Posted by: Mer Pints | September 25, 2008

The Price of Arrogance (Isang Bala Ka Lang?)

It is better to hear the rebuke of the wise than for a man to  hear the song of fools, for like the crackling of thorns under a pot, so is the laughter of the fool, this is a vanity. Surely oppression destroys a wise man’s rason, and a bribe debases the heart.

The End of a thing is better than its beginning; the patient in spirit is better than  the proud in spirit, do not  hasten in your spirit to be angry for anger rests in the bosom of fools.

                                                                           Ecclesiastes 7: 5-9

 I am not as religious as Doc.bobonyo, and I don’t want to copy his style of writing. But with the recent developments on the last two threads of Cocoy’s Delight, I feel so delighted to write something about humility. All of us have been victims of our own arrogance as well as arrogance of other people. At times we trade our sanity just to preserve our well entrenched ego. We risk our lives and limbs in pursuit of our egotistical values and principles. Human at that, we are so vulnerable with the pains of living, of dealing with other people, and of buying for affection, recognition, and attention. Our greatest fear is rejection and isolation when building up relationship with other people. We cry deep in our heart when people no longer care for us, when we no longer feel their love in similar intensity as we have always reserved for them. And what an irony that individuals who have always given out the best of themselves may one day turn out to be the most difficult to please, bitter and scornful to people because of rejection, abandonment, and neglect that may have come their way. If ever you have come to this point in your life, it will be helpful, and healthy to consider outliving the past, forgive others and even yourself, and start loving people again.

Isang Bala ka Lang

Matagal nang galit si Mang Turing kay Pacifica dahil sa madalas na panlalait nito sa kanya sa Pabrikang kanyang pinapasokan. Si Pacifica ang kanyang supervisor at madalas siyang mapagalitan sa harap ng kanyang mga kasamaan. Nagtitimpi lang ito sa una sa pagaakalang may mga pagkukulang siya na siyang itinutuwid ng kanyang supervisor. Kaya naman ginawa ni Mang Turing ang lahat na kanyang magagawa para masiyahan naman sa kanyang performance ang amo. Ngunit nabigo lamang ang mangagawa. Sa halip na kagiliwan siya sa kanyang pagsisipag at pagsisikap, lalo lang siyang hinamak at pinagmalupitan.

Mabuti sana kung siya lang ang may mga pagkukulang, mas masahol pa nga ang mga iba, hindi na pumapaspok, marami pang backlog sa trabaho pero hindi man lang sila napapagalitan. Bakit siya na lang ang nakikita. Bakit napakainit ang mata sa kanya ng supervisor. Pero wala siyang magagawa, kailangan niya ang kanyang trabaho para buhayin ang kanyang mga anak at asawa.

Isang araw nagkasakit ang kanyang asawa at kailangang dalhin ito sa  hospital. Nagpaalam siya sa kanyang supervisor ngunit hindi ito pinayagan dahil malaking bagay ang mawawala sa kompanya kapag umalis siya. Nagmakaawa pa siya sa supervisor ngunit matigas ito, ayaw siyang pakinggan. Masyadong masakit pa ang binitawang salita laban sa kanyang asawa, dapat daw ay inaalagaan nito ang kanyang sarili nang hindi nagkakasakit. Dahil emergency, iniwan ni Mang Turing ang trabaho at umuwi sa kanilang bahay para dalhin sa hospital ang kanyang asawa.

Ilang araw ding naratay ang asawa sa Hospital ngunit sa kasawiang palad ito ay namatay. Pakiramdam ni Mang Turing ay parang gumuho ang  buong mundo sa kanya. Bukod sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang asawa ay hindi pa niya alam kung saang kukunin ang perang pambayad sa hospital. Mabuti na lang at napakiusapan niya ang social worker ng hospital para siya na ang gumawa ng paraan para mailabas ang kanyang asawa. Pinapirma siya sa isang kasunduan na unti-unti nitong babayaran ang pagkakautang sa hospital. Mabuti na lang at sinaklolohan siya ng kanyang mga kamag-anak at mga kapitbahay kaya naipalibing ang kanyang asawa ng maayos. Ngayon ang kanyang mga tatlong anak na lang ang susunod naman niyang iintindihin.

Pagkatapos ng libing ay bumalik siya sa kanyang trabaho upang tapusin ang kanyang mga naiwang gawain. Ngunit laking gulat na lang niya nang sabihin sa kanya ng supervisor na tanggal na siya sa trabaho. Tinanong niya kung ano ang kanyang pagkukulang na dapat siyang tanggalin. Alam niya ang kanyang karapatan bilang manggagawa kaya iginiit niya ang kanyang katuwiran. Ngunit talagang pinagmamalupitan talaga siya ng kanyang arroganteng amo. Nagpunta siya sa manager ng Kompanya, ngunit hindi pinakinggang ang kanyang katuwiran. Masyado na raw maraming complaints ang natanggap nito mula sa kanyang supervisor. Ipinaliwanang naman nito ang kanyang panig ngunit mas pinanigan pa ang supervisor kaysa kanya.

Litong-lito na siya at madaling nagliyab ang kanyang damdamin sa puot sa pangaaping kanyang tinamo sa mga amo. Nanlilisik ang kanyang mga mata at gusto niyang ipaghiganti ang kanyang kaapihan. Binalikan niya sa kanilang departamento ang kanyang mataray na supervisor. Galit na galit ito nang kanyang makaharap ang supervisor. Sa halip na manahimik lalo namang nagtatalak ito na humantong sa mainitang pagtatalo.

Narining naman ng isang lady guard ang pagtatalo kaya nagrespondi kaagad ito. Nilapitan niya si Mang Turing para palabasin ito ngunit nagdilim ang paningin ng manggawa kaya sinunggaban niya kaagad ang lady guard, hinablot ang rebolber nito at itinutok sa kaaway niyang supervisor. Nagtangka namang tumakbo ang nahintakotang si Pacifica ngunit isang malakas na putok ang umalingawngaw. Sapol ang puso ng supervisor na dagli nitong ikinamatay.   

 

 


Responses

  1. Mer,
    I am honored and humbled as well for mentioning me in your post. Hindi ako santo at marami pa rin akong pagkakamaling nagagawa sa buhay.

    Pero kung ano man itong aking mga kahinaan ay siya namang aking ipinanalangin para baguhin ito ni Lord.

  2. I know you are no longer familiar with this, pero noong panahon ni Apo Marcos at si Madam Imelda naman ang First Lady at Minister ang Human Settlement mayroong phrase noon na nagpapahayag ng layunin ng departmentong ito ng pamahalaan: “At Higit sa Lahat ay Tao.”

    Napakahalaga ang buhay at damdamin ng isang tao para saktan at basta-bastang apihin na lang ng ganyan. Ano man ang pakay natin sa pagnenegosyo (pera or income of course) pahalagahan po natin ang buhay at damdamin ng isang tao nang hindi tayo umabot sa ganitong trahedya.

  3. Wala talagang magandan kahahantongan ang pagiging arogante natin. Ito ang dahilan kung bakit pinalayas ang diyablo sa Langit.

  4. Isang pang SOCO na naman itong kuwento mo Neneng, at talaga namang napakalikot gumana ang iyong imahinasyon. Hindi man dapat, umabot na talaga sa sukdulan ang galit ng manggagawa.

    May raket pala kayo ni manugang ha, tax free ba iyan? Kasama bang example ito sa iyong lecture, hahaha.

  5. The price of arrogance, Isang Bala Ka lang, haha. There is truth to this, however it is not wise as the Bible says to resort to violence to resolve this issue. A lot of Motorists ni Metro-Manila have figured out to violent and bloody confrontations because of inability to control their temper. Pero sa isang pagkakamali, hukay o kulungan ang bagsak mo.

  6. Kap,
    Gratis lang po iyon. Nothing to tax, haha.

  7. SHEEZZ! hahaha! talking about arrogance! napaka-acedemic ever chorvaley naman neto nahihiya tuloy ang ego ko hehehe!

    ~binasa uli~

    HAHAHAHA

  8. Lechee! Sandali lang ha? Ba’t ganyan itsura ko?! Impostor yan noh? hehehe

    We cry deep in our heart when people no longer care for us, when we no longer feel their love in similar intensity as we have always reserved for them.

    KOREK, that’s why I offer social climbing classes. In Bluepanjeet’s entry about the PBA (off topic pala ahaha) there was a very arrogant airhead in there. A perfect example of what arrogance can bring to one’s bling blings. Hehehe! I know, coded na naman to hahahah!

  9. grabe talaga yung mga taong abuso sa kapangyarihan nila. tsk tsk.

  10. Grabe naman ang sinapit ni Mang Turing.
    Kapag sa merika nangyari ang tulad ni Mang Turing ay mababankcrupt ang kompanya dahil may batas sa mga kanyang kaso. Ang Familiy Leave Act.

    Covered employers must grant an eligible employee up to a total of 12 workweeks of unpaid leave during any 12-month period for one or more of the following reasons:

    for the birth and care of the newborn child of the employee; for placement with the employee of a son or daughter for adoption or foster care; to care for an immediate family member (spouse, child, or parent) with a serious health condition; or to take medical leave when the employee is unable to work because of a serious health condition.

    Pwedi sanang magdemanda si Mang Turing ng Discrimination at makakakuha siya ng malaking award kesa pumatay siya ng tao.Maraming tao tuloy ang naperwisio dahil sa kasapwanang ni Facifica.Punyemas.Kakalungkot!

  11. Kamahalan,
    Gawa po ng wordpress iyan, wala po kaming kinalaman sa mga icons nila, sorry po. Maganda po ang panukala ninyo kamahalan sa social climbing. Dito na lang po tayo makakabawi sa mga nag-aastang alta sociodad na na nanlalait sa kanilang kapuwa tao. Salamat po kamahalan.

  12. Mayui,
    Totoo ang sinabi mo, pero sabi nga ng Bibliya ay may panahon ang paniningil ng banal na makapangyarihan sa lahat, ang Diyos.

  13. Tito Cocoy,
    Sa pagaaral na ginawa namin noong araw tungkol sa mga manggagawa sa ibat-ibang panig ng bansa, may mga datos po kaming nakuha tungkol sa mga pangaapi ng ginagawa ng mga employeers sa kanilang mga tauhan. Ang nakakalungkot, may mga iba pa nga diyan na nakakalasap pa ng pisikal na pagpaparusa.
    Marami po sa mga probisyon ng ating labor code ang hindi po naipapatupad at hindi sinusunod ng mga ibang employeers or companies. Talagang kailangan tutukan ng pamahalaan ang mga isyung may kinalaman sa mga pangaabuso sa mga manggagawa.

  14. Maganda itong comment ni reyna elena. Sana makapasyan naman siya sa aking Barangay Hall para makapanayam namin siya sa kanyang mga success story. Mabuhay ka reyna elena.

  15. May panghi na ang ihi ni Banong simula ng nag-ingles siya. Kaya pagpasinsiyahan ninyo na lang ang aking sikretaryo kung mamamasyal sa inyo. Magingat lang kayo dahil may kataliman ang kanyang mga mata, hehe.

  16. Colegiala girl,

    There is very little I can do about Renato. He is not willing to communicate rationally and thus effectively deprive himself from the wisdom accumulated by others. He allow his egos to consume his minds and bodies and cage himself in small habitual cells in which he can feel safe. People like him do not accept logic. When pressed to use logic, He will frequently attempt to move the talk away from the topic at hand.

    I meditate a lot to be able to keep my kind of level of calm, peace, and clarity during his emotionally heated argument with some CD bloggers. I have to figure out how to confront Renato. Lately, I feel like my brain died, leaving nothing but rotten emotions behind.

    I can imagine myself helping this man cure his mental ills as well as helping himself all he want, but the fact is, He is probably doing nothing more than feeding his ego of a super-human-never-lose-any-word-battle- martial arts master.I let Yhen take care of him and provided habitat on her blog and enjoy his comapny and good luck.Hehehehe!

  17. We too I tried to understand Renato using all available socio- behavioral science tools at our disposal but there is nothing else we can do with his display of arrogance, hatred, and pernicious ways. He has hardened up his heart, more or less his pride, in a manner he could no longer see what is morally and socially acceptable.
    He has completely dissociated himself from well established social norms and decorums of the society expected of an honorable and civilized person as he should be. He places himself to a pedestal where he speaks with impunity malining and ridiculing his own people. Yes, he did not only betray the Filipinos but his “pathetic self” unmasking his ignorance and deplorable barbaric ways.
    It is him who isolated himself, nothing else to blame but his insurmountable ego. Unless he regains his civility and sensibility, he better be confined to isolation so he could not spread the virus of lewedness and negativism that may degenerate the moral fiber of the Philippine Society.

  18. Manong Cocoy,
    I think you did the right thing nang when you decided to ban Renato from posting damaging comments in the CD.
    Sabi nga ni Kap, walang katuturan na patulan daw si Renato dahil nawawala sa katinuan. Ewan ko ng ba kung bakit ganyan ang taong iyan. Hanggang CD ay dala pa rin niya ang kanyang galit kay Manang Ellen.
    Natatawa lang ako dahil binigyan niyo pa si yhen ng aalagaang matanda, ahayyyy kulapo.

  19. Mer,
    Mukhang busy sa school si Secondlady. Hindi pa nagpaparamdam.

  20. Banong,
    Bakit si Secondlady pa ang hinahanap mo, nandito naman ako? Sigi makapagronda muna nang makauwi na, hehehe.

  21. Bakit mo ako hinahanap Banong, do you have something special for me? I’ve been busy preparing my training materials for a workshop. I hope you understand why I have been silent lately.

  22. Mer,
    Marami talagang inaaping mga manggagawa, napakaraming pinapagawa sa kanilang trabaho pero kakarampot lang ang suweldo.

  23. Tama naman talaga na iban na ni Cocoy si renato dahil umabuso siya ng husto.Ke ganda ganda ng tsismisan natin doon ay pinasukan ng demonyo.Tumaas ng husto ang high blood ko baka akala ninyo ng pumasok na si renato.Nawala pati libog ko sa sama ng loob.

  24. Hi idol at pantasya ng bayan Kimuchi,
    Maganda palang gawing kasangkapan si Renato para sa birth control. Kung walang “libog” e di walang sex? Kawawa naman iyong mga nagpapantasya sa iyo. Paging Population Commission, haha.

  25. Kimuchi idol,
    Bakit naiisip mo pa ba si Renato kung nakatihaya ka na sa kama at nawawalan ka kaagad ng gana? Joke lang, hehehe. Siguro puweding irikomenda itong si Renato para gawing icon sa population at libog control.

  26. Ladies secret business, huwag makisawsaw kung sekreto sa sex ang pinag-uusapan, hehe. Makapasyal muna kay pareng Cocoy.

  27. Hi Kap,
    Reproductive Health lang ang pinaguusapan dito, sali ka na, you can give more inputs in the conversation, haha.

  28. Hehehe!
    Dinibdib masyado ni Kimuchi ang pagkainis niya kay Renato.Pati tuloy libog niya apektado.Pakunsulta ka kay Doc.Bobonyo.

  29. Baka pati si doc.bobonyo po ay maapektohan, hehehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: