Posted by: Mer Pints | September 15, 2008

Standing by the Truth (Ang Kabayaran sa Pagsasabi ng Katotohanan ni Jun Lozada)

If there is someone who shall be most disappointed about the Court of Appeals decision today it is no less than Jun Lozada, or Rodolfo Noel “Jun” Lozada whose petition for protection under the writ of amparo in connection with alledged abduction attempt to silence him in at the height of the investigation of the ZTE broadband was junked by the same court. 

As reported by Ron Gagalac of the ABS-CBN News, the appeallate court said that “Lozada does not need protection since government agents did not attempt to kidnap him, nor were his security or civil liberties curtailed. 

Justice Celia Librea Lealogo also mentioned in the decision she peneed, “This court also takes note that Lozada even attended an inter-faith rally in Makati and has been on campus tours, not only in Metro Manila but also in other parts of the country.” 

I am sure Jun Lozada did not expect to court to decide against his petition, and I understand how he feels about it. Anthony Taberna co-host of the the morning show Magandang Umaga Bayan registered his disagreement to the decision. Likewise Pinky Web expressed the same. And our laundry lady who watch an interview of Jun Lozada this moring could not help but ask, “is this the price for telling the truth?” 

I understand many of our heroes died of martyrdom fighting for our freedom. The freedom we are enjoying today did not come free in a silver platter; it was paid by the blood of our heroes. Of course Jun Lozada is no hero, he is not, but he has taken similar strides like our heroes in rallying the people particularly the youth in searching for the truth and seeking for justice. 

He may not be a hero, but he deserves our respect and admiration for what he has done to proctect the interest of our country and government. He did not only sacrifice himself but the future of his family. Saludo ako sa iyo Jun Lozada (I salute you Jun Lozada)! 

Ang Mapait ng Kabayaran ng Katotohanan 

 Sa panayam ng mga hosts kay Jun Lozada sa  TV morning show ng ABS-CBN na Magandang Umaga Bayan, buong puso at walang paga-alinlangan niyang sinabi na hindi niya pinagsisisihan ang kanyang ginawang pagsisiwalat ng katotohanan. At kung kailangan pang magsabi siya ng katotohanan para matigil na ang talamak na pangungurakot sa pamahalaan, ito ay gagawin pa rin niya. 

Ngunit ano ang naging kabayaran ng kanyang pagsasabi ng katotohanan, hindi na bumalik pa sa normal ang takbo ng kanyang buhay at pamilya. Laging may mga nakabuntot sa kanya na mga bodyguards, at ni hindi man lang makapasyal ang kanyang mga anak. Ngunit sa halip na mawalan siya ng pag-asa lalo pa daw niyang pagiibayohin ang kanyang naumpisahang krusada. Sabi niya, “nandiyan na nga iyan panindigan na natin.” At nang tanonging siya kung ano ang kanyang masasabi kay Pangulong Arroyo, agad niyang sinabi na magpakatotoo siya.

Kaya naman sa  kanyang paglilibut sa ibat-ibang panig ng bansa sa pagsisiwalat at paghahanap ng katotohanan, dito daw niya nasilayan ang nakaririmarim na anyo ng kahirapan at the midst of corruption in the government. Mga taong kumakain ng basura, mga sanggol na  pinapadede na lang sa mga aso dahil sa kawalan ng maipapakain. Basta hinahayaan na lang diyan na mamatay  dahil hindi na sila kayang arugain pa ng kanilang mga magulang. 

Ito ngayon si Jun Lozada na lalo pang tumibay dahil  sa  kanyang mga nasaksihan na abang kalagayan ating bansa. Lalo pang sumidhi ang kayang pagnaais na mabuksan ang kaisipan ng mga naiidlip pang mga Pilipino upang ipaglaban ang hustisya at katotohanan, come what may para sa kanyang pagmamahal sa inang bayan.

 


Responses

  1. The wistleblowing of Jun Lozada’s suddenly find himself confounded and bewildered at the ability to make choices in an unconstrained manner.The CA don’t believe the attempt on his life is a clear sign that at least they see him as a threat for the domino effect.

  2. Kung hindi nila pinagbantaan ang buhay ni Jun Lozada, hindi sana nataranta ang mama, hindi sana bumuka ang kanyang bunganga na nakasira tuloy ng diskarte nila.

    Ngayon ay ginagawa lahat para patahimikin siya, ngunit habang buhay ang mama manatiling buhay ang ala-ala ng kontrobersiya ng ZTE broadband deal.

  3. Dalawa lang ang pinagpipilian ng reyna para manatiling nakaupo sa arinola, sumayaw ng cha-cha or tawagin si Ka Martial, hahaha.
    Alin man sa dalawa hindi katanggap-tanggap sa bansa. Pero anong malay natin baka mayamaya magising na lang tayo sa isang umaga na wala na pala tayong kalayaan.

  4. For sometime I have stopped commenting on Jun Lozada, for some other reasons but there is something that caught my attention to Mer’s post today. Its about the dreaded picture of poverty as observed by Lozada going around the country. I feel uncomfortable to see people eating food from the garbage. But I am deeply hurt inside to learn about small children sucking milk from dogs and are just left behind by their starving parents to die because they can not feed them anymore. If this is true, the more it puts this nation into shame which is already devastated by widespread poverty and graft and corruption in the government.

  5. For me, Jun Lozada has taken the supreme sacrifice to unveil the truth of corruption in the Philippines, at least to the ZTE broadband deal. The court’s decision against his favor may be a victory to those who oppose the truth.

    Secondlady I can’t stand the two pictures of pover as observed by Jun Lozada.

    Kagaya mo nagdurogo din ang aking puso. Ang mga ganitong klaseng tao ang dapat nating tinutulungan. Sayang nga lamang at napupunta sa mga kurakot ang pera ng bayan na dapat nakatulong sana sa mga ganitong tao na napakamiserably ang buhay.

  6. We are a non-lawyer to be fully equipped with legal semantics to present what is in our mind in favor of Jun Lozada in this case. But from our practical point of view, medyo nadulas ang CA with this statement by saying that the court:

    “Also takes note that Lozada even attended an inter-faith rally in Makati and has been on campus tours, not only in Metro Manila but also in other parts of the country.”

    During his tours, alam natin napapaligiran si Lozada ng mga supporters especially the religious and the students and he felt safe enough. Kung ito ang basehan nila, it’s too shallow because the needed security are not just during those tours and speaking engagements which we knew were well received inspite of attempts to discredit Lozada. It should be on a round the clock basis.

  7. Natumbok po ninyo tito Joe. Tama kayo we are non-lawyers pero parang may mali sa desisyon. At kung ang basehan ay iyong inter-faith rally…I feel uncomfortable too about it.

  8. Ay mabuti naman at Martial Law ang topic ni Manong Cocoy. Mabuti din naman at nakapasyal dito si brother Pacifico. Peace be with you brother Renato.

    Tao lang naman ang nagsasabi na bobo siya. Nakakalungkot marami sa atin na puro na lang mga bagay na negatibo ang ating tinitignan. Ako ay ilang beses na rin nakipag-away noon araw sa mga motorista sa kalye na walang disiplina. May naghamon pa nga ng suntukan ngunit hindi ko inurungan. Binago ng Panginoon ang aking buhay at dito ko nakita na may pag-asa pa pala. Kaya marami sa ating mga Pilipino ang walang disiplina dahil marami tayong nakikitang mga pasaway at lumalabag sa ating mga batas ngunit hindi napaparusahan. Kaya nakikigaya na rin ang mga iba. Ewan ko kung tama ako sa aking pananaw, mawalang galang na sa mga socio-behaviorists na makakabasa nito, sa Pilipinas kasi Karamihan sa mga Pilipino ay mahilig magpalusot. Kung makakalusot di panalo siya. Kung makapaglalagay, e di maglagay siya. After all follow the leader kung mag-isip ang marami sa ating mga Filipino. Kung ano ang ginagawa ng presidente, e di sundin mo.

    Change must come from within. Sabi nga ng isang lady blogger intrinsic change lasts longer than the extrinsic change. Maaring baguhin ka ng bago mong invironment dahil ayaw mong maparusahan, sumusunod ka dahil ito ang kalakaran sa bago mong environment (example sa Saudi Arabia kung saan takot ang mga Pilipino ng gumawa ng mga kalokohan doon). But it does not necessarily mean na sang-ayon ka sa iyong ginagawa. Nabago ang panglabas mong anyo ngunit hindi ang pangloob. Pagbalik mo sa Pilipinas, dating gawi. Walang nagbago. Kung may mga nagbago man at nagkaroon ng disiplina sa kanilang mga sarili na nagpunta sa abroad, natitiyak ko na mas nakakarami ang hindi. Kaya hindi sulosyon ang pagpunta ng abroad na iminumungkahi ni brother Pacifico.

    Dito sa ating bansa tayo magbago, ang pagbabago ay mag-umpisa mismo sa ating mga sarili sa pamamagitan ng paggabay sa atin ng Panginoong Diyos. Mababaw na paraan ang pagpuntang abroad upang magbago ka sa iyong paguugali. Change must come from within, hindi iyong ini-impose sa iyo kagaya ng mga ginagawa ni Bayani Fernando, kuwersibong pamamaraan upang disiplinahin ang mga tao. Sa totoo lang kailangan din natin ang ganitong puwersahang pamamaraan pero not all the time. Wala pa ring tatalo sa mahusay ng pakikipag-usap, edukasyon (for life), values formation, at pagbibigay ng magandang halimbawa. Salamat po.

  9. STANDING FOR TRUTH is a very tough act.

    because Filipinos are living in a world where the most corrupt, most criminal, and most intelligent people exists.

  10. Ang mga sinusulat ni Cocoy ay pang masterpiece,kaya join na si renato pacifico sa kanya.

    Pero ginawa niya ng pang comedy dahil seryoso ang mga tanod mo dito.Ano sa palagay mo Colegiala girl? Sana mapasyal din si renato dito dahil magaganda ang mga nandito,baka nga masarap siyang kurutin sa singit at paluin ang puwit.HIHIHIHIHIH>

  11. Na Wan tu tri si Lozada.Sana humiga na lang siya at nagpakaladkad sa mg kumuha sa kanya para matibay ang ebedebsiya niya.

    Kaya nga lagi itinuturo sa mga studyanti dito sa school,
    Never talk and Never go with the stranger.

    Huwag kang sumama sa hindi mo kilala.

    Hindi natin masisisi ang huwes dahil malaki ang nakita nilang butas na lulusutan.Alam ng lahat pati ang buong mundo na kinidnap siya.Sabi nga ni Renato Pacifico nasaan ang ebedensiya? Hindi tinatangap sa hukuman ang haka-haka.

  12. May bagong topic ako ngayon related dito sa poste ni Manong Cocoy. Dito ay aking hinahapan ng katugunan, saan ba talaga nanggagaling ang pagbabago. Kailangan ba talagang mag-abroad katulad nang sinabi ni brother Renato Pacifico para maka experience lang ang isang Pilipino ng pagbabago at disiplina sa sarili.

  13. Nang ako’y nag-abroad at napadpad sa mayamang bansa ng Amerika, ang tanong sa akin ng aking pamilya nang ako’y umuwi ay bakit ka pa umuwi? Nanghihinayang sila na oportunidad ko na sanang mamalagi sa Amerika ngunit hindi umuwi pa rin ako. Nagbalik uli ako, kaya nang ako’y umuwi akala ko hindi na ito tatanungin pa, pero hindi, tanong uli nila bakit ka pa umuwi ang ganda-ganda ng buhay sa Amerika.

    In short gusto nila akong maging TNT at umaasa na magkakaroon ng amnesty at magka-green card ako kagaya ng tito ni Banong Sikretario. At later ako ang maging tulay nila na makatuntong ng Amerika. Hindi nila maintindihan na kaya ako umuwi dahil isa akong turista at hindi napadpad doon para magtrabaho. Ayaw nilang tanggapin ang aking paliwanag na kalabisan para sa katulad kung pinagkalooban ng 10 years multiple entry visa ang lokohin ang pamahalaan ng America.

    Ako’y natutuwa sa comment ni doc. bobonyo na ang pagbabago ay nanggagaling sa puso hindi sa mga nagdidikta nito. Noong nas Amerika ako, naging law abiding alien ako dahil ayaw kung magkaroon ng masamang record doon. May mga nagaalok ng under the table na trabaho pero kabado ako. Ngunit may mga napansin din ako, maraming mga Pilipino ang gumagawa din ng katarantaduhan sa America. Kung minsan sila pa nga ang nangunguna. One classic example, may nagpaputok pa ng baril na Filipino sa New year’s eve celebration.
    Naniniwala ako na wala sa pagbabago ng lugar ang pagbabago na isang tao para maging mabuti siyang mamayan, wala sa pangingibang-bansa ang pagbabago ng ating social at spiritual life, nasa panghahangad mismo ng isang tao mula sa kanyang kaloob-looban. Kahit dito lang tayo sa Pilipinas ay maari pa ring magbago ang takbo ng ating buhay kung nanaisin, maari din tayong umunlad dito kung nanaisin; at maging isang uliran, mabait, disiplinado, at kapakipakinabang sa ating lipunan kung nanaisin. Of course, sa awa at pagpapala ng Diyos.

  14. Kimuchi, okay lang itong style ni Pareng Cocoy, may pagkaseryoso katulad ni Pareng Pacifico at may pagka kengkoy kagaya ni Wowowie.

    Kahit si Colegiala girl ay may pagkakenkoy din ang style, mana siguro sa kanyang maestro Cocoy, hahaha.

  15. Hi Kimuchi,
    Mabuti napasyal na si Lolo Atong sa Cocoy’s Delight. Tiyakin lang ninyo na magbabayad siya ng kanyang mga inorder. Baka si Tito joeseg na naman ang mag-abuno pa, hehehe.

  16. Titio Cocoy,
    Oo nga sana nagpakaladkad na lang siya sa mga kumuha sa kanya. Malaking ebidensiya iyong may galos siyang nakikita ng Korte. Kaso baka tinuloyan din siya, hehehe. Sabagay naiintindihan naman natin ang sinapit ni Jun Lozada.

  17. Jun Lozada’s sacrifice will not be in vain, many young people have been enlightened on the extent of corruption in this country. Now they know why their country is poor and many people are suffering. With this, I believe the battle for truth continues.

  18. From the “victim ako” concept, I would like to believe that the Filipinos are mere victims of the evil of colonialization, victims of massive fraud and corruption in the government, victims of negative values and practices (borrowed or devised) and victims of their own making such as abuse of authority and freedom, and lack of unity and discipline. There are three demons of darkness that has possessed the country long ago; foreign capitalism, politics, and oligarchy. Philippine poverty has six pillars, overpopulation, exploitation, injustices, corruption, ignorance, and lack of opportunities. To save this country we need the three saviors, Tiyaga at kakayahan, Pagkakaisa, at Pakikibaka. Two main avenues of change in the Philippines; complication and simplification. But whatever we say if Filipinos do not trust each other, always fight each other, and talk more than act–sorry ka na lang bayan.

  19. parang may mali yata sa desisyon na yon, kung tayong mga normal na tao ng lipunan e nakikita yon, bakit kaya hindi iyon nakita ng nasa taas? hmm

  20. May punto ka diiyan Kengkay. Ito din ang kanina ko pang iniisip. Bakit kailangan pa na si Jun Lozada na siyang binago ng kayang pagbabalik-loob sa Diyos ang siyang nakakaranas ngayon ng mga ganitong pasakit. Siguro may gustong idiin sa atin ang panginoon, dapat ay makialam na ang lahat na mamayang may pagmamahal sa bayan nang may masilayan tayong kinang ng pag-asa.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: