ni Congressman dahil ngayon pa lang daw ito nag-eenjoy. “Pagod na ako, gusto ko nang magpahinga,”ang sabi nito sa Congressman. Dito na nagalit na si Congressman Banong. Nagkasagutan na sila, naging mainit na ang kanilang pagtatalo hanggang napaiyak na lang ang babae. Humahagulgul itong lumabas sa kanilang cottage at nagtungo sa pool. Mabilis naman siyang sinundan ni Congressman. Kinalaunan ay napapayag din niya ang Congressman kaya mabilis na tinawagan ni Congressman Banong si Mr. Teng para sunduin na sila ng kanyang speedboat. Halatang galit naman ang kaibigang Intsik sa panghihinayang. Mahal kasi ang ibinayad niya para sa tatlong araw na pamamalagi nila doon. 

Walang imikan ang dalawa nang nakabalik na sa Hotel. Mabilis namang nagtungo si Merly sa kanyang rehearsal. Si Congressman Banong naman ay pumunta sa isang bar at naglasing. Ni hindi niya naala-ala na may show pala si Merly at siya lang ang inaasahan nito para pumalakpak ng pagkalakas-lakas para sa kanya. Nalungkot naman si babae dahil wala doon ang kanyang boyfriend. Pagkatapos ng show malungkot Itong bumalik sa kanyang kuwarto. Pinuntahan niya ang suite ni Congressman Banong pero wala siya roon. Luhaang bumalik ito sa kanyang kuwarto na umiiyak. Dahil sa pagod na rin ay madali siyang nakatulog. 

Si Congressman Banong naman ay inalalayan ng isang Pinoy na roomboy ng Hotel nang patungo ito sa kanyang luxury room dahil hindi na niya kaya pang dalhin ang sarili. Hindi na niya namalayan pa ang mga sumunod  na pangyayari dahil nakatulog siya kaagad sa sobrang kalasingan.

Linggo, tanghali na nang magising si Congressman Banong sa pagtawag sa patawag sa kanya ng isang roomboy na Tsino. May inabot Itong kapirasong papel, isang maiksing mensahe mula kay Merly. At ito ang kanyang nilalaman: 

Salamat sa lahat, napakabuti mo at hindi kita makakalimutan. Ang nangyari sa atin ay isang napakatamis na panaginip para sa akin. Gustohin ko mang huwag nang magising at makapiling kita lagi ngunit hindi puwedi. Habang binabasa mo ang sulat na ito ay nasa mainland China na ako para sa iba pang commit ments ko. Huwag mo na akong hanapin pa at mabibigo ka lamang. Kalimutan mo na ako Congressman. Kahit papaano ay naging bahagi din ako sa iyong buhay kahit panandalian lamang. Subalit isang malaking kasinungalingan kung sasabihin ko sa iyo na hindi kita minahal kahit kaunti. Sa tutoo ay naging maligaya ako sa iyo sa mga nakaw nating sandali”.-Merly.    

Tahimik lang si Congressman. Pailing-iling dahil espesyal na babae para sa kanya itong si Merly. For keeps ika nga, ngunit wala siyang magagawa dahil sadyang hindi sila para sa isat-isa. Kinuha nito ang kanyang cellphone at tinawagan si Mrs. Banong, “Pasundo mo ako sa driver at mga security ko sa airport ngayon ding gabi,” ang kanyang bilin. 

Kung sa akala ninyo ay dito na nagtatapos ang kasaysayan ng isang linggong pag-ibig ni Congressman Banong ay nagkakamali kayo. Isang buwan pagkatapos ng kanyang bakasyon sa Hongkong ay may natanggap siyang CD na naglalaman ng mga hubad nilang larawan ni Merly, at ang mga sensitibong tagpo ng kanilang pagtatalik. Humihingi ng pera ang nagpadala, tsk tsk.          

           

 


Responses

  1. Nang umpisahan nang makipagtalik ni Congressman Banong kay Merly ang sabi niya dito, “dadalhin kita sa glorya.” Ang sagot naman ng starlet “huwag sa Malacanang,” hehehe. Sa mga corrupt na government officials, dito ba nila inuubos ang ating mga buwis?

  2. Mer Pints,

    Congressman Banong said, “dadalhin kita sa Glorya,” and the starlet (Merly) said “Huwag sa Malacanang.” Hahahahahaha.

    What about posting here Imelda Papin’s song?

  3. Hi!

    Magugustuhan mo to…

    alasais.wordpress.com

    Nagmamahal,
    Tem-i of Alasais

  4. Narito po ang Isang Linggo ng Pagibig

  5. Girl,maganda itong kuwento mo tungkol kay Merlina.Akala ni Tongressman ay naka jackpot siya sa alindog.Iyun pala ay pareho silang hustler at na blackmail si Tong.Bayad na para walang iskandalo.HIHIHIHIHIH>

  6. Sa kwentong ito ang TALO ang sambayanang pilipino na nag babayad ng legal na buwis. dito nauubos ang mga laman ng sobre na nahulog mula sa palasyo ni Gloriangina. ilang tongbanong ang gumagawa ng ganito..kawawang naman tayong pobre na bayad ng bayad ng buwis..

  7. Jack,
    A sad reality. Kapag hindi tayo magbayad ng buwis, kakasuhan tayo. Iyon pala dito lang sa mga kati ng katawan nila dinadala ang pera ng bayan.

    Tito Joe,
    Matutuwa po diyan si Kap, hehehe. Salamat po.

  8. Kimuchi idol,
    Sa kaiinom niya ng pampagana napagod iyong dalaga sa walang humpay na romansa. Iniwan si Cong. Banong na tinitigasan pa, sumakit tuloy ang puson, nablackmail pa siya. Poetic justice ika nga, baka sa susunod ma-AIDS na siya,hehehe.

  9. Okey ito.Dapat nga na makodakan ang mga mahihilig,matutulis na nagtatrabaho sa gobyerno tapos ipublish sa internet para matigil na sila sa mga kalokohan nila at ang ginagasta ang pera ng taong bayan.

  10. Tulog ka pa ba girl? I have just attended workshop at the CD. May mga DAPers/DAP developed pala dito sa mga Magnificent sex. Don’t let you “one-day pag-ibig” shed your tears. Magkantahan na lang tayo nina Kimuchi ng Karaoke songs, hahaha.

  11. Hay, ginawa mo na naman akong kongressman College baby. Sinasabi ko na nga ba na may pinagusapan na naman kayo ni sweetlady. Kung hindi lang kayo malakas sa akin nakita ninyo. Buti pa si Yhen may pag-asa ko.

  12. Secondlady,
    Kanina pa nga ako dito.Baka nga tulog pa si Colegiala.
    Salamat sa inyong lahat sa mga magagandang comment ninyo tungkol sa kahirapan.Maraming viewers and CD na mga studyante sa Universidad,Siguro namumulot sila ng Idea tungkol sa mga lesson nila sa Asian Studies.

  13. Thanks manong Cocoy.
    Kaya ikaw Banong magsumikap ka, tularan mo si Manong Cocoy. Bilang Congressman you must serve as the model of a good citizen to your district. Dapat mga ganitong isyu ang inyong pinagtutuonan ng pansin sa Congress not womanizing, ha Banong?

    Dina,
    The richness and poorness of a country is defined in various ways. We can not use one parameter, there are various constructs that define and describe the state of poorness and richness of a country. This is what you are trying to point out in your presentation. Where are we? Again the answer is found on what parameters you have set to define richness and poorness.

    What is the significance of defining conditions or state of being of a certain nation? Economic variables alone, as I understand in your presentation, can not give the exact measures of richness of a certain country. We use this term in Filipino, pananaw. Ibat-iba ang pananaw sa pagiging mayaman at pagiging mahirap ang isang bansa. You might be rich in your capital reserves but you are poor in terms of availability of manpowers services in your country. We might be poor economically but in terms of natural and human resources we are richer that the other countries.

    on October 2, 2008 at 1:55 pm118 secondlady
    You mentioned about discipline and other virtues of what you call developed nations like Korea, there is no question on their existence, they have worked hard for it. Precisely when we talk of development we can not ignore, I repeat, we can not ignore the importance of community education, values orientation, sense of discipline, nationalism, cooperation, work ethics, etc. which are already known but not practiced by most of us. What we need is to be reminded again, encouraged, and create conditions where in we can productively interract with one another and practice these values. No amount of telling each one of us sana ganito tayo, sana tularan natin silang mayayamang bansa if we do not start practicing this virtues ourselves. Social development in the truest sense of the word will provide the vehicle to re-learn and re-live these values necessary for our growth as a nation.

    on October 2, 2008 at 2:24 pm119 secondlady
    you can talk and talk the whole day and cite all cases of development and underdevelopment on various countries of the world, state statistics and many other facts, if you haven’t laid the foundation to enable change and developmentd in the country, that is tantamount to nothing.

    We can sit in front of the television and listen to politicians talks about laws and prospects of development but those are just empty rhetorics if the basic structures to enable social change is not put in place. And so what are theres basic structure of change, national discipline (walang palakasan lahat ay sumusunod sa batas, walang nangungurakot dahil marunong lahat mangahiya), second is people’s commitment to realize change (unity and cooperation, pursuit of common goals and objectives) it may take sometime to realize it but it can be done as in the experiences of now transformed and developed countries, third is sense of direction (what do we want to be as people, this must come from our collective ideals not just from the perspectives and policy statements of the politicians and leaders of the government and not what is dictated to us by the World Bank-IMF; fourth development of our manpower skills to make use of our local resources for productivity (not just “human skills for export abroad”), and knowledge of our resources, local and national (we must be able to identify locally available resource and use them, and if not sufficient we bring this to the attention of the local government for funding, and even from the business sectors (we shall be able to monitor the use of government resources extended in our localities, manage resources within our control, and not to be influence by politicians or any other influential group. This condition creates a system where by people are consulted and participated in the development process, planning, implementation, and monitoring. We must be able to learn how to mobilize, generate, and harness available resources to pursue infra-structure programs, social services like health and education,etc. Self-help dito muna tayo magumpisa sa micro level perspective of development bago bumaling sa global economic exchange. At higit sa lahat, magkaisa lang para labanan ang pangungurakot at hadlangang ang mga nasa poder sa paglustay nang kakarampot na nga lang na pera o pundo ng ating bansa.

    At laman ng tinatawag na mechanism for social change and development ang pagkakaisa ng lahat, tao, mga institusyon ng gobierno, mga sektor ng negosyo at pangangapital, at ang mga industriya. This is the positive goal of people’s empowerment not that one that seeks to overthrow the government. Ang kinakalaban natin dito ay ang mga maling values at practices natin na nakakasira sa ating pag-unlad at pagkakaisa bilang isang bansa. I think most of this concepts had been said by Kapitan Kidlat ang Manong Joe, I only added my personal views and experiences with it.

    on October 2, 2008 at 2:31 pm120 secondlady
    By the way ang kailangan ay kumilos, hindi magsisihan o magturuan, at hindi nakakatulong sa atin ang pagsisintemyento de asukal palagi. We need to be open minded to issues but not to be overcome by them, we need to be analytical and receptive to opportunities for growth, investment, production, livelihood, services, etc. and CREATIVITY to create possibilities where there is none. Hindi lang sa salita ngunit sa gawa. Dito dapat pinapatunayan ng Pilipino ang kanyang katatagan, paninindigan, tapang, at pagkakaisa.

  14. Segundina,

    Tutal basted na ako kay Colegiala, parang love na rin kita because you are very good, very pretty, and matalino. You are the woman of my dream Segundina, hehehe.

  15. Banong
    Sino ba talaga sa kanila? Hehehehe!

  16. maraming ganyang istorya sa buhay buhay.. ang pinagkaiba lang ng kwentong ito e si ang bayang pinas ang nagbayad sa pasarap ni congressman at ni modelo

  17. Knock! Knock!

  18. Yes, I am here na po. Miss ko kayong lahat.

  19. Mer,
    How wonderful it is to have you again. My kisses for you, hahahayyyyy.

  20. Yakkkkkkks kadiri, bad brit hehehe. Nagaabang no Banong. You are very gago, pinagsilos mo iyong nanliligaw kay Segundina. Hindi kita maintindihan kung si Yhen ang mahal mo o ako. Tapos you are making ligaw agin to Secondlady. Daig mo pa si Solomon lolo, hehehe.

  21. Banong,
    Who among us Banong? You can not have us all. Right now I am giving you all the chance with Colegiala. She is all yours.

  22. White lady,
    Mahal ko kayong lahat. Ikaw kasi masyado kang pakipot tapos nagseselos ka pa kay Mer. I can take care all of you.

  23. Tongressman Banong,
    Notorious character ka talaga. Bakit mo ako tinawag na White lady? Do I look like a ghost to you?

  24. College girl,
    Masyado kang selosa. Anong magagawa ko kung hinahabol ng mga beauties ang kapogihan ko. Pero I am dead serious to you. At saka alam nang lahat na love mo ako dahil you always make me as the leading man in all your stories. Bakit hindi si Kap, si Mang Cocoy, si Mang Joe, at Mang Greg ang gagawin mong leading man. That means you have me in your heart but the question is that you are only restraining your feelings towards me. Think of it girl coz I am waiting.

  25. Secondlady,
    I don’t mean you are a ghost, when I say you are White Lady, I mean you are very maputi. Alam mo naman na mestisohin ako so I love mestisa of the liking you, hehehe. Perhaps I can call you also White Rabbit.

    • hello po, pde ko po bang mlaman kong sno po writer nito? salamat po🙂

  26. Bakit Banong mukhang candy ba akong nakakalason.

  27. Huwag mo nang problemahin si Banong, tutal may regalo ka namang White Rabbit para sa kanya, hehehe.

  28. Gina, si Mer Pints siya, ayaw magpakilala niyan. Isang CO at health worker niyan. Iyon lang


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: