Posted by: Mer Pints | September 3, 2008

Bitin ang mga fans ng Eraserheads…may part 2 pa kaya ang reunion concert?

(Si Ely Buendia)

Isang gabi na nga lang na nagkasama-sama sila, bitin pa ang konsierto ng Eraserheads. Umaatikabong palakpakan at sigawan ang sinundan nang pagtatapos ng countdown at dito magsimula nang umawit ang mga Eraserheads sa pangunguna ng kanilang bokalista na si Ely Buendia. Ngunit hindi nagtagal ang ligaya dahil pagkatapos ng pang labin-limang awitin ay biglang nagsikip na lang ang dibdib nitong bokalista at nag-collapse sa backstage, sapat na upang isugod siya sa Makati Medical Center. Dahil dito maagang nagtapos ang konsierto. Bitin ang mga fans, pero ano ang magagawa nila nasa bingit na ng kamatayan ang bokalista dahil inatake siya sa puso.

Pagkatapos ang malungkot na paghiwa-hiwalay ng mga miembro ng bandang Eraserheads noong 2002, natuwa naman ngayon ang mga fans dahil muling nagsama-sama ang dating sikat na banda sa isang union concert na ginanap pa sa Fort Bonifacio Open Field ng Taguig City noong Sabado ng gabi ng Agosto. Bago pa man maganap ang reunion concert, may mga problema nang kinaharap ang banda, inurong kasi ng Philip Morris ang pag-sponsor nito dahil na rin sa banta ng DOH. Bukod pa diyan, pumanaw din ang butihing ina ni Ely. Gayon pa man hindi ito nakaapekto sa kagustohan ng grupo na pasayahin ang kanilang mga fans. 

May sakit sa puso si Ely 

Noon pa man ay may nararamdaman nang sakit sa puso ang singer-composer kaya isinugod na siya sa Philippine Heart Center kung saan ay  isinailalim siya ng angioplasty procedure dahil sa pagbabara ng mga ugat sa kanyang puso noong Enero ng 2007. Ito na ngayon ang pangatlong pagdadala sa kanya sa PHC para isailalim muli ng angioplasty procedure. At matagumpay naman daw ang operasyon ayon sa kanyang manager na si Day Cabuhat. Si Ely daw ay “100 percent” nang fully restored at nagpapagaling na lamang. 

Unang napabalita na nakaranas si Ely ng  sobrang pagkapagod sa gabi ng konsierto nila noong Sabado kaya isinugod siya sa Makati Medical Center. Bago siya isinugod sa hospital ay nakaranas muna ito ng pagkikirot sa dibdib bago siya nagcollapse di umano sa backstage. Pagkatapos siyang gamutin sa Makati Medical Center ay dinala naman siya sa Philippine Heart Center Kung saan siya ay inoperahan muli. 

May history ng sakit sa puso ang pamilya ni Ely at hindi nalalayong namana niya ang kanyang karamdamang ito ayon sa kanyang mga doctor. Katunayan nga ito ang ikinamatay naman ng kayang ina kamakailan lang. Kaya bago pa magkakonsierto, may dinaramdam na at taglay na stress si Ely. Malaki na nga ang ipinayat ni Ely magmula ng nagkasakit siya sa puso. 

Sa ngayon ay patuloy na rin ang kanyang paggaling habang nagpapahinga. Bawal nga lang kausapin pa siya ngayon ng media. 

Magkakbalikan pa kaya sila muli? 

Talagang malaking sakripisyo para kay Ely ang umakyat sa entablado, tumugtog at umawit para sa mga libu-libong fans ng  Eraserheads  ngayon na nagdadalamhati pa siya sa pagkamatay ng mahal niyang ina. Bilang isang tunay na performing artist, ano man ang iyong dinaramdam pagdating sa entablado at sa ngalan ng musika “the show must go on” ika nga. Ito ang pinatunayan ni  Ely Buendia ang 37 years old na dating bokalista at composer ng bandang Eraserheads. 

May kanya-kanya nang buhay na o grupo ang mga dating miembro ng Eraserheads. Sa kalagayan ni Ely ngayon ay malabo na sigurong mabuo pa muli ang kanilang banda. Pero ito ay isang pananaw lamang, dahil sa isang banda baka may posibilidad pa magkakabalikan pa muli sila buhayin ang dating sikat nilang banda. 

Ngunit sa ngayon isa lang ang malinaw, umaasa pa rin ang mga kabanda ni Ely Buendia na sina Raimund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro na baka magkaroon pa ng part 2 ang kanilang reunion concert. Gusto nilang makabawi naman para sa mga fans na sumuporta at nagtaguyod ng kanilang konsierto na napaiksi dahil lang sa hindi inaasahang atake sa puso ng kanilang bokalista.

Marahil ito rin ang nadarama at iniisip ngayon ni Ely Buendia.


Responses

  1. in fairness sa eheads… panalo talaga sila! wel, for sure masusundan ito…

    i remember, c ely nanligaw sa kaibigan ko. yung kaibigan kong yun girlfriend ni paolo ballesteros ngayon.

    yun lang po… hehe

  2. huh! tlga? kawawa naman pala si Ely, crushie ko pa naman yan nuong kasikatan nila.

  3. Bago pa ginanap ang reunion concert, marami nang haka-haka na baka hindi pwedeng mag perform si Ely Buendia dahil sa kanyang kalagayan. Pero ganyan talaga sa entertainment world, the show must go on. Pinilit niyang palakasin ang sarili upang muling humarap sa kanyang adoring fans. Ang palakpak at umaatikabong sigawan na sumalubong sa kanya ay sapat na upang kanyang muling madama ang past glory noong kasikatan ng grupo. Sa kanyang pagbibigay buhay sa pag-awit, ibinigay nang todo ang sarili ngunit hindi niya nakayanan.

    Dapat siguraduhin muna na ang kanyang kalusugan ay 100% OK kung muling sasabak sa entablado. He may have the heart and soul to perform to his fans’ delight, but his heart might not be strong enough to cooperate. Ingat lang.

  4. inferness they’re the best! uber astig! ang galing and i wish gumaling si buendia, syang wala ako dyan, kaya ko syang arugain and everything hahaha

    sana ulitin really wa biro pramis! i adore them! hahaha

  5. Ako po mga kasama ay diehard na taga hanga ng mga Eraserheads.Pero sa lahat ng mga members ay kay Ely ako lalong humanga. Crush naming magbabakarda sa High School noon si Ely. We were that fanatic with the group kaya nagbanda-banda rin kami ng aking mga friends. Hindi nagtagal iyong aming all girls band dahil nagdisband kami sa kahihiyan nang pumalpak ang aming performance. Iyong right hand kung mahinhin ngunit takaw away ay nambato pa sa mga boys dahil binansagan kaming erase-your- heads, hehehehehe. Hmmmm high school daya nga naman…

    Dalangin ko din po ang muling paggaling ni Ely Buendia para maulit pa nang kahit minsan lang ang kanilang reunion concert.

  6. Magaling talaga ang Eraserheads, iyong iba kasi erase your heads. Biro lang Mer.
    Itong binata ko ngayon na nasa isang malaking banko bilang assistant IT manager ay dating nagbabanda sa High School at College. Wala siyang hilig noon sa mga banda ngunit nang sumikat ang Eraserheads, nagkainterest tuloy siya. Nag-aral maggitara hanggang naging lead guitarist. Sa bahay wala na akong nadinig pang musika kung hindi ang Eraserheads. Pinanindigan nito ang magbanda hanggang college kung saan ay nakakuha siya ng award na best lead guitarist sa isang battle of the bands sa University. Pero laki nang gulat ko nang lumipat siya ng pagaaral sa isang computer college dito sa Metro Manila, nawala ang interest niya sa gitara at pagbabanda, at ito’y napunta sa computer.
    Kaya noong araw nanging paborito ko na rin ang Eraserheads dahil sa kanya. Pero nadagdagan pa dahil nandiyan ang River Maya at saka Parukya ni Edgar.
    Una kong exposure sa mga Filipino rock band ay sa Juan dela Cruz band, ang mga Electromaniacs, at H- Jacks. Mahilig din akong makining sa mga foreign bands kagaya ng Beatles, Santana, at mga iba pang hard metal rock bands.
    Bukod diyan hindi ko pa rin ipagpapalit ang kundiman nina Ruben Tagalog, Celeste Legaspi, Sylvia La Torre, etc.

  7. sana maging 101% fit muna si ely bago sya ulit sumabak sa ganyang performances, am sure mas gugustuhin ng mga fans at ng mga ka band mates nya na heathly and happy sya bago sya ulit sumugod sa stage. at nabasa ko na cool lang din ang reaction ng crowd nung nalaman nilang putol ang concert, mabuhay ang mga pinoy😀

  8. it was really an ultraelectromagnetic night last aug 30. di ko maiwasang magreminisce sa nakaraan noong nagsisimula pa lang ang ‘heads. i read a blog by raims last night and he said he wants to do it (concert) again. kaya ely pagaling ka na! kailangan ng industriya ng mga katulad nyo. iahon nyo ang masa! salamat sa musika eraserheads. salamat sa mga alaala!

  9. w0w!!
    aM p0gi ni ELY!! PROMIZ!!!!
    gAndA nG C0NCERT nLa pe0 syAng kaWawA amaN c ELY!!!
    sNa MauLit mUli.. hihi

  10. Khimii,
    Oo nga, ang ganda ng concert nila, sana magkakabalikan a muli sila…

  11. Yea..
    EHEADS!

    kahit d ko cla naabutan,
    kahit sikat na cla nung ipapanganak palang ako,
    wla katulad tlga ang mga musikang hatid nila..

    kya sa mga fans ng eheads.
    tandaan ang sabi ni ely.
    “Huwag kang matakot,di mo ba alam nandito lang CLA”
    At sana maulit at “matikman natin muli ang langit na hatid ng eheads”

  12. sana,marinig natin muli ang pagiyak ni julietearjerky,habang muling magbubukas ng tinadahan si aling nena at bibili ang libo-li fans ng eheads kasama si shirley,
    magbasa ng magasin kung may part 2 pa nga,
    mag overdrive papuntang venue,at mga pare ko,
    sana sa sembreak maganap,
    parang makapunta ako,na parang nasa alapaap,at sasayaw tayo ng huling el bimbo,habang umiinom ng alcohol,at waiting for the bus,na trip to jerusalem
    kasama ang andulsian dog,at maglalaro ng pop machine,wag kang matakot sa hula,.

    wla na ako maisip,
    ituloy nyo nalang,
    hey jay! damihan mo pa ha..

    ERASERHEADS


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: