Posted by: Mer Pints | September 4, 2008

Erase Your Heads, Lusaw na ang Peace Panel (Ang Kasaysayan ni Mongolya)

Last Wednesday the government said it already dissolved its peace panel because it is not going to talk with the MILF anymore. 

Presidential spokesman Dureza had said, “We’re dissolving the peace panel. You don’t need it when you’re ending talks with an armed group. We’ll start consulting with the people on the ground and find out how can we resolve the Muslim problem.”

Executive Secretary Eduardo Ermita in a press conference in Malacanang explained that the peace panel was dissolved because it was “misled” into the nearly signing of the MOA-AD agreement. With this development, the Philippines has just ended peace talks with the Muslim separatist group, and the scrapping of the 11-year old peace process.

Some consider such move dangerous as it may trigger more violence in the conflict-ravaged south. But others are also relieved and consider such move appropriate. But the Malaysians are unhappy with it, fearing of more violence to come if the MILF are not involved in peace negotiation. 

So here comes the question, did Malacanang do the right thing to end up peace talks with the MILF?  

Ang Kasaysayan ni Mongolya 

Si Mongolya ay isang lapis na nagsasalita. Una siyang hinawakan ni Mr.Tongresman, pinadugo na parang birhen nang ito’y isalang sa bunganga ng pencil sharpener. Ginamit siya upang iguhit ang porma ng extension sa mala-palasyong bahay ni Kana-bitch, ang magandang second lady sa buhay ni Mr.Tongressman. Dahil sanay sa mga malalaking bagay, kagaya ng kuwan ni Mr. Tongressman–iyong resthouse niya sa probinsiya, gusto rin ni Kana-bitch na malaki ang gagawing extension para sa kanyang Kerida House. Nasunod ang kagustuhan ni Kana-bitch dahil mahal na mahal ito ni Tongressman. Kaya dito unang ginamit ang kanyang eraser head. Binura ang unang plano at pinalaki pa ito ng husto. Marami kasing  pera  itong si Mr. Tongressman, dahil mahilig daw siyang maki-pagmeeting  sa palasyo, kaya sunod sa layaw si Ms. Kana-bitch.

Nang matapos siya kay Mongolya, basta na lang ito iniwan sa dining table. Tamang-tama namang nakita ito ni Toddler, ang kaisa-isang anak ni Mr. Tongressman kay Kana, kaya pinaglaruan niya ito. Una isinubo saka kinagat nito ng kanyang bagong tubong ngipin. Mabuti na lang nakita ito ng kanyang yayang si Kina- Kabitz at mabilis itong kinuha at itinapon sa labas. 

Nagpagulong-gulong si Mongolya hanggang nakita siya ng tuta ni Senatong na noon ay naglalaro sa kalye. Pinulot niya ito at nginatngat. Mabuti na lang matibay si Mongolya kaya ni bakas ng ngipin ng maliit na tuta ay hindi nagmarka. Nang damputin ng tagapag-alaga ang tuta ay tinapon naman ang lapis. Tamang-tama naman na nagulungan siya ng bisekleta at tumilapon sa kabilang kalye. Kalahating araw siyang namalagi sa putikan hanggang Makita siya ng isang karpintero, pinulot at ginamit sa paggawa ng extension ng bahay ni Kana-bitch. Pagkatapos ng maghapon pagkakarpintero nakipaginuman naman siya sa kanyang mga kabarkada sa tindahan ni aling Britney. Dahil palista lang sa utang ang mga inimum at pinulutan, nahiram tuloy ng tindera si Mongolya at nakalimutan nang isauli pa ang lapis. At magmula noon ay gamit-gamit na ito ni aling Britney. 

Nahiram naman ito ni Kapitan Kidlat nang mayroon siyang naispatan na isang  kahina-hinalang sasakyan at nilista ang plate number nito. Dahil sa pagmamadaling itimbre ito sa mga pulis, nakalimutan niyang ibalik si Mongolia kay Britney hanggang  natangay na at nadala ito sa Barangay Hall. Dito napulot naman siya ni Durong Tanod at ginamit sa pagdodrowing ng larawan ni Kimuchi na nakabikini lamang. 

Ngunit nang magrambolan ang mga posporo at lighter boys malapit sa Cocoy’s Delight, nagrespondi ang tanod na dala ang lapis na si Mongolya. Nalaglag naman ito sa entrance ng kapehan nang magtago ang tanod doon dahil binato siya ng pillbox at muntik nang tamaan ng shrapnel. Tumigil lang ang mga gangster nang sugurin sila ng mga miembro ng Dating Kalye sa pakiusap namn ni brother Eloy na noon ay nangangaral upang patigilin sila. 

Dalawang hindi kilalang mga lalaki naman ang pumasok sa Cocoy’s Delight, nakita nila si Mongolya at pinulot. Mga rebelde pala sila, isang NPA at isang MILF. Pinag-usapan nila kung hanggang saan ang teritoryo ng bawat isa. Sa ginawang mapa, nagamit tuloy ang lapis para lagyan ng linya ang pagitan ng kanilang territorial boundaries. Ngunit hindi rin nagtagal ang mga rebelde dahil may sumusubaybay pala sa kanila na mga taga ISAFP. Ni hindi nga nagawang omorder ng kahit tubig man lang ang mga ito. Dala ng MILF ang lapis at nakarating si Mongolya sa Basilan. Dahil walang ballpen ang Malaysian observer noon na gagamitin sa pakikipagpulong sa Peace Panel, hiniram naman niya ito sa MILF fighter. 

Sa  mesa ng mga peace negotiators, dito nasaksihan ni Mongolya kung paano pinagbigyan ng mga RP peace negotiators ang kahilingan ng MILF na Bangsamoro Ancestral Domain. Si Mongolya ang ginamit upang markahan at i-shade off ang territoryo na di umano’y ipamimigay ng gobierno sa Bangsamoro. At naging historic pencil na sana siya kung hindi lang naudlot ang kasunduan ng MOA-AD dahil ito pala ay unconstitutional. Bumalik ang mga peace negotiators sa Malacanang dala ang lapis na si Mongolya. 

Nang lumala ang sitwasyon sa Mindanao at nagkaroon ng opensiba ang mga military laban sa mga nanunog at pumatay ng sibilyan na MILF, tuluyan nang ibinasura ng Malacanang ang kasunduang MOA-AD. At siya ring mismo ang nakasaksi kung papaano binura ng pamahalaan ang peace panel gamit ang kanyang eraser head. 

Dahil tapos na ang kanyang papel na ginagampanan, sa basurahan naman ang tuloy ni Mongolia. Napulot naman siya sa tambakan ng basura ng mga batang pulot-basura at pinaglaruan. Dahil wala silang kamuwang-muwang sa background ng makasaysayang lapis na ito, at dahil hindi siya isang mamahalin katulad ng sign pen, basta na lang itinapon ito sa daan kung saan ay nagdya-jogging si Colegiala girl. Dahil madilim pa noon, at sa pagaakalang eyebrow pencil ito dinala naman siya ni Colegiala girl sa aming parlor. At nang mapunasan na siya, biglang nagsalita ang lapis at ikinuwento lahat ng kanyang mga nalalaman, inay ko po!

May kababalaghan yata ang talking lapis na ito?  At baka naman may itinatago kayong sikreto diyan at nadala ninyo siya sa inyong bahay…Naku, lagot, malalalaman na ngayon ang ang inyong sikret, he-he-he. 


Responses

  1. Saludo ako sa yaman ng pagiisip ni Colegiala Girl in coming up with this kwento.

    Katatapos lang ng topic tungkol sa Eraserheads, biglang sulpot itong Erase your heads. What a connect! Grabe as in gravel and sand!

  2. Itong secret ng talking lapis, pasasaan ba’t mabubuking din yan, pagdating ng panahon. Wala namang sekretong naitago na hindi nabubulatlat. Lalo pa ngayon at namumukadkad na ang sinag ng araw at hindi maglalaon, ganap nang masisikatan tayo ng minimithing liwanag.

    Sa ngayon, wari’y binabagabag na si gloria at panay ang back pedalling. Naiposte ko sa CD kung ano-anong instances na nag back-pedalled at itong huli, hindi na raw tutuloy sa US of A para umattend sa UN assembly.

  3. Yong poem ni Kapitan K ay binigyan ko ng lost translation/version at baka pwede mo ring hatakin dito dahil may kaugnayan din sa iyong topic.

  4. Ay salamat ka Joe, for the translation. Colegiala napapagaya na rin ako sa pagkukuwento iha. Invited kayong lahat sa interview ko kay Manny Pacquiao sa aking Barangay Hall, Kakanta raw doon si Pacman, hahaha.
    Ang galing naman nitong si Mongolya, nakarating sa Mindanao, kung kanikaninong kamay ang humawak sa kanya. Pero, ika nga mabubura din sa mapa ng Pilipinas ang kahibangan, yabang, at paaabuso ng mga taong nasa itaas ngayon pagdating ng araw.

  5. Ito na po iyong translation sa poem ni Kapitan Kidlat by tito joeseg na ipinoste sa Cocoy’s Delight. Salamat po ng marami.

    Kapitan K
    Heto na po. In * are my translation/version

    Ano ba itong nabalitaan ko
    Nagbibisekleta ng pabaliktad ang mga siklista
    Naglipana nga ba sa lipunan ang mga pidalista
    Na kasing galing noong decada sisenta
    Nina Jose Sumalde at Cornelio Padilla.

    *What’s this latest preoccupation that’s now circulating
    *Riding the bicycle going in reverse or back-pedalling
    *It’s the product of this administration, which makes the governance dwindling
    *They’re not in the mold of the 60s great riders who are worth remembering
    *The likes of Jose Sumalde and Cornelio Padilla, their names are still ringing

    Noong araw pasulong ang takbo ng bisekleta
    Kahit umuulan at matinding sikat ng araw tinitiis nila
    Manalo lang sa Tour of Luzon at maging kampeon sila;
    Ngunit tila nagbago ang ihip naman ng hangin
    Mga pidalista pabaliktad ang takbo ng bisekleta.

    *Gone with the wind are the days when cycling was an event most awaited
    *Inspite of pelting rain or scorching heat of the sun their spirit never wilted
    *To be the Tour of Luzon Champion, it’s their goal to be fulfilled
    *Nagka windang-windang na the tournament, the participants are badly affected
    *The cyclists now go back-pedalling, ano ba yan, they’re so bothered and bewilderd.

    Magmula Luzon Visayas at Mindanao
    Sa takbo ng buhay natin a pulitika
    Kung kailan lang isinusulong ang MOA-AD nila
    Nang kapayapaan sa Mindanao ay makamtan na,
    Ngunit ngayon hindi lang binawi, peace panel nilusaw pa!

    *From Luzon, Visayas and Mindanao, from Appari to Jolo
    *Bad politics are running our lives not surprising for a pekeng panggulo
    *The latest is this MOA-AD which is talagang moro-moro
    *Instead of bringing peace and order, lalong nagka loko-loko
    *A clear example of back pedalling, the peace panel now in limbo!

    Hindi malinaw kung saan ang tungo ng mga pidalista
    Dahil ang takbo ay paurong at hindi pasulong,
    Ito ba ay palabas moro-moro o pang carnaval yata,
    Dahil sa mga circus ka lang nakakakita
    Ng patalikud kung magbisekleta ang mga pidalista.

    *They’re now like a bunch of cylists thrown into complete confusion
    *To full speed ahead or back pedal, there’s no sense of direction
    *As if we’re witnessing a circus or carnival in Araneta coliseum
    *The seriousness of the matter might lead to civil war declaration
    *Which God forbid, will lead our country into nadir perdition.

    At sa America sa labanang McCain at Obama,
    Maraming Democrats ang bumaliktad na
    Dahil ang paggiging pangulo ay hindi lang sa ngawa
    Higit sa lahat nakikita ito sa gawa,
    Dito pasulong ang takbo ng mga Republikano.

    *Vying for presidency in USA, the choice is between Obama and McCain
    *But how come as this early some Democrats are sommersaulting
    *They must have realized to become a president is not just good in talking
    *There must be a firm resolve to face the dangerous world we are now in
    *And here, the Republicans has its objectives never to go back-pedalling.

    Ngunit kahit sino pa ang maging pangulo ng Amerika
    Wala pa rin magbabago sa takbo ng buhay ni Juan
    Hanggang pabalik at hindi pasulong ang takbo ng bayan,
    At habang panay ang cha-cha at urong-sulong ng mga pidalista
    Mapagiiwanan na tayo ng buong mundo, kung hindi man Asya.

    *But whoever wins and be America’s most powerful man
    *It will not change Pinas perspective nor the life of every Juan
    *As long as our country’ is graft ridden at si Gloria ay nandyan
    *And because her desire to perpetuate in power is her priority number one
    *We will remain always kulelat and even in Asia, joskoday, napag iiwanan.

  6. Hindi na po pala tuloy si Madam sa USA. Baka po nababahala siya sa mga nangyayari sa ating bansa, o kaya baka naman po nangangamba na baka tanungin siya doon tungkol sa mga kaganapan ngayon sa Pilipinas.

  7. Ang Galing galing mo Colegiala Girl.Dapat magkaroon na tayo ng negosyong komiks publication.Naluma si Carlo sa iyo Hehehe!

  8. Salamat po.

  9. Kayo din po magaling din ang iyong mga birada. Sa inyong mga panulat po ang aking inspirasyon din sa pagsusulat.

  10. Miss Neri is rejoicing.The supreme court daw has spoken.Who’s Supreme court nga ba?This Idiot is a particular species of false dichotomy. Like all false dichotomies, the problem is that there is at least one more option than the two offered in the either/or choice. If He ba or She have nothing to hide, then She have nothing to fear.

  11. Cocoy’s Delight talks about back pedalling among politicians in his post today. There is nothing wrong about it for as long as you pedal back to the truth. But to back pedal in order to fence off criticism does not clear one from his own dirt and stain. This is a highly pretentious act, a kind of hypocrisy that insults God. How could politicians clear themselves from the dirt and stain of corruption if evil has always prospered in their lives. There has been no respite from committing evil after evil. They even shrug it off when someone calls them evil bitch. They are emboldened with sinfulness their lies. And liars go to hell. Perhaps this makes Jun Lozada smile despite the so many troubles he is facing today, he is on the side of the truth.

  12. There will be a time of reckoning, for those who fomented all those troubles in Mindanao, to those who killed innocent civilians, to those who connived in robbing the government’s coffer by the billions, and made life in this country miserable. Some sectors even attributed the rice shortage we experience lately to the fertilizer scam where farmers were robbed of their opportunities to reap bountiful harvest.

    We need spiritual enlightenment at this point in time when thousands of people in the Southern Philippines can not go back to their homes because of the armed conflict, when government failed to restore our economy, stop corruption, prevent those undermining our judicial processes, when there is a continues backpedalling of executive policies and decisions, when mediocrity is all that we see from the performance of our public servants, and when peace and order continue to deteriorate.

  13. Subsub na lang daw sa trabaho si Neri, nakahinga siya ng maluwag, salamat sa mga hukom. Pero sir hindi ka ba nababagabag sa iyong konsensiya na ikaw ang hadlang para lumutang ang katotohanan? Sana mapunta sa iyo ang lapis na si Mongolya nang malaman niya kung ano ang iyong sikret, hehehe.

  14. Hi there, thanks.

  15. You are awelcome carryanne, hope you’ll be joining us here.

  16. Your talking lapis is scary. I am interested with the Kana-bitch, have an update, hehe.

    Chair wants to know if you are interested for a part-time load this second sem? Fam Soc, same load. Just text me if ever.

  17. Doc.bobonyo,
    Happy weekend po sa inyo. Alam ko magkasam na naman kayo ng iyong biyenan papuntang church. LOL.

  18. Dito natin Kailangan si Pacquiao:
    Umaagos kagabi ang beer sa Ortigas Center. Parang hindi naghihirap ang Pilipinas. Nagkabuhol-buhol ang traffic. Mga iba excited, mga motoristang naabala galit. Gusto ata nilang magkamit ng world record sa pinakamaraming umiinom ng serbesa. Talagan nasa berrrr month na nga tayo.

    Napagtripan tuloy ng isang lasing ang matimtimang dalaga. Siguro nakalimutan niya ang ugaling Pinoy na no touch dahil nakainom. Kaya sa kabiglaan naman, nakatikim tuloy ito ng malakas na sampal sa mukha mula sa napahiyang dalaga. Malakas ang loob ng babae na nanampal dahil may kasama siyang lady gym instructor, hehehe.

    Hindi mo naman kakilala at kaano-ano bigla ka na lang aakbayan.Dalawa lang ang pakay niya, manghablot ng gamit o talagang nambabastos lang ng mga babae. Sayang di na-follow-up sa Yag-ba, tumakbo kasi sa takot na baka kuyugin siya ng mga taong naghihintay ng masasakyan at saka may naispatan na sikyu.

  19. Girl,
    Oks na Oks at Oki Doki pa itong post mo tungkol sa mongol na lapis.Kailangan tasaran para matulis at maisulat ang secret.HIHIHIHIHIH>

  20. Tinatanong ako ng mga anak ko,bakit daw ako umalis ng Pilipinas.

  21. Pareng Cocoy

    Ang mga nasa Pilipinas naman, tinatanong sila ng mga anak nila, kailan tayo pupunta ng America? Kailan tayo titira sa abroad?

  22. Sa mga kamag-anak ko po naman, umalis sila sa Pilipinas para mapahandaan ang kinabukasan ng mga anak. Nang nandoon na at matiwasay na ang buhay ng mga anak, bumalik naman sila sa Pilipinas para mamahinga at magpasarap naman ng kaunti sa kanilang pinagpaguran. Problema nang umupo sa trono ang ating lola, bumalik din sila sa Amerika dahil taon-taon na nagtataasan ang mga bilihin. Tanging ang kumare na lang ni lola Liberty ang hindi nakabalik dahil ulyanin na siya at inaalagaan ng mga kamag-anak na sinusuportahan naman ng mga kaanak sa Amerika.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: