Posted by: Mer Pints | September 28, 2008

“Lead us not into temptation”(Basta driver/conductor sweet lover)

Warning Against Adultery (Proverbs 5:1-6)

1 My son, pay attention to my wisdom, listen well to my words of insight,

2 that you may maintain discretion and your lips may preserve knowledge.

3 For the lips of an adulteress drip honey, and her speech is smoother than oil;

4 but in the end she is bitter as gall, sharp as a double-edged sword.

5 Her feet go down to death; her steps lead straight to the grave.                      

It is Solomon’s wisdom from the Lord which admonishes  people as children of God to abstain from fleshly lusts. Adulterous women, idolatry, false doctrine, and fleshly lusts are some of the methods empoloyed by the Devil to lead astray men’s minds and manners away from God.

Matthew Henry’s commentary on the above Biblical passages specifically talks about fatal consequences of plunging into the temptation of the flesh.” The direct tendency of this sin is to the destruction of body and soul.” Further Solomon cautions us not to thrust into temptation because it is God we are mocking when we pray, “Lead us not into temptation.”

“How many mischiefs attend this sin? It blasts the reputation; it wastes time; it ruins the estate; it is destructive to health; it will fill the mind with horror,” Matthew Henry says on his commentary.

Many years ago one Filipina singer by the name of Eva Eugenio popularized a Pilipino Song entitled “Tukso” (Temptation). It was all about the pain and destruction brought about by human  lust: how it wrecks the family, causes broken heartedness, and leads us a desperate life.

Kayrami nang winasak na tahanan

Kayrami ng matang pinaluha

Kayrami ng pusong sinugatan

O, tukso, layuan mo”

(So many homes you have wrecked

                                             So  many teary eyes you have made    

                                               You have caused so many broken hearts

Oh, leave me alone temptation.)

O Tukso Layuan mo ako!

Mga ilang taon na rin ang nakakaraan nang huli akong nagfield-trip sa Ilocos. Pagkatapos ang dalawang linggong paggagalugad sa mga liblib na pook para mag-interview ng mga local officials at mga taong naging recipient ng isang serbisyo ng gobyerno, ako’y bumalik ng Maynila upang ipasa ang mga datus na aking nakalap at gawin ang aking report.

Isang airconditioned bus ang aking sinakyan sa pagaakalang mabilis-bilis ito at makakarating kaagad nang hindi gagabihin sa daan. Ngunit laking kabigoan ko dahil masyadong masipag ang driver at conductor sa pagtanggap ng mga munting pakete at sobre na may lamang pera na ipinapadala ng mga magulang sa mga anak nilang nagaaral sa Manynila. Laking pagtataka kosa sigasig ng dalawa na mag-sideline na tila may malaking pamilya na sinusuportahan. Hindi lang iyan mahilig pa silang maghihihinto sa mga kainan kung saan ay lagi silang tumatanggap ng pabaon mula ditto. Lalong lumaki ang hinala ko na may matinding pangangailangan ang dalawang ito.

At nagkatotoo nga ang aking hinala. Sa isang probinsiya na aming nadaanan huminto ang bus, bumaba ang conductor at pinuntahan ang isang babaing buntis at may kalong-kalong pa ito na magdadalawang taon nang bata. Hinalikan niya ang bata at may inabot siyang pera at isang supot ng pagkain. Sa huling bayan naman ng probinsiyang ito ay ang driver naman ang bumaba bitbit ang isang supot ng pansit at inabot sa isang babaeng nagaabang. Batam-bata pa ito at hindi mo paniniwalaang nahumaling siya sa isang mahigit na kuwarenta anyos nang driver. Yumakap ang babae sa kanya ngunit mabilis na kumalag ng driver na tila nagaalangan.

Sa isang kainan sa may Pangasinan muling huminto ang bus para kumain ang driver at conductor. Nagbabaan na rin ang mga pasahero para kumain at dyumingel. Gaya ng dati, may inabot na namang supot ng pagkain sa driver at conductor. Siguro suhol ito sa kanila maliban sa libreng pagkain upang magdala ditto ng mga pasaherong kakain. Binati sila ng mga kapwa driver at conductor. Pati ang mga pahinante ng ibang mga sasakyan na nakakikilala sa kanila ay binati rin. Medyo bumilib ako sa dalawa, mukhang napakapopular nila. At bakit nga hindi, kilalang-kilala sila bilang mga kilabot sa pag-ibig. Biniro nga sila ng kanilang mga inspector habang kumakain, “basta driver at conductor, great lover.” Nagtawanan pa sila ng napakalakas. Na-confirm ko tuloy na mga “great lovers” nga sila. Gusto kong magtanong kung bakit hindi sila natatanggal sa trabaho, ngunit may nagtanong nang mama tungkol dito. Isa lang ang sagot ng mga inspectors, awa na lang sa maaring sasapitin ng mga “external” families nila.

May mga tatlong pagkakataong palitang bumaba at nag-abot ng pera at pagkain ang driver at conductor sa daan. Akala ko ito ang huli na. Ngunit sa may Tarlac muling huminto ang bus at kumain muli. Inaasahan ko na ring may iyaabot na tigiisang supot sila ng pagkain. Mayroon nga. Ngunit ang isang bagay na kapansin-pansin habang sila ay kumakain, may isang magandang waitress na naman na inaakbayan ng driver. Talagang matulis nga ang dalawang ito. Kaya hindi ko na pinansin pa sila. Nasa estasyon na kami ng bus, mabilis na bumaba ang conductor para alalayan ang mga pasahero sa kanilang mga bagahe. Ako ang huling inalalayan ng conductor patungo  sa isang taxi na  naghihintay. Nang makasakay na ako, marahang isinara ng conductor ang pintuan ng taxi sabay sabi, “take care and see you again.” May pakindat-kindat pa sa akin kaya napagkamalan tuloy ng taksi driver na boyfriend ko siya. “ Ano ako sira ulo,” ang mabilis kung sagot sa kanya at hindi na ito nagurirat pa.  

Sa isang forum on “Morality in Public Service” ay naibahagi ko ang kuwentong ito. Tinanong ko ang mga participants na konektado sa gobyerno. Ilan kaya sa mga government employees ang may ganitong gawain? Ilang kaya sa mga empleyado at opisyal ng gobierno ang mayroong mga iba pang pamilya bukod sa legal? Ito ba ang dahilan sa hindi masugpo-sugpong nakawan at corruption sa gobierno? May isang naluluha at nagtapat ngunit hindi ko na ito ikukuwento sa inyo.


Responses

  1. I can’t believe it, nice post. Morality in Public Service Mer? O tukso layuan mo ako, hehehe.

  2. Mer,
    Sana nandito si pareng Joeseg para magpost ng link sa kanta ni Eva Eugenio sa You Tube.

    Naku iyang mga bus drivers at conductors ng mga provincial buses, puwera de los buenos ha, mga chiboy mga iyan. Ako may kilala akong bus driver noong araw, nang namatay ito ng sakit, an daming mga batang naghatid sa kanya sa libingan. Karamihan ay mga panganay, hahaha.

  3. i wish i knew this when i was younger! so many lives gets destroyed by lust!

  4. I agree with you alec. But better late than never, isn’t it?

  5. OKs na OKs itong topic ni Mer. Basta driver, great lover at marami tayong alam na kwento tungkol dyan.

    Indisposed ako nitong last week pero nababasa ko rin naman mga comments sa paborito kong blogsites lalo na sa CD which I would like to congratulate Pareng Cocoy for kicking out an ntruder from the dark, sana tuluyan nang RIP si RP.

    Bago ako ma-TUKSO na magbulgar ng ibang kwentong basta driver great lover, heto muna ang request ni Kapitan K:

  6. It’s all about Peter.One hole isn’t enough to satisfy their horniness. Men really have to stick their tools into another woman’s vagina when there’s always the girlfriend’s ass or something.

    That’s a sad thing and become all the more disillusioned with men. I hope that you won’t turn into a total cynic.Well some men are just sleazeballs that’s for sure. One hole is usually never enough. Sad, but true. For some men it is nice to go some holes time to time than sticking in one hole forever because their prostrate glands worked that way.

  7. Masuwerti si Peter ang dami naman niyang Virginia.HIHIHIHIH

  8. Kimuchi idol,
    Masuwerte si Peter pero kawawa naman si Virginia. Hindi lang nawakwak ang kanyang pagkatao at kinabukasan, dumugo din ang kanyang puso, hehehe.
    Yes Virginia, there are Peters and Manoys who can not be contented with one hole. Even Solomon had a harem with 700 women ready to spread their legs for him.

  9. naku ms mer hindi lang driver ang gnyn. hehe. halos lahat ata ng lalaki gnyn.

    tulad ng kwento ni kap may kakilala din akong driver ng PhilRice na gnun. aba akalain mo nung namatay eh andami ng nagpapakilalang anak. wel of course maluka luka yung legal wife.

    hehehe

    the more the merrier ang motto ng mga yan. hehe

  10. Naku yhen, sinabi mo pa. Iyong sikyu ng pinapasukan naming school noong araw nang namatay siya hindi malaman kung sa number 1 o sa number 2 ibibigay ang abuloy, hehehe. Tapos may dumating pang DH na galing sa HongKong. Akala ni mrs. number 1 ay kamag-anak lang o kaya pinsan. Kaya halos himatayin si mrs. number 1 nang may nagbulong sa kanya na kahati pala ito sa pagmamahal ni mister, hehehe.

  11. Hi Mer,
    Para sa akin naman, basta ahente kaliwete. Unang naloko ng ahente ang kaibigan kong si Britney. Kunwari ay binata, dahil isa lang hamak na DH noon si Britney ng Singapore bumigay siya. Huli na nang malaman niyang hindi lang may asawa, babaero at manloloko pala ang tarantado. Iniwan niyang buntis ang kawawa kung kaibigan.
    Gusto nga naming hantingin noon ng mga bakal boys pero hindi pumayag si Britney dahil mahal pa rin niya ito at siya daw ang ama ng kanyang anak. Magmula noon nawalan na ng gana si Britney sa mga lalaki. Sa kanyang anak na lang nakatuon ang kanyang panahon.

  12. Mer, you change me. I am not like the another one. My love is only one for you, I can not exchange you for another woman. At least I am sincere and devoted to you if you give me just a little one more chance, hahahayyyyy.

  13. Would you let your son or daughter to sing and dance at wowowee?

  14. Mer,
    How I wish I have never been involved in so many immoral sexual relationship in the past. While I say this I am aware of what the Bible says, “the spirit is willing but the flesh is weak.”

  15. Sorry for keeping you long with an old post. I have just posted about an unforgettable experience with my wife. It’s my first time to hear such compliment.

  16. Kung hindi mo pa kilala si Justice Puno, magtanim ka ng puno para sa 2010 baka siya pa ang italaga ng kapalaran or destiny na maging pangulo.

  17. Nandiyan na ba si Colegiala, mukhang may umaakyat ng ligaw sa tanghaling tapat hahaha.

  18. basta driver daw sweet lover e, di ba? yun na nga lang, hindi nila alam kung ano yung ginagawa nila dun sa mga babae nila at lalo na sa mga magiging bunga ng kanilang indiscretion — ang mga magiging anak nila. marami kasi sa kanila hindi nagiisip sa kinabukasan, basta ngayon masarap, okay na yon. na hindi naman talaga tama. kaso, sino naman kaya ang magbubukas ng isip nila?

  19. Banong,
    Are you serious, hahahaha.

  20. Salbahe ka Banong, muntik ko nang natusok ng karayom ang aking kamay sa katatawa. Pero talaga bang mabait ka? Makapaghihintay ka ba ng isang daang taon? Hehehehehehe.

  21. Ate Kengkay,
    Tama kayo, sino kaya ang puweding magbukas ng isip ng mga nabubulagan sa pag-ibig? Kayo po mga ka-blogging namin ano ang masasabi ninyo. React lang po kayo.

  22. naku ms mer, mabulaklak din ang pananalita ni banong ah… wel isa ka rin bang sweet lover banong? hehehe

  23. Si Banong Yhen? Hehe, matinik din yata itong bata ni Kap. Pero basted na siya dahil ayaw niyang maghintay ng 100 years, hehehe,

  24. “O tukso, layuan mo ako. ” I actually hate that line, dahil hindi tayo lalayuan ng tukso—tayo ang dapat lumayo dito. hhtp://katcarneo.wordpress.com

  25. Kat,
    May katuwiran ka. Diyan lang sa mga comments sa itaas ay may nanunukso na, hehehe.

  26. mahirap hindian ang tukso… ewan ko ba.

  27. Taps,
    Layuan mo raw ang tukso dahil hindi ka nito lalayuan, hehehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: