Posted by: Mer Pints | September 17, 2008

Philippine Reality Show sa Television, It’s the Real Thing

Pahinga muna tayo sa pulitika at forget muna ang mga intrigahan sa Senado, Kongreso, Malacanang, at sa mga mahistrado ng ating mga Judicial Courts  Dito naman tayo sa mga reality show ng telebisyon.

Dati rati mga manonood lang tayo ng reality show ng telebisyon mula sa ibang bansa. Hindi naman kaila na tayo ay namangha sa mga reality shows na ito. Pero ngayon mayroon na tayong mga Pinoy reality shows sa TV kung saan ang mga higanteng Network ay pinupondohan ng husto ang mga ito para lalong maging competitive pa.

Nang sumulpot ang Pinoy Big Brother, ay hindi lang libo-libo ngunit milyon-milyon ang mga Pilipino ang naaliw at sumubaybay nito. May mga ibat-ibang editon pa na sumunod at lalong nainganyo ang mga mamayan na subaybayan at panuorin ang mga ito. May mga nakaabang pa nga dito ng 24 oras para laging updated sila sa mga kaganapan. At hindi lang kumita ng limpak-limpak na salapi ang network na siyang nagpalabas nito, lalong naging popular pa at dumami ang manonood ng Channel 2 ng ABS-CBN.

Dahil sa tagumpay ng na ito ng PBB, sinamantala naman ng network ang mainit na pagtanggap ng publiko sa mga ganitong uri ng palabas kaya inilunsad naman niya ang punong-puno ng awitan at musikahan na Dream Academy. Kagaya din ng PBB malakas ang hatak nito sa mga manonood. Sa katunayan nga ay katatapos pa lamang ng matagumpay na second season ng Dream Academy.

Ngunit hindi rin naman nagpatalo ang kabilang network at naglunsad naman ito ng isa ring higanteng reality show—ang Survivor Philippines. Sa unang labas pa lang nito ay nakukaha kaagad ang viewership rating na 31.8 percent. Ang reality show ay pinangungunahan naman ng batikang television host na si Paolo Bediones.

Ano ba ang natatangi sa mga Pinoy reality shows kung ikumpara natin sa mga similar shows abroad? Bagaamat karamihan sa mga ito ay “franchised shows”, kakaiba naman ang dating kung Pilipino mismo ang siyang gumaganap at nagiisip ng mga eksena na maipapalabas na taglay mga sangkap ng pagka-Pilipino. Pinoy ang dating at lasa, kaya lalong nahihigitan pa sa ganda at excitement ang mga katulad nitong reality shows sa abroad. A, ibang klase kasing mag-isip kasi ang mga Pinoy; sadyang malikhain sila at natural ang dating ng kanilang mga pakwela.  There is no boring moment in a Philippine reality show, ika nga ng iba.

Pero may mga bagay lang akong napapansin sa mga reality shows na hindi magandang napapanood ng isang bata. Of course sasabihin naman ng network, kailangan dito ang parental guidance. Pero may mga eksena na nadidiin sa isipan ng isang bata na maaring makaapekto ng kanyang moral values at personalidad  sa hinaharap.

Uunahin ko na dito iyong mga intrigahan na ipinalalabas, mga awayan, inggitan, tampohan, tendency na maging violent ang isang participant, pagpapakita at paghahangad ng mga sexual na bagay, personalan, mga hinanakit sa bawat isa, etc. In short lahat na mga negatibong bagay. Hindi naman siguro maganda ito sa paningin ng mga bata. Sa isang banda ako naman ay sumasaludo sa mga positive values na pinapakita, kagaya nang pagtutulungan, ang pagmamahalan, ang pagiging maka-Diyos, makabayan, at makakalikasan, etc. Natutuwa din ako kung binabalikan ang mga matatandang kaugaliang Pinoy.

Dito naman sa bagong reality show na Survivor Philippines, although dalawang episodes pa nga lang ang napapanood, may mga bagay akong napapansin kaagad na kung saan naman ako ay napapaisip. Una, iyong pagtutunggali ng mga kababaehan at kalalakihan. To some this might be a liberating chance for women dahil ipinapakita dito ng isang babae kung papaano niya tutumbasan ang galing at lakas ng isang lalaki na hindi lang siya basta-bastang minamaliit. Dito naipapakita ng isang babai kung hanggang saan ang naabot ng kanyang kakayahan. Ngunit ako ay nagdududa rin sa isang banda na baka ibang values ang siyang mangingibabaw, sa halip na respeto at pagkakaisa nang magkaibang kasarian ang siyang masumpongan, kumpitisyon at pagpapalala ng sexual discrimination. Maaring may mga magagandang bagay din na makukuha dito. Hindi ako nanghuhusga, nagtatanong lang.

Ang pangalawa na aking napapansin ay ang paggamit ng mga kasuotang nagbibigay pasin sa mga maseselang bahagi ng katawan ng isang babae. May mga contestants pa nga na nakasuot ng bikini na halos lumitaw na ang kanilang naglalakihang dibdib. I was not born yesterday ika nga, ngunit hindi maiaalis sa aking isipan ang punto nang komersialisayson ng sekswalidad ng mga kababaehan. Hindi kaya mas maigi na naka-tshirt at naka-shorts ang mga babaeng kasali sa reality show. Sabihin nang makaluma ako per naalarma lang ako sa mga kabataan na nakakakita ng ganitong eksena. Sa halip na sa kabuoan ng show nakatuon ang pansin, baka naman doon sa hubog ng katawan at laki ng dibdib ng babaeng contestant at sa doon naman sa  bumubukol sa harapan ng isang lalaking contestant.

Inuulit ko, hindi ako against sa mga reality show ngunit may mga bagay lang tayong dapat tignan kung nasa lugar ba o hindi na siyang  naglalagay naman sa alanganin ang isipan ng mga batang manunood.  At dapat din na may mga “moral safeguards” na ipinatutupad para maiwasang  makapako sa sex at katawan ng mga kalalakihan at kabababaehan contestants ang panunood ng mga kabataan. Dapat sa sa dunong, talino, galing, lakas, at abilidad at pagkakaisa ng mga contestants naka-focus ang mga manunood.

Philippine reality show, it’s the real thing.   


Responses

  1. Kagagaling ko lang nagronda sa Barangay. Nadatnan ko sina Banong at Kagawad Miguel na nagdedebate. Sino ang masa karapat-dapat na maging presidente ng Pilipinas, iyong may itlog na pumipiyok o iyong itlog ma pumuputak, hahaha.

    Zarsuela sa senado, umabot hanggang barangay hall ng Kidlatan ang bangayan, hahaha.

  2. Pareng Cocoy,
    Salamat naman sa Diyos at hindi ka naano. Iyong tito ko na nabangga ng egoy ang kanyang kotseng kalampagin ay isang taon na nakinabang sa insurance, isang taon na nagpapatira-pi. Nakabili pa siya ng second hand na Honda Sedan.

    Tanong ko lang kay Kimuchi kung hindi naapektohan iyong “real thing niya” nang maaksidente siya.

    Pareng Renato, dito ka na lang sa CD at laging may maglilibre pa sa iyo ng kape, hehehe.

  3. Ako naman ay nagsawa na sa PBB at saka sa Dream Academy dahil masyadon OA na ang mga participants. Masyado nang kinakapital iyong mga intrigahan at awayan ng mga housemates at classmates. Isa aa mga pinakaayaw ko sa PBB ay iyong housemate na naglalasing tapos nambabastos ng mga babae. Hindi magandaan napapanood ang ganito ng mga bata.

    Hindi pa ako nakakapanood ng Survivor Philippines. Hihintayin ko munang sumali doon si Colegiala o si secondlady nang makita ko naman ang kanilang mga special skills to survive, hahaha.

  4. Your title sounds like a softdrinks commercial. I like your post on the reality show. Me too, I do not agree on capitalizing the female’s body on the show.
    Why not wear comfortable clothing that does not expose private parts. Children watch this show and what they see sticks on their mind for long. This may pose a negative effect on children’s moral perspectives in the future. I agree with you.

    Hi Kap, kumusta na siya, hehe.

  5. OO nga, I agree with you. Pwede naman mag shorts at t-shirt sila doon! Parang mas comfortable pa yun kesa sa bikini diba?

  6. Hi Amor, thanks for being with us again. Totoo iyong sinabi mo na mas comfortable pa sila kung hindi nakabikini at walang naidudulot na malisya sa mga manunood.

  7. Pinoy Dream Academy.I like that kind of stuffs.A shinning talent in the making.They’re all good and has potential but,there is only one winner.

    Aha! Wowowee is a talent for carnival show,an extension of Social Service.It benefited a lot of deprived people but,it gained negative image to other race and countries about the concept of the show.

    My daughter told me that Wowoweer is a Gong show and it’s an embarrassment for Filipinos living abroad especially in school,they were being teased by their classmates of different race about the giling-giling dance.

  8. Dapat kasali nga ako sa Survivor kaya lang kelangan daw lagi naka hubad at naka trunks lang.🙂, eh bawal sa religion ko yun. Hehe.

    Seriously, sumasang-ayon ako sa iyong napapansin sa mga pinapalabas sa telebisyon. Yung paglalantad ng mga makikisig at mga nagagandahang katawan ay masyadong na ha highlight sa madla, at alam natin maraming kabataan ang nanood. Para bagang pinapalabas na ganun nalang ka dali maglantad ng katawan sa publiko. At baka nga magkakaroon ng ibang pagtingin sa mga taong hindi naman gaano kagandahan ang hubog ng katawan. Papano nalang kaming mga naka 1 pack lang at ‘di 6-pack.

    salamat pala sa pagbisita mo sa aking blag. More power!

  9. Mr.blogRebel mabuhay ka. I like your comment. Huwag kang magalala marami pa ring mga inosenteng byuti diyan ang walang paki-alam kung 1- pack ka lang o 6-pack. Ang importante marunong ka ka lang na mag-pack (please do not pronounce it with Kampampangan accent, hehehe.)
    Jokingly aside, salamat naman at napapansin mo rin ang mga bagay na dapat iwasan sa isang television show para hindi maapektohan ang moral values ng ating mga kabataan. Welcome ka dito, at kami ay naghihintay sa iyong muling pagbabalik. Salamat.

  10. Tito Cocoy,
    Giling-giling dance, hehehehe. Walang pinag-iba sa karneng giniling ang dating. Sayaw iyan ni Kimuchi, hehehe.
    Sa tutoo lang nakakalungkot ding isipin na kahit sa ating mga entertainment shows ay hindi pa rin naalis ang mendicancy mentality. Nakakatulong in a way, yes. Pero capitalizing on dole outs during a show is just like buying your viewers. Embarrassment, may punto po ang inyong dalaga.

  11. Mer,
    Hindi ako sang-ayon sa pagpapakita ng katawan nang mga participants dito na halos lumabas na ang kanilang mga tinatagong kuwan, dahil nakakaapekto talaga ito sa mga tao, hindi lang mga bata kahit mga nasa tamang edad na. You need not be engaged in illicit sex to sin in adultery. Sa tingin lang ay nagkakasala ka na sabi ng Panginoon. I hope some people who read your post may communicate this thing to the giant networks who televise these shows.

  12. Saan at kailan ba ang susunod na audition? Mag audition ako sa Pinoy Dream Academy.Masuwerti lang sina Bugoy at Laarni dahil hindi ako nakasali.HIHIHIHIHIH.

    Si Willy na kumpare ni Joey.Bait surot lang iyun sa harapan ng camera.Maraming anak iyun na puro panganay iyan ba ang gusto ninyo maging idol?

  13. Kimuchi,
    Ayus lang diyan sa Dream Academy dahil kapag nanalo ka ay magiging DIVA ka,hehehe. Iyong mga ibang nananlo diyan ay divale na lang. Pero if I were you idol doon ka na lang sa Survivor Philippines dahil tiyak na panalo ka doon sa pagandahan na lang ng legs at saka pabunggahan ng dibdib, hehehehe.

    Masuwerte daw si Willie dahil marami siyang panganay, wawa naman daw iyong mga naanakan dahil hindi sila puweding magka-isa sabi ni aling Tikya, ewan ko lang hehehe.

  14. May bagong refugee doon sa CD na kabababa lang ng bundok.Ipinagtimpla ko muna ng kape.HIHIHIHIH>

  15. Buti ka pa, napapanood mo ang Survivor. Naintriga din ako dito, ang actually gusto kong sumali. Pero sabi ko nga sa friends ko, dapat diyan Bikini-able ka. Una, willing kang mag-bikini, at pangalawa, hindi nakakatakot pag naka-bikini ka.

    Dapat na lang siguro na talagang kasamang manood ng mga bata ang mga magulang na magpapaalala na yung mga negatibong nakikita niya ay mga bagay na hindi dapat gayahin.

    http:katcarneo.wordpress.com

  16. Tama ka Kat, kailangan talagang bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak habang pinapanood ang mga reality show na nagpapakita ng mga kababaihang nakabikini at kalalakihang naka-brief lamang.

    Hindi ba tayo makakagawa ng reality show na walang ipinapakitang bagay na malalaswa?

  17. I don’t know what came into the mind of my student that he raised the question on the possible negative effects of “partial nudity exposures” of contestants in reality shows in the television watched by children and young people in the event there is no available parental guidance the time of viewing. Varied reactions came, others say “wala lang”, some say their “moral values are corrupted,” somebody said it will make them “manyakis” in the future, one funny reaction “the child viewer will always be looking forward to join a reality show to expose his body, and I was surprise a number say “there is nothing to be ashame of on their body and sexuality,” and one was alarmed “it may put energy to their sex drive.” There are other reactions too that I cannot remember anymore. But there was something significant I learned from them, they are aware of what is morally right and wrong. But as one said, who does not lust?

  18. hahaha kakatawa ang sinabi mo tungkol sa kasuutan! inferness, i think dalwang lalaki ang gusto kong naka one piece lang hahaha! at pwede bang pagsuutin nang pantalon yong si tatay, nawawalan ako nang ganang manood hahaha

    kaya lang, ateng naman pag pinatungan mo nang kurtina yong mga gurls, eh ano pa ang ibebenta sa mga advertisers divanetch?

    alam mo bang gusto kong sumali dyan sa survivor na yan? nag-pila kami ni Maruja dyan. pucha haba nang pila sa SM north punyemas di kaya nang lola, si Maruja nainteview, ako lumaklak nang alak sa Trinoma dahil me nabitbit akong isang survivor sa kalye hahahaha

  19. I love your comment kamahalan. Oo nga ano kapag tinakpan mo ng kurtina iyong mga gurls wala nang papatol pang advertisers, hehehe.

    At saka iyong mga guys na mahihilig sa mga bagay na matatambok, mawawalan tuloy sila ng ganang manood.

  20. Mer,
    Sana ay may reality show din kung saan ang mga kasali ay mga payaso sa three brances of the government. Siguro maging number wan kaagad sa rating kapag nakit ng mga tao kung papaano umakto at makipagpaligsahan sa pagpapatawa ang kanilang mga Tongressmen, Senatong, politicians sa local level, at mga cabinet people. Maganda rin sigurong mapanood, for the sake of entertainment, kung paano magpapataw ang mga abogado at taga korte.
    If I have my way, wish ko lang na ang maging host ng ganitong show (sana) ay si Ely Pamatong, di ba sikat, hehehe. Kayo sino ang gusto ninyong host?

  21. hi mer, comment lang din ako sa mga napuna mo sa Survivor Philippines….

    doon sa una mong napuna na may babae sa lalaki ang grupo… tama mapapatunayan ang galing ng mga babae dito. gayunpaman, hindi forever na ganito ang senaryo. sa aking pagkaka alam may time na magpapalit palit ang group members.

    pangalawa, ako man mejo conserbatibo ang aking pananaw, gayunpaman ang reality show na ito ay ipinapalabas sa oras na kung saan tulog na ang mga bata. kung baga responsibilidad na din ito ng magulang. wala rin akong nakikitang masama sa kasuotan nila dahil ibinase nila lahat ng ito sa orihinal na survivor kung saan mas magiging komportable sila. kung baga ibinagay lang ito sa kinalalagyan nila.

    ayun lang naman ang aking pananaw dun.

  22. Yhen,
    Marami pang gising na bata sa mga ganong oras. I know kung anong kasuotan ang gusto ng production kaya wala tayong magagawa pa diyan. Sa mga bagay na maaring magbigay ng malisya sa mga bata at sabihin na nating mga matatandang manonood din ay isang bagay na dapat pag-ingatan. Hindi rin nating maiaalis na kung minsan masyadong malikot ang pagiisip ng mga tao na maaring magbunsod sa kanila sa pagkakasala.

  23. I got new e-mail address. Thanks for your comments, at least I have your comment on my newly posted article. LOL.

  24. CD’s topic on clowns in the government is timely. I am praying hard that it will not come to a point when our public servants are called “clowns in the public service.”

  25. After reading Cayetano’s never ending Privilege speech,I am more convinced than ever that this “howley” senators will do whatever it can to cover up unethical, incompetent or practices of criminal nature of Villar.But yet Cayetano, after having whipped up the degree of hysteria solely for a political game that he have yet to see realized, continue with the tactics of opposition division and innuendo in attempt to irresponsibly cause a loss of confidence in Lito Lapid’s Senate which he is a chairman most of the time juggling his pencil.

    These clowns in the Senate,they, themselves have caused the public to lose confidence in them.

    Cayetano faces the sharp uphill climb trying to dig out of the deep negative hole on Lacson, dug himself and his colleagues in connection with these 200 million tongpats insertion which he called only a spare change,nothing could be farther from the truth.As an opposition one of Lacson’s mandates is to stimulate the best from the government.In this case within the Tongpats he have pointed out gross mismanagement, corruption, unethical behavior, incompetence or call it whatever you choose Allan, Senator Bianzon is pissing off on his pants,wait until he visit his barber at Supercut and you’ll see.

    Don’t be fooled Allan into thinking that this type of corrupt, unethical and yes – criminal by any other standard – behavior won’t continue. It will merely be done more discreetly than before as the same mistakes won’t happen twice.Until Villar stops spinning this issue and acknowledges that he have a serious problem, I doubt Lacson will stop shooting. So far what little has been done to address this has been conducted in a boycott manner.Lacson will take his allied senators in the ballpark and teach them some batting practice.Most reasonable people are aware that Villar can’t just rock the foundation and walk away unconcerned.

  26. Nice blog.😀 Malaman ang mga post.

  27. panget mo tanga!!! gago

  28. sh3t anu b 2??? puro kagaguhan lang na22nan jan hahaha dapat wala ganto d2 sa pinas mga ungas kc kau eh

  29. pwede po ba ko kumopya sa article nui….?????


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: