Posted by: Mer Pints | September 19, 2008

Magbabayad ka rin! (The last Kiss)

Not only in the Philippines but in all other countries of the world, there are cops who have been unkind to hookers and prey on them. Some policemen even pimp them to a prospective customer. Some underground characters are even in cahoots with the cops on prostitution. It is greed, and vices that drove lawmen to smear their uniform and the entire police organization for that matter. But as the saying goes, crime does not pay. Yes, these few scalawags in service will certainly pay a dear price for their evil and crime. 

Magbabayad ka rin! 

Siya ay isang pulis, matapang, walang kinatatakutan, malakas sa kanyang mga superior at may backer pang pulitiko. Pinangingilagan ng lahat, mga kawatan, mga miembro ng sindikato, huldper, mamatay tao, drug pusher, addict, rapist, manloloko, etc. Laging nangangati ang kanyang mga daliri sa gatilyo ng baril. Kaunting bagay lang nanunutok kaagad ng baril. Kung may hindi siya nagustohan sa kausap ay nananakit siya kaagad lalo na kung lasing. Isa siyang salot sa lipunan na isinusuka na ng kanyang mga kamag-anak at kababayan. 

Malakas ang delihensiya, kinaiinisan at isinusumpa ng mga magbabalut, sidewalk vendors, tricycle drivers, jeepney drivers, at pati na ang mga pokpok. Marami siyang mga bata-batang halang din sa bituka at tirador. May mga hawak siyang putahan at pasugalan. Laging makapal ang laman ng kanyang pitaka at ang kanyang suweldo ay sa opisyal na lang napupunta dahil hindi na niya ito pa kailangan. May asawa siya at mga anak na feeling milyonaryo din dahil sagana sila sa katas ng kanyang pangungurakot at illegal na gawain. Papalit-palit ang kanyang sasakyan at kadalasan ay may mga gamit siyang mamahaling alahas. 

Marami siyang mga babae at kabit na GRO. Lahat ay suportado sa laki ng kanyang mga kinikita mula sa mga illegal paraan. Marami nang reklamo lang inihain aban sa kanya ngunit lagi naman siyang napapawalang sala dahil malakas ang kapit niya sa mga nasa itaas. Malaki kasi ang pakinabang sa kanya ng mga superior officers.  May mga krimen pang pagpatay na ibinibintang sa kanya ngunit walang naglakas loob na tumistigo. Ang tingin niya tuloy sa kanyang sarili ay isang untouchable. 

Ngunit sagad na yata hanggang sa buto ang kanyang kasamaan at tila parang buwitreng  walang kabusogan. Maski ang mga kaawa-awang pokpok ay kanyang piniperahan, kung ayaw magbigay ay kulong silang lahat. Ang matinde, hindi lang sila kinukotongan, isa-isa pang pinagpaparausan. Kung minsan ay dinadala pa ang mga ito sa kanyang mga katropang sindikato para sila’y paligayahin at papaparausan. 

Isang araw nagawi siya sa isang beer house at kanyang naispatan ang isang bagitong dancer. Kinausap niya ang manager at sinabing gusto niya itong ilabas. Walang nagawa si Mamasan kung hindi niya pagbigyan ang kati ni Mr.Cop. Ayaw sana ni Inday dahil gusto pa niyang kumita sa mga tip na ibinibigay sa kanya ng mga customers na pinagbibigyan niya sa paghipo ng mga maseselang bahagi ng kanyang katawan. May sakit ang kanyang ama at nangangailangan ng malaking halaga para ito’y maoperahan. Sa pag-aakalang one-night-stand  lang siya kay Mr.Cop sumama ito at ginawa niya ang lahat para paligayahin ang masamang pulis na ito. Labis namang nasiyahan si Mr.Cop; kaya sa halip na pakawalan ito, iginarahe niya ng isang Linggo at puulit-ulit na pinagpaparausan. Nakawala lang si Inday sa kanya nang tawagin si Mr. Cop ng kanyang superior upang magreport sa police station dahil may red alert.  

Ngunit nang bumalik si Inday sa Club may masamang balita siyang natanggap. Inatake raw muli sa puso ang kanyang ama subalit hindi na siya nadala pa sa hospital dahil sa kawalang pera. Tinawagan daw siya ng kanyang mga kaanak sa Club ngunit hindi siya mahagilap sa mga panahong iyon. Ni hindi man lang daw sinasagot ang mga tawag nila kay Mr. Cop sa kanyang cellphone. Kaya umuwi ng probinsiyang na punong-puno ng puot at pighati ang puso ni Inday upang dumalo sa libing ng kanyang ama. 

Pero puot, galit, at pagkamuhi naman ang sumalubong sa kanya sa probinsiya. Ang perang pang-paopera sana ng kanyang ama ay napunta na lang sa pagpapalibing sa kanya. Hindi naman nagtagal si Inday sa probinsiya, lumuwas siya kaagad ng Maynila pagkatapos na pa-siyam. Ngunit sa kanyang pagbabalik ay may nabuong paghihigante sa kanyang kalooban. Ilang panahon din niyang pinag-isipan at pinagplanohan ito nang hindi siya sasabit sa gagawin. 

Parang wala lang sa kanya ang nangyari nang magkita at mag-usap sila ni Mr. Cop. Nagtrabaho pa rin siya sa club, at si Mr. Cop ay  binabalik-balikan pa rin siya. Tila nahuhumaling na yata sa kanya si Mr. Cop. Bakit nga hindi parang artista siya sa ganda, at kahit pokpok pa parang sariwa pa ang pangangatawan. Wala na rin kasing ganang sipingan pa ni Mr. Cop ang kanyang asawang tumaba na ng husto dahil sa dami ng mga kinakain. Sanay na rin kasi si Misis sa pambabae at pagpaparaos ng kanyang machong mister na pulis sa mga dancers at pokpok sa club. 

At dahil  parang girlfriend na rin ang tingin ni Mr.Cop kay Inday, lahat naman ng kahilingan ng babae sa kanya ay kanyang pinagbibigyan. Kaya nang nagbirthday si Inday ay hiniling nito sa siyota niyang pulis na dalhin naman siya sa isang resort kung saan siya ay mag-celebrate ng kanyang birthday. Dahil walang duty noon si Mr. Cop pinagbigyan kaagad ang girlfriend niyang dancer. Isang week-end noon at doon sila sa malayong resort na nag-celebrate. 

Dahil sila na lang ang natitirang panauhin sa gabing iyon, nagmistulang lovebird naman ang dalawa habang magkayakap at mainit na naghahalikan sa may swimming pool. At panay naman ang tungga ng beer itong si Mr. Cop kapag bumitiw sa kanya si Inday na tila nagpapakondisyon upang romansahin ang babae. Ngunit talagang malakas yata ang resistensiya ni Mr. Cop dahil kahit naparami na siyang bote ng beer na nainum ay nagawa pa niyang sipingan nang magkasunod ang babae.

Bahagya silang nagpahinga pagkatapos ng mainit na romansa. Nagyaya naman ang babae na magswimming pa uli sila dahil naiinitan siya. Pinagbigyan naman siya ni Mr. Cop dahil hindi pa namang lumalalim ang gabi at may balak pa itong makipag-sex dito habang nakalusong sila sa tubig ng pool. Naglabas uli ng beer si Mr. Cop at panay panay na naman ang tungga nito. Si Inday naman ay nagsu-swimming lang at tinatantiya ang pinakamalalim na bahagi ng pool. Hindi pa rin tumitigil sa pagtungga ng beer si Mr. Cop hanggang naubos niya ang baon nila. Gusto niyang magpabili uli ngunit nagsara na ang store sa resort. At ganon na lang ang laki nang tuwa nito ng ilabas ni Inday ang dala nitong Russian Vodka. 

Dahil lasing na lasing na siya ay hindi na naisip pa ni Mr. Cop kung makakasama sa kanya ang pag-inum ng Vodka. Mabilis na naglabas  ng ice cubes sa bucket itong si Inday at inilagay sa loob ng isang baso. Binuhusan kaagad niya ito ng whisky at inabot kay Mr. Cop sabay halik sa pulis. Itinungga naman kaagad nito at muling humingi pa siya ng kasunod kayi Inday. Pagkatungga ay muli na namang hinalikan ang babae, mainit at matagal na naglapat ang kanilang mga labi na tila ito na yata ang kahulihulihang niyang malalasap na halik mula sa babae. 

Kumawala sa pagkakayakap sa kanya ng pulis at isa-isang tinanggal nito ang kanyang bikini na tila sini-seduce ang pulis.  Wala na siyang saplot pa sa katawan. Uminit bigla ang pakiramdam ni Mr. Cop nang tumambad sa kanya ang seksing katawan ng babae. Mahilo-hilo man siya tumayo kaagad ito para yakapin ito gaya ng kanyang ginagawa tuwing magsisiping sila ni Inday ngunit mabilis na tumakbo ang bababe. Natuwa naman ang pulis na tila gusto ring makipaglaro ng habulan sa kanya. Ngunit nang medyo abutan na siya ng pulis mabalis itong tumalon sa pinakamalalim na bahagi ng pool. Tumalon din ang pulis. Unang umahon si Inday at mabilis na pinulot ang kanyang mga damit para maligo. Ang pulis naman ay nasa tubig pa at dahil sa hilung-hilo na ito sa sobrang kalasingan ay hindi na niyang makayanan pang umalis doon sa malalim na bahagi ng pool. 

Mabilis naman nagtungo sa kanilang cottage si Inday para maligo at magpalit ng damit. Kunwari ay iniwan lang niya ang kanyang boyfriend na pulis na nagsi-swimming lang sa pool. Hindi nagtagal biglang may kumatok sa kanilang cottage. Dalawang sikyung nagro-ronda na siyang nakakita sa pulis na noon ay lumulutang na sa pool. Halos hindi sila makapagsalita nang ibinabalita sa kanya ang pagkalunod ng kanyang siyotang pulis. 

Sa harap ng mga rumisponding pulis at mga tauhan ng resort, ganon na lang ang pag-iyak at paglulupisay ni Inday nang makita niya ang wala nang buhay pa na katawan ni Mr. Cop. Pang-FAMAS talaga ang acting nito at dinala pa sa despensary ng himatayin sa sobrang pagdadalamhati.

 


Responses

  1. Girl,
    Magpaparlor muna ako.Inayos ko kasi ang mga lasengero doon sa CD.Naghahabulan na sila ng itak ng sinayawan ko ay nag–“Bati” sila.

    Babalikan kita mamaya para batutain natin ang pulis na pumukpok sa pokpok.HIHIHIHIH>

  2. Ayus lang idol. Magpaganda ka ng husto para pagbati-in muli ang mga rebelde at sundalo, hehehe.

  3. There are really people in the police organization who are not fit for their job. They are notoriously undesirable. At times you can not blame civilians from taking revenge on them for their crimes and evil. A cop is person of courage, patience, humility, and compassion. He can not be corrupted by promise of money or other rewards. Unfortunately you can count them by the fingers.

    • ya tama ka dear, actually nga para sa akin halos lahat na ng pulis ay ganyan ang ugali, marami diyang pulis na if you treat them, you treat them as they are magalang ka pa nga sa kanila right but the way they treat us minsan nanngbabastos na sila. i hope this kind of behavior ng mga pulis eh matignan ng mga nasa taas and give them some dicsiplinary action para silay magtanda

  4. Noong araw nang magkasama pa ang PC-INP (Philippine Constabulary-Integrated National Police) may biro kami sa mga Police or INP noong araw, I N-ever P-ay. Dahil lagi silang libre kapag sumasakay sa mga public transportation. Later nang ginawang PNP ito (Philippine National Police) may biro din ang mga sundalo, Pinagpala at Nalilibreng Police. Of course biro lang ang mga ito which is intended to advise our policemen to behave and perform their duties beyond doubts of negligence to duty and corruption.
    Once naging speaker ako sa isang values education forum kung saan may mga dumalong police at sundalo noong nasa academe pa ako, and I gave this message to them. “God knows Hudas not pay. Someday we will be made accountable to everything we have done that violates the commandments of God. If not during our lifetime, maybe in the world to come.”

  5. Parang napanood ko na sa isang movie itong kwento ni Inday.

    Pero sa totoong buhay, maraming nangyayaring ganyan at karaniwang, tinatawag na kapit sa patalim. Sa mga pagikot ko sa mga maraming lalawigan, siempre ang palaging tanong kapag bago kami sa isang lugar ay kumusta ba ang night life dito? At doon, makakadaupang palad natin ang iba’t ibang klaseng babaeng naglilingkod sa night club, cabaret o kahit maliliit na bar. Halos iisa ang kwento, mahirap sila, hindi nakapag-aral, tumutulong sa mga kapatid na maliliit para makapag-aral, etc. At dahil kulang nga sa dunong, mas madalas ang nauuwi sila sa pagkapariwara.

  6. At katulad nga ng sinabing ni Mer, lahat na ata ng sulok ng daigdig, may kaparehong kwento si Inday. Isinalaysay ko ang aking na-experience sa mga malalayong lalawigan at bayan, mas lalo na sa mga pangunahing lungsod at Kamaynilaan. At dumako man tayo sa ibang bansa, kahit sa itinuturing na mayaman at highly industrialized countries, mas lalong marami dahil nandyan ang can afford, just name the price.

    May sinuswerte rin naman at sa aming munting bayan, ilan ang alam kong nagkaroon ng pamilya at naging maganda ang kapalaran. Sa larangan ng showbiz, mayroon din tayong alam katulad halimbawa ni Rosanna Roces na hindi itinatanggi na dati siyang GRO sa Pegasus. Sumikat sa bold movies. nagkaroon ng matinong pelikula at nakapag pundar para sa mga anak altho lately naging controversial.

  7. Tama po ang inyong obserbasyon Tito. May basehan ang kuwentong ito na hango sa buhay ng ibat ibang character at pinaghalo-halo para mabuo ang isang kuwento. Noong magkaklase po kasi kami ni secondlady ay may assignment kami tungkol sa mga kalapating mabababa ang lipad. Isang labandera and dating dancer po ng kabaret ng kabataan niya ang aming na-interview na siya namang nagkuwento sa amin ng mga makukulay na buhay nilang mga nasadlak sa ganitong uri ng hanapbuhay.Naala-ala ko lang ito nang may madaanan kaming hilira ng mga beer houses sa sa isang bayan ng Rizal.

  8. Noong bata pa po kami ay sinama kami ng aming magulang para mamasyal sa States. Sa isang bahay ng kamag-anak po sa Seattle kung saan kami ay natira, nadinig kung nagkukuwentohan ang mga kamag-anak naming nagpunta sa Alaska at nagtrabaho doon ng ilang buwan. Marami po yata silang inuwing pera kaya nagpunta ng downtown Seattle para mag-goodtime. Ewan ko kung saan ito doon, pero umupa daw sila ng mga puting prostitutes doon sa may red district nang makaranas daw naman ng imported. Dahil may isip na rin ako sa mga panahong iyon, ako po ay nagtaka kung bakit sa isang maunlad na bansa katulad ng America ay may mga kalapating mababa rin ang lipad. Ang tanda ko po kasing sinabi ng aming teacher noon, kahirapan sa buhay/bansa ang sanhi ng prostitusyon. Pero sa isang maunlad na bansa katulad ng America palaisipan po noon iyon sa akin. At hanggang sa kolehiyo ay dala ko po ang katanungang iyon.

  9. Hehehe! Malinis ang paghihiganti ni Inday sa Mamang matulis.Perfect crime.Walang ebedensya at walang motibo.

    Tama nga lang naman na iligpit ang mga ganyang klaseng pulis.May kumpare akong pulis dahil inaanak ko sa binyag ang nag-iisang anak niyang babae.Sa bayan namin ang gusto niyang duty ay pang-gabi,dahil may kabaret sa malapit sa bayan at doon na sila nag-oopisina.Doon na sila nanghuhuli ng mga tarandato at magnanakaw kaya walang kawala ang mga kriminal dahil doon na rin sa kabaret sila nag-iinuman at nag iistambay kapag may nadelihinsya sila.

    Magandang lalaki ang kumpare kong pulis kaya “crash” siya ng mga GRO na tawag sa hostis na pinaganda.Ng nalaman ng misis ng kumpare kong pulis na may kinalolokohan siya doon ay sumama na si kumare ko sa kanya na mag duty sa munisipyo,dalawa na sila ang nag duduty,binabantayan ng kumpare ko ang bayan,binabantayan naman ni kumare ko ang lahat ng kilos niya.

    Tumino lang ang kumpare kong pulis ng pinagbantaan siya ni kumare na kapag hindi siya titigil sa pambababae ay lalasunin ni kumare ang lahat ng mga anak nila at pati biyenan niya kaya natakot.

    Magaling na pulis ang kumpare ko kaya lang minsan daw ng napalaban sila sa NPA.Tumakbo siya at iniwanan niya ang kanyang baril.Malaking issue ang nangyari dahil binansagan siya sa bayan na “Pulis Runner”.Pero hindi naintindihan ng tao na patay na ang lahat ng kasama niyang pulis at ambush ang nangyari at wala na raw siyang laban dahil naubusan na siya ng bala,ano ang gagawin niya na hindi tatakbo.Sige nga kung kayo ang nasa sapatos niya.Ano ang gagawain ninyo.Binuro ko nga sana sumalo siya kahit na isang bala lang para masabitan siya ng medalya.”Pare mahirap mangyari iyun dahil nasa opposition ako kay mayor Pinalipat nga ako ng ibang bayan,gusto ko sana dito sa bayan na ito kaya lang galit si mayor sa akin” Sabi ko naman sa kanya akong bahala sa iyo,lalasingin natin si mayor at pagayusin ko kayo. Napagbati ko silang dalawa at nabalik siya sa bayan.Matinong Pulis ang kumpare ko kaya lang takot siya kay kumare dahil lalasunin ni kumare ang kanilang mga anak kapag magloko siya.Kapag sinabi ni kumare sa kanya na “SIT” upo siya.Hehehehehe!

  10. Ang galing naman ni Inday.Kahit na pati nga SOCO mahihirapan mangalap ng evidence.Ano sa palagay mo Val? Ating Tutukan!

  11. Cocoy
    Mga ganyan pulis ang type ko.lalagyan ko ng collar sa leeg at walking the dog kami tuwing umaga pagkatapos ng doggy style sa gabi.HIHIHIHIH>

  12. tinodas ni Inday ang Pulis.Mabuti nga.

  13. Mawalang galang na si Banong po ito nasa admin. Wala si Kap kaya pagkakataon na magkomento.
    Gusto ko iyong pulis runner, running away from danger. Better run than die kaya may world war 2 better run, hahahaaaayyyy. Ako kaunting gulo lang sa barangay tatakbo kaagad ako sa likud ni Kag. Ikeng para mauna na siya sa akin, mahirap na kalabanin ito kapag nag-end na ang termino ni Kapitan, hahahayyyy.

  14. Tito Cocoy,
    Kung ang lahat ng mga misis ng pulis ay kagaya ng kumare ninyo, malaking tulong iyan sa ating pamahalaan. Hindi na tayo magdadagdag pa ng pulis. Ang gastos na lang ng gobierno ay iyong batuta para kay misis, hehehe.

  15. girls,
    Nakakaloka talaga…may bagong dating na guapo akong crush doon kay Cocoy.Patsarming tayo sa kanya….HIHIHIHIH>

  16. Sigi idol, pero ikaw muna ang mangangaliskis sa kanya para malaman nating kung talagang macho, hehehe.

  17. Banong loko ka talaga, gusto mo pang mapahamak ang kagawad ninyong matanda para ikaw ang susunod na maging kapitan, hehehe. Lagot ka kapag nalaman ito ni KapitanKidlat.

  18. Kumander pipi, hindi dapat ina-api ng ganon na lang ang mga babaeng katulad ni Inday.

  19. Prostitution has been here since time in memorial. The Bible talks of prostitution, spiritual and literal. Jesus Himself showed that we should be compassionate with prostitutes.

    The more politically correct tag for the prostitute is commercial sex worker which may apply both to male and the female. The society today is getting more educated in dealing with people who have been forced to engage in commercial sex due to certain factor. Like poverty incidence of prostitution is very difficult to minimize.

  20. Hey girl, do you still remember our case study on the family of commercial sex workers from the grandmother to the grandchildren? It started with the lola, then the nanay and later the grandchildren?
    Nothing much have changed since then, their number did not decrease. Kapit patalim talaga dahil sa sobrang kahirapan.

  21. Katipunera talaga itong si Colegiala girl, mahahanghang iyong mga birad niya sa CD hehehe. Kinapon pa niya iyong mga reklamador na wala namang naiisip na maganda para sa bayan.

  22. hey colegiala. salamat pala sa ilang beses na pagdalaw sa blog ko. Nahiya tuloy ako kasi first time ko pang naka visit seu. Lang hiya. Malapit na akong magbalik. hehe. Ganun talaga ang life eh. Hindi ko kayang pagsabayin ang pag aaral ko dahil sadyang napahirap ng kors ko. T-T.
    Cge ingats at ipagpatuloy mo lang ang good writing mo. nice one.

  23. dansoy,
    pasasaan ba at makakaraos ka rin sa iyong pag-aaral. Good luck at sana pasado ka sa lahat ng mga subjects mo sa term na ito. LOL.

  24. Mer,
    Kung tutoo ang kuwentong ito, grabe talaga ang ginawa ng pulis. Talaga bang pinagplanohan ni Inday iyong pulis? Kung kathang isip mo lang ito, parang tutoong-totoo na nangyari sa tunay na buhay.

  25. kahit na saang parte ng mundo ay may ganyang tao, pulis man o opisyal at kahit na normal na tao. minsan nga mga anak pa nila mismo ang kanilang biktima e, kakalungkot!

    mer pints – ang prostitusyon ay isa sa madaling pagkakakitaan. basta’t may tamad, may prostitusyon kahit man sa maunlad na bansa.

  26. Ikuwento ko muna sa inyo si Samartino at hindi si Renato.

    The parable of the Good Samaritan is Jesus’ response to a lawyer’s question,”Who is my neighbor?” In this parable,Jesus describes who our neighbor is.Our neighbor is not just someone who may live near us or someone who is part of our crowd.Our neighbor is anyone who is in need or is a victim of injustice,even someone unknown to us.

    To help the lawyer truly understand this new description of one’s neighbor,Jesus told a parable,He turned the lawyer’s question inside out,upside down.He asked the lawyer.

    “In your opinion,which one of these three: priest, Leviste or Samaritan acted a neighbor toward the man attacked by the robbers?” Luke 10:36

    Jesus taught that our neighbor is any victim of injustice,even from among people you have been taught to look down on.We are to reach out and help every person who is suffering from oppression and injustice.We are to treat every person fairly and with respect.

    This is maybe,the reason I allowed Renato in my blog because he has nowhere to go.

  27. Pagkatapos kong makipagpulong sa mga Board of Directors unanimously na nakagkasunduan na kailangan ay ma censor si Renato.–

    precedence case:

    Laguardia Vs.Willie Revillame
    Laguardia Vs Joey De Leon
    Mahal Vs Willie Revillame

    Base sa hatol ng mga Board of Directors Mr.Renato Pacifico will be banned in posting his comment if he write with intent of Malice,intent of Blasphemy,intent to insult Filipino people,and intent to cause psychological,emotional,depression and do mental harm to the bloggers of CD.

    Renato Pacifico is hereby order to pay for the Psychological examination expenses of kimuchi that she incurred to restore her sanity in the amount of 99 cents and 45 cents for her legal counsel.

    These order must be impose immediately.

    Signed
    CD Chairman and Board of Directors

  28. Nasaan ba ang door bell dito.Tulog pa yata si gurl.

  29. Colegiala,
    Gising ka na ineng at tanghali na,hahaha

  30. Kanina ko pa nga kinakatok ang pintuan para makapagkape.Ayaw talagang buksan.Hehehehe!
    Nakipag prayer na lang ako kay Yhen at pinainum niya ako ng iced tea at may galyetas pa.

  31. Tuloy po kayo Tito at magkape ng aming specialty dito at tax free, hehehehe.

  32. Bagong salta po ako dito at bihira ako magbasa ng mahahabang articles dahil sa aking katamaran. Pero iba tong iyo. Binasa ko talaga muna simula hanggang wakas. I’m impressed. Keep it up. I bookmarked your link, I’d be your regular visitor from now on. =)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: