Posted by: Mer Pints | September 12, 2008

Poverty and Hopelessness (“Nakamamatay na Kahirapan?”)

Last Thursday former DSWD Dinky Soliman was interviewed by DZMM to comment on a parricide case in Laguna where a mother killed her children and in turn also killed herself by poisoning. During her interview, she described the tragic incident as indicative of extreme hopelessness now experienced by the Filipinos due to poverty. 

Jenneth Ponce killed her 3 children, Marjorie 4; Margareth, 3; and MJ, 2; by poisoning them with a poisonous toilet bowl cleaning liquid. She herself committed suicide by similarly drinking the poisonous liquid.  The husband, Jorlie Mantes, was not around when the incident took place. He was away earning a living for his family. Mother and children all died at a hospital in Laguna. 

The tragic incident also came to the knowledge of former President Joseph Estrada who personally visited Mantes at their home in Magdalena Laguna last Wednesday and donated some 50,000 pesos for the bereaved family. Fortunately, Mantes has still one child left with him, the one who was the grand parents when the mother decided to kill herself and three children. 

Mantes could not find any explanation why his wife killed herself and their three children except for the family’s debt of 1,000 pesos. So little an amount yet they could not pay it for lack of adequate income. Even with food and cash assistance already extend him; he still fells bad about it why it’s only now that government officials have acted. He said while he has some food and money now, what’s the use, his family is already gone. They could not benefit from said assistance anymore. 

As the case, former President Estrada used the occasion to blame the government for the tragedy. Dinky Soliman on the other hand, primarily put the blame on the government for the tragedy. Similarly she also cited the church, non-government organizations, and all sectors of the society as partly to blame for having been inattentive to the needs of the poor. 

This is not the first incident of poverty related act of committing suicide. According to former DSWD secretary Soliman, “There have been so many incidents where poor people, as an act of desperation, take their own lives.” 

Nakamamatay na Kahirapan? 

May kasabihan tayong mga Pilipino, aanhin pa ang damu kung patay na ang kabayo. Namatayan na ng asawa at mga anak si Jorlie Mantes nang dumagsa ang mga tulong mula sa gobierno at mga pribadong tao na katulad ni dating Pangulong Estrada. May kimkim na hinanakit at panghihinayang si Jorlie sa pagdagsa ng mga tulong ngayon wala na ang kanyang mahal na asawa at mga anak. “May pera na, may pagkain, wala naman ang pamilya ko. Sino ang makikinabang?” 

Pero hindi lang sa kanyang asawa at mga anak nangyari nito. Marami nang nauna pang nagpakamatay dahil lamang sa kahirapan. At sino ang dapat sisihin sa trahedyang ito? 

Kung ang mga pulitikong taga oposisyon ang iyong tatanungin, madali nilang ituro ang pamahalaang Arroyo. Ngunit ang pamunuan lang ba ni Pangulong Arroyo ang dapat sisihin dito? All sectors ang tinutumbok ng pahayag ni Dinky Soliman sa kanyang interview sa radio, kabilang na tayo doon. Ang magandang sagutin siguro, saan tayo nagkulang? At maganda rin sigurong itanong sa ating mga sarili, bakit wala tayong “pakialam” sa mga mahihirap? Ang ipinupunto ni Soliman bilang isang Social Worker ay kung may nagagawa na nga ba bawat isa sa atin upang tumulong sa mga mahihirap; siguro iyong collective action kung saan ang bawat isa sa ating ay naghahanap at nag-iisip ng mga kaparaanan para naman makatulong sa iba. 

Ngunit malaki talaga ang responsibilidad ng pamahalaan na bigyan ng higit pang attention ang karaingan ng mga mahihirap nating mga kababayan nang dina sila maging biktima pa ng “nakamamatay” na udyok nang kawalang pag-asa sanhi ng kahirapan. Dapat ay gawing prayoridad ng pamahalaan ang mga mahihirap  sa kanyang trillion pesos na budget taon-taon upang tugonan ang kanilang mga basic na pangangailangan at programang pangkaunlaran. Dapat ay umabot din sa mga liblib na pook ang mga biyayang pera na nanggagaling mula sa kaban ng gobierno, at hindi lang ito  nakatuon  sa Metro-Manila.   

Pero gusto ko ring sundan ang sinabi ng aking kaibigan na si Secondlady, ang kahirapan ay nasa isipan lang. Ito’y produkto ng maling pananaw at disisyon, kawalan ng kakayahan at pamamaraan, at pag-urong sa pakikihamok sa buhay. Para labanan ang kahirapan kailangan ng positibong pananaw sa buhay. Sabi nga ni doc.bobonyo, ang ating isipan ay dapat nakatuon sa sulosyon sa halip na problema, pamamaraan sa halip na kawalan ng pag-asa, at pagkilos sa halip na ninanamnam ang tindi ng kahirapan.  

 


Responses

  1. Secondlady,
    I need your inputs here, the sociology of poverty, hehehe.

  2. This is my comment to Secondlady sa CD. Parang sinadyang nagkatugma ito sa poste mo ngayon.

    Pahabol lang kay Secondlady,

    Madam are you a motivational speaker? I had been with a rural development team before that includes community organizer, a social worker, and sociologist. Familiar po sa akin ang language ninyo.
    You don’t talk of defeat but victories, you don’t talk about problems but resources to deal with them, poverty is only a state of the mind (an improper conditioning of the mind), and education is a long time process.

  3. Nakakalungkot naman ang nangyaring ito sa ating kababayan na hindi na nakayanan pa ang tindi ng kahirapan sa buhay.

    Naiiyak ang puso ko. If I only have my way to bring food to every hungry individual in this country.

    Panalanging ko na lang ang tangi kong maitutulong sa mga kapatid nating naghihirap around the world and this beloved land of ours, the Philippines.

    Thank you Mer for posting this one.

  4. Doc.bobonyo,
    I agree with you, but it is not mere sympathy alone that the poorest of our people need, it is empathy that we will know how they feel, their needs, and their capacities to grow. It is through this process that we can help them help themselves to become functional and productive members of the society. Dole out may work for sometime, but not always. Development has more lasting effect on them.

  5. The problem i can see with this mother killing herself and children is her dysfunction and blames it on poverty. But it typically is her personal failure and dysfunction that create poverty.

    As I am always telling my children:To stay out of poverty, it’s necessary to do simple things, finish high school,go and finish college don’t have kids until you marry, and wait until you are living abundantly. Do those three things, and the odds against you becoming impoverished are less, everyone who fails to do those things winds up poor.

  6. Grrr… naiinis ako sa mga pulitikong nananamantala sa mga ganitong pagkakataon para masisi lang ang gobyerno sa kung ano man. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas kasi kung sino sino ang sinisisi natin at hindi na lang gumawa ng sariling paraan para maiba o maiangat ang sariling buhay.

    Nakakaawa ang sinapit ng pamilya na ito, pero kasalanan ng nanay ‘yan. Nagpadala siya sa kahirapan, at nandamay pa ng iba. Kawawang mga bata.

    Nakakaawa din ‘yung tatay. Nagpapakahirap magtrabaho para sa pamilya, pero ano nangyari? Haaayyy…

    (Parang masyado akong nadala sa post mo. Hehe.)

  7. Oh! I forgot,my children are living American Dreams pala.In the Philippines our government always shortchanges the poor. Education is a prime example, public schools, where student scores are abysmal and dropout rates are inexcusably high, and—noticing the classrooms’ shortages of supplies and books —says that lack of money is to blame . not as much as rich districts, true, but far above average and well above what many private schools spend to educate kids effectively. As for the missing supplies , blame a corrupt, dysfunctional system that wastes the more-than-adequate funds. it.Ibinulsa na nila.

    Contribution to the real causes of poverty also characterizes the addition to the working poor.
    The teens are much liberated nowadays,hindi na sila napapalo ng sinturon kahit madaling araw na uuwi pag minalas they get pregnant, because they’ve got nothing better to do.They are a product of dropout and they feel trapped, education are not working for them,wala silang matriculation: Although they wanted to attend college,out-of-wedlock pregnancy and teen-pregnancy problem become economic distress because if you are a parents,how could you expect your jobless teen daughter to survive at iniwanan ng bumuntis na punyakules.

  8. Kawalan din po ng disiplina ang isa sa mga rason kung bakit ding naghihrap ang iba nating mga kababayan. Wala na kasing napapalo ngayon kaya ang mga kabataan naman kahit anong magustuhan nila sigi. Ultimately sila rin ang magsa-suffer nito.

  9. May case kami noon sa NGO na teenage mother. Masyadong mapagbigay ang kanyang mga magulang at sunod lahat ang luho. Nabuntis siya ng wala sa oras. Nahiya siya sa kanyang mga magulang sa nagawa nito, naglayas. Mabuti na lang may nagdala sa kanya sa NGO at dito na siya nanganak sa pangangalaga ng isang doctor at saka mga nurses. Sa counseling ng mga social workers lumabas na masyado niyang inabuso ang pagiging maluwag sa kanya ng kanyang mga magulang. Mabuti na lang napagkasundo sila ng mga social workers and teenage mother at ang kanyang mga magulang kaya bumalik din siya sa kanilang tahana.

  10. Gasoline Dude tutoo ang sinabi mo na maraming pulitiko ang sumasakay sa ganitong isyu para siraan ang kanilang mga kalaban sa pulitika. Tutoo din na kitang=kita ang pagpapabaya ng pamahalaan sa kanyang responsibilidad sa mga mahihirarap.

    Nice having you here at sana palagi kang makikipagbalitaktakan sa mga isyu. Welcome ka dito.

  11. I agree with pareng Cocoy that it is a case of personality dysfunction that triggered the woman from killing hersel. I believe that such psycho-social dysfunction has been there since childhood, probably her childhood environment had not been that supportive of her social growth and development.
    Tangay hanggang sa pagtanda niya ang mga problemang nalasap niya mula sa pagkabata which has never been resolved at all.
    Dito natin kailangan ang mga counselor na siyang tutulong sa sino man na may problema sa kanyang personalidad. Marahil ay itinatago, hindi nailalabas, at nang nagcompound ang mga ito, nasundan na ito ng ganitong trahedya.

  12. Bakit nagpakamatay? Dahil sa kahirapan ba.
    May deperencia siguro at kinulang ang pag-iisip.

    May punto kayo siguro may maluwag na turnilyo simula ng pagkabata at dala-dala niya sa pagtanda dahil sa kakulangan siguro ng pera walang pambayand sa mekaniko para higpitan ang turnilyo.

    Pansinin ninyo,kapag nakatira ka sa mahihirap na lugar ang karamihang lako sa tindahan ay gin at tanduay.

    Kapag nakatira ka naman sa mayayaman na lugar karamihang clinica ay Phyciatrist office dahil ang mga mayayaman kung may problema sila nag papa-physco exam sila at umiinom ng gamot.

    Kaya naman tanduay at sioktong ang lako sa tindahan dahil kapag may problema si tatay,tiyo,kuya ay dadaanin na lang sa inuman,kapag lasing na sila ay maganda na sa paningin nila ang kanilang asawa,gagawa na naman ng bata kaya hirap na hirap talaga sila sa buhay.

  13. Itong particular case na nangyari sa Magdalena, Laguna, bagaman at kalunos lunos, hindi kaagad ako nakapag bigay ng comment dahil ipinagtanong ko muna ang tunay na pangyayari. My wife is from the nearby town Liliw kung kaya mas alam nila what really happened. Baka katulad ito noong nangyari sa Mindanao na isang batang babae ang nag-suicide dahil sa kahirapan ng pamilya pero nang lumaon ay may ibang problema. Mayroon din tayong nababasa sa abroad na ganitong kaganapan na isang ina ang kumitil ng kanyang mga supling dahil nasiraan ng bait o sa tinding galit sa asawa.

  14. Pero ang kahirapan ay talagang talamak na sa atin dahil personal kong nasasaksihan sa panahong ako’y umiikot sa mga kalinangan, kaparangan at kabundukan. Lalo pa ngayon at patuloy ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin, wala nang masilungan ang mga maralita at ang isang paraan ay wakasan na ang kanilang paghihirap ngunit ang makabagbag damdamin ay idinadamay pa ang kanilang mga supling.

  15. Ilan version ang nakarating sa aking tungkol kay Jenneth Ponce at kung bakit niya nagawa ang nangyari na. Ayaw ko na ring bigyan ng dagdag komento.

    Sa mga maginhawa ang buhay, (isinama ko na ang aking sarili na bagaman at aba, ang makapag computer ay maituturing na ring kaginhawahan), may magagawa rin tayong hakbang kahit papaano para makatulong. Kahit saang panig tayo ng mundo, abot-kamay din naman tayo sa ating mga sariling bayan at huwag nating ipagkait kung anuman ang pwede nating ibabahagi na pag-agdong buhay Nasabi ko yun sapagkat yan ang ating ginagawa sa ngayon at ang konting kaligayahan nating naidudulot sa mga nangangailangan, nakakatulog tayo nang mahimbing at siguro, may ngit sa labi.

  16. Tutoo po iyan, sino nga po ba ang ang magdadamayan kundi tayo ring mga Pilipino. Napaganda sana kung magkaisa na tayong lahat alang-alang sa kinabukasan ng ating bansa lalo na ang mga kabataan.

  17. Idol Kimuchi kuha mo talaga ang tunay na larawan ng ating lipunan, ang pagkakaiba ng mga suliranin at pangangailangan ng mga mahihirap at mayayaman. Napakagandang obserbasyon.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: