Posted by: Mer Pints | August 26, 2008

Nang Mag-cosplay sina Banong at Kimuchi (for peace, economy, and good governance)

Ilang gabi nang hindi makapagtutulog itong si Banong dahil lagi niyang naiisip ang kanyang paring ini-idolo na si governor Ed Panlilio. Hindi matanggap ng kanyang kalooban na basta-basta patalisikin na lang daw ang pari na wala naman siyang nilalabag na batas sa kanyang pamumuno.

Ang tinutukoy ni Banong ay ang pangangalap ng lagda ng Kambilan para sa isang recall election laban kay Panlilio. At gaya ng nasabi ng gobernador na pari, pamumulitika lang ang dahilan ng pagpapababa sa kanya sa puwesto. Batid iyan ni Banong; kahit ang mga panawagan na dapat ay pakikinggan ng gobernador ang hinaing ng mga tao sa kanyang pamumuno ay may kaugnayan pa rin sa pamumulitika. Bilang isang tagong tagasuporta ng pari, nagnanais din si Banong ng pagbabago sa uri at pamamaraan sa pamumuno ng kanyang idolo. Pero hindi sa pamamaraang recall election dahil nakakasakit naman ito. Isang masinsinang pag-uusap ang wish lang ni Banong sana na mangyari. 

Gusto niyang manawagan sa buong bansa, sa mga taga Pampanga kung saan ay kabilang din siya sa mga full-blooded na Pampangueno, ngunit papaano? 

Samantala isa ring matimtimang (biyudang) dalaga ang hindi makatulog. Lagi niyang naiisip ang kalagayan ng kanyang mga kababayan na nahihirapan na sa taas ng presyo ng mga pangunahing produkto kagaya ng pagkain at enerhiya dahilan lang sa E-Vat na iyan. Gusto niyang manawagan na tanggalin na ito sa pagbebenta ng langis at gasoline. Gusto din niyang tanggalin na ang E-Vat sa lahat ng mga nabibiling produkto maliban lang sa alak at sigarilyo. Tutal nakakasira lang ang mga bisyong ito sa kalusugan ng mga mamayan. Ayon sa kanya, kung gusto dawn ng gobyerno ang magpaton ng E-Vat ito ay sa mga sasakyang pangmayaman, sa paggamit ng mga dayuhan sa mga Pokpok at at bayad sa mga motels, at karaoke bars. 

Ngunit hindi lang ito ang dinaramdam ni Kimuchi. Gusto niya ang mga sahod sa mga manggawa ay itaas ng isang daan hanggang dalawang daan kada araw. Dapat ibaba din daw ang presyo ng gasoline at krudo nang bumaba naman ang pamasahe ng mga mananakay ng jeepney, taxi, FX, tricycle, at saka bus. Gusto rin nitong manawagan sa LRT at MRT na paramihin ang kanilang mga tren ng mas marami pang tao ang makakasakay. 

Bagamat magkaiba ang mga isyu na dapat ipanawagan nila sa gobyerno at bayan, nagkakaisa naman sila sa pagkakaroon ng tigil putukan sa Mindanao, ang pagsuko ng dalawang kumander ang MILF, at ang pakikialam ng Amerika at Malaysia sa isyung pangkapayapaan kung saan ang kapalit ay ang pagbibigay sa Bangsamoro ng teritoryo ng Pilipinas upang gawin itong isang malayang estado kung saan ay ang MILF ang mamamahala. At lalong hindi daw matanggap ng kanilang konsensiya na mahati sa dalawang bansa ang Pilipinas kung saan ang Bangsamoro State ay maging protectorate state ng Amerika para sa kanilang base militar. 

Kahit hindi man daw nag-usap ang dalawa, pero bawat isa sa kanila ay nagpasyang mag-costplay sa Luneta bilang protesta. Dahil idol ni Banong si Hard Gay ng Japan, ito ang kaanyang iku-cosplay. Actually may costume na si Banong na Hard Gay.Tamang-tama malaki ding lalaki si Banong at ala-wrestler na si Batista ang laki ng katawan. Dahil naging first lady na on-line itong si Kimuchi, si former first lady Imelda Marcos naman ang kanyang iku-cosplay. 

Sa Quezon Memorial Circle unang nakita si Banong na naka-costume ng katulad ni Hard Gay. Nagulat ang mga tao dahil kamukhang-kamukha niya si Hard Gay at inakalang siya nga ay isang sakang. Dahil pinagkakaguluhan na siya ng mga tao, biglang sugod naman ang Media upang interviewhin siya. Dito na niya ipinahayaag ang kanyang pakay. Sunod-sunod na ang mga radio stations na naginterview sa kanya, kabilang na ditto ang Voice of American Pie, C-iNg-iNg, Alja-sira, at Baby See ng London. 

Si Kimuchi naman ay unang namataan sa EDSA shrine. Naka-costume siya ng gaya ng terna noon ni Madam Imelda Marcos. At talaga naman na Imeldang-Imelda ang kanyang dating daw dahil sa galling ng nag-makeup sa kanya. Nakasapatos din siya ng kagaya ng isa sa dalawang libong sapatos ni former first lady Imelda. Una siyang napansin daw ng mga artista na nagdya-jogging naman daw noon sa EDSA. Dahil dito kumapal na ang mga taong nag-uusyoso. Nagsidatinangan na rin daw ang mga taga Media, ang Channel 1-2-3 ng ABS-BBN, ang GMM-7, at mga sikat na TV sa Australia, Canada, Paris, America, Latin America, at Africa. Dahil order ni madam, sumali na rin ang mga government channels. 

Sa interview sinabi ni Kimuchi daw ang kanyang pakay, mababang presyo ng bilihin, walang E-VAT, libreng Text, ang pagsuko ng mga MILF commanders na wanted, tigil putukan at putakan sa Mindanao, ang panawagan na di pakikialam ng Malaysia at US sa problema ng MOA-AD, ang libreng pabahay, at marami pang isyu kung saan ang bawat Pilipino at naninirahan sa Pilipinas ay involved. Nanawagan din si Kimuchi ang dagdag na sahod at mababang pasahe. 

Biglang tumigil sa paggawa ang mga tao, at sa kanilang TV na lang nanood o kaya’y nakining ng mga kaganapan din sa radio. Mas matindi pa ang pagkakaisa ngayon ng mga tao kay sa boxing ni Pacman. Maya-maya na ay nagpahayag na ng pagmamartsa sa Luneta si Kimuchi. Maraming sumama sa kanya kabilang na ang mga may kamag-anak sa abroad na Japayuki, DH, caregiver, nurses, karpintero, mason, mekaniko, enhinyero, marino, etc. Tumigil na ang traffic sa EDSA sa dami ng mga tao. Kung noong araw ayaw makisawsaw ang mga nanay ng tahananan ngayon nasa kalye na sila na nagaabang upang samahan si Kimuchi sa Luneta. 

Doon naman sa Quezon City nag-umpisa nang maglakad si Banong ala Hard Gay. Naglabasan na ang mga kolehiyala at Madre Mia, mga estudyanteng lalaki, mga bading, mga tibu, mga hindi pa naglaladlad, etc. Naglabasan na rin ang mga kabataan na mahilig mag-cosplay, mga Naruto fans, maging ang mga lolo at lola na fans nina Mickey mouse at Donald duck at sumama na rin sa martsa ni Banong alyas Hard Gay sa Luneta. 

Hindi na rin nagpahuli ang mga Block ang Why Movement, ang Truth or Consequence Movement, maging ang mga brothers and sisters ni kuya Jun Lozada ay sumanib na rin sa matsa. Iniwan na ng mga divers ang kanilang mga jeep, mga bus drivers, etc. at sumama na rin sa martsa ni Hard Gay sa Luneta. Humabol na rin daw ang mga pulitiko na gustong makiisa sa layunin nina Hard Gay Banong, at First Lady Imelda Kimuchi. Pati ang mga paktorya ng biskwit, gamut, pansit, underwears, at pati na ang mga nagmamanupaktorya ng bitamina at kondom sumama na rin para i-promote ang kanilang mga produkto. 

Nagtext naman ang mga asawa ng mga pulis at sundalo na huwag daw haharangan ang dalawa dahil hindi sila pasisipingin sa gabi kung gagawin nila ang ipinaguutos ng kanilang mga opisyal. Ano pa di pati na rin ang mga pulis, sundalo, sikyu, at mga magnanakaw at kawatan ay nagpakabait na at sumamana sa dalawa sa Luneta. 

Sa Luneta naman ay nagmistulang Beijing Olympic. Napakarami na ng tao na milyon milyon na sa bilang. Nagsasaya sila at sumisigaw na ibagsak ang mataas na presyo, tanggalin ang E-VAT huwag lang ang underwear, at itigil na ang kaguluhan sa Mindanao. Nagdekalara na rin daw noon ang ang mga Truth or Consequence group na ipapatigil na nila ang signature campaign para patalsikin sa puwesto sa governor Ed Panlilio. Pati ang Rain Water Coalition ay nag-intervene na na pag-usapan na lang daw ang mga problema ng mga taga Pampanga at huwag na daw idaan pa sa recall election. 

Sa ARMM naman ay nanunuod ang mga MILF sa kanilang television. Nakita nila ang pagkakaisa ng mga Pilipino. Muslim man, Kristiano, Buddist, Paganistas, Manananggal, Mangkukulam, mga walang magawa, etc. at malakas na panawagan ng pagkaka-isa ng bansa, paglaban at pagpapatigil ng korapsion, at ang malawak na panawagan na itigil na ang malagim na digmaan sa Mindanao. Naantig ang damdamin daw noon ng mga MILF at nagpasya nang isusuko nila ng dalawang wanted na commanders at pagsuko ng kanilang mga armas. Pero may isang nagmamatigas pa rin at nagtext pa sa Media na susuko lang daw siya kasama ng libo-libong rebelde kung ireregalo daw ni Kimuchi sa kanila ang kanyang magic panty. 

Ngunit mariing tinanggihan ito ni Kimuchi dahil ayaw niya ang ganitong kondisyon. Gusto niya kung susuko, susuko nang walang kapalit.

 At habang nagpapatuloy ang malaking cosplay rally nina Banong at Kimuchi, isa-isa nang sinagot ng gobierno ang panawagan sa pagtanggal ng VAT, at dito ay nagpahayag na rin ang mga kompanya ng langis na ibababa na nila ang presyo ng fuel from 20% daw to 40%. Dahil dito ay nagpahayag na rin ang transport group na ibababa na rin nila ng 40% ang pamasahe sa mga public vehicles. At nagpasya na rin ang mga grocery stores na ibababa nila mula 10% to 20% ang presyo ng mga produktong pagkain. At dahil daw sa malaking kagalakan ng mga Pilipino sa mga nakamit nilang pagbabago, nagsayawan daw ang lahat ng Pinoy magmula Aparri hanggang Jolo sa pag-awit nina Secretary Dureza, General Esperon, Chairman Bayani Fernando, at lahat ng mga taga MERALCO at GSIS ng The Impossible Dream. 


Responses

  1. Colegialagirl,

    Okay itong panaginip mo. Natatawa lang si Banong sa description mo sa kanya na bilang si Hard Gay ng Japan. Patas na kayo.

    Pero itong eksena ngayon nina Banong at Kimuchi saiyong thread ay ang siyang nilalayon talaga ng mga tao, pero hanggang walang ginagawa ang pamahalaan para tugunan ang mga problemang ito, ang ating mga pangarap at mithiin sa ating bansa ay tanging isa na lamang na Impossible Dream.

  2. Kap.
    Hard gay ang character na pinaportray ko kay Banong. Bagay sa kanya hehehe.

    Sa tutoo lang ang sarap mangarap ng pagbabago. Kailan kaya bayan mangyayari ang mga pangarap na iyan?

  3. Nakilahok ako sa isang panawagan na suportahan si Governor Panlilio. Sa tantya ko naman, kahit magkaroon ng recall process, siya pa rin ang mananalo. Kung noong unang arangkada, sa gitna ng kakulangan ng panahon at pera dahil sa biglaan niyang pagtakbo laban sa dalawang kampon ni gloria. nalusutan niya. Matitino naman ang mga taga Pampanga. Muli nilang itataguyod si Among at mas mahigit pa ngayon ang kanyang tatanggaping boto.

  4. bakit nga kaya biglang patatalsikin si panlilio? sa atin talaga, kapag bigla na lang may naisip, akala nila, pwede na nilang gawin kung ano ang gusto nila— parang walang impossible dream

  5. Here’s the link for those who would like to support the petion to thwart the recall of Gov. Ed Panlilio:

    http://www.ipetitions.com/petition/supportgovpanlilio/index.html

  6. Suportahan po natin si Governor dahil is po siya sa mga sagisag ng katapatan sa paglilingkod sa bayan.
    Nakapagsign na po ako ng petition. Kung gusto ninyong sumali pakiklik lang po iyong site na nasa ibabang comment ni tito Joeseg.

  7. Ako susuportahan ko rin ang pagpipigil sa recall election laban kay Governor Panlilio. Sana let them allow na lang ang butihing gobernador na tapusin ang kanyang temino. Kung ano naman ang inyong isyu laban sa kanya, hindi po kaya na mas mabuti na lang na pag-usapan iyan. Hindi sa nakikisawsaw kami sa gulo ninyo sa Pampanga pero bilang bahagi pa rin ng Pilipinas, may karapatan din po naman tayo na sabihin kung ano ang nararapat. Para naman sa mga supporters ni Governor Panlilio, kung magkaroon ng recall election e di suportahan uli sa balota ang butihing gobernador.

  8. Iisa lang ang motibo ng gustong mag-recall kay Gov.Panlilio,galit ang mga local na opisyales sa kanya dahil hindi pa sila o hindi na sila makakabawi sa mga ginastos nila noong nakaraang election.Baka nga inutang pa nila at sinisingil na sila.

    Kaya iyang mga nahalal kuno ay inilalabas na nila ang tunay nilang kulay na hindi ang paninilbihan at kapakanan ng bayan ang sebisyo nila kundi sa sarili nilang bahay,kawawa naman ang mga misis nila dahil lalayasan na sila ng mga katulong kung sa sweldo lang ni konsehal,kulang pang pambili ng kape’t pandesal.Mga anak nilang mga jefroks ay wala ng baon sa eskwela.Kaya nag-aalburuto sila.

    Dati may sobre silang natatangap galing kay lord,may parte sila sa napagbilhan ng buhangin.ngayon wala na silang lord kaya galit sila.

    Iba kasi doon sa bayan namin,kaya daw gustong maging konsehal ni Mang Kulas dahil ang katwiran niya kapag mamatay siya ay babalutin ng bandera ang ataul niya at maraming tao ang makipaglibing at may tugtog pa ng musiko.Sa abuloy na lang daw babawi ang naulila niyang pamilya.

  9. Kapitan, Hindi talaga ako makapasok.Kapag pinindot ko ang comment ay walang lumalabas.

  10. Pareng Cocoy,
    Naku paano kaya ito, anong adjustment kaya ang dapat kung gawin sa admin…Try ako uli pare para maayos.

  11. Nakapirma na ako, 823. Nakita ko ang pirma ni tito Cocoy at Kapitan Kidlat. Pirma na rin kayo mga kabalen.

  12. Sana dadami pa ang magpahayag ng suporta kay Among Ed sa mga Kababayan natin na laging naka-online. Palagay ko hindi iiwanan ng mga bloggers iyang si Among Ed. At talaga namang nakakainspire ang peformance ni Among Ed sa mga data na ipinakita ni pareng Cocoy sa kanyang huling thread sa Cocoy’s Delight.

  13. Pumirma na ako sa Petition kontra sa recall kay Gov.Panlilio.Naniniwala ako na gusto talaga siyang paalisin sa pwesto para tuloy ang ligaya ng mga kurakot sa Pampanga.

    Nabasa ko nga iyung huling thread ni Cocoy tungkol kay Panlilio

  14. Hi Colegiala Girl,
    Sorry kung ngayon lang ako nakabalik.Rumaket ng kaunti ang beauty ko para may pambili ng gasolina.Panay panay na ang exposure ko dito sa entablado mo,feeling ko ay magiging regular na ako dito at maluluma na si Pokwang sa akin.Gusto ko sanang sumali sa Miss Fatrum doon sa wawee kaso flyweight lang daw ang timbang ko,kapag umabot na raw ng 175lbs ay makapasa na ako sa awdition.HIHIHIHIHI

    Saan ba iyung petition na sinasabi ninyo at ng makapirma na.

  15. Hi girls,
    We are still on the same issue. This never ending conflict in Mindanao which the government has, sorry for that, no more control? Keep writing to send the message to those in power to wake up. I like your thread on saving Panlilio from recall election.

  16. Hi tito Greg,
    Salamat at nakadalaw kayo uli. Ako’y nagagalak po at nakapirma na po kayo. Dapat lang nang tutulan pa ang mga ganitong uri ng pangigipit sa mga tunay na naglilingkud sa mga mamamayan. Mabuhay po kayo.

  17. Kimuchi idol, namiss ka namin. Salamat at nandito ka muli. Tama ka sikat na sikat ka na at medyo nagseselos na nga sina Ai Ai at Pokwang,hehehe. Nice you are back para umarangkada uli ang ating mga beauty lalo na at nadagdagan na naman ng isang taon ang kamachohan ni tito Cocoy, hehehe.

    Speaking of pirmahan hanapin mo lang iyong comment at link na pinoste ni Tito Joeseg dito. LOL.

  18. Hey Secondlady how is your socio-class? Panay daw ang banat mo doon. Ingat lang ha, hehehehe.
    You are right we can not just ignore these issues and topics. It is the future and interest of our country which is at stake here.

  19. Mer,
    Dumadami na ang mga pumipirma para suportahan si Father Panlilio na huwag nang ituloy ang recall election laban sa gobernador. Kahit dito sa Barangay Kidlatan panay panay naman ang debate ng mga nagiinuman sa tindahan ni Britney. Iyong mga dating anak ng Jueteng ay pabor sa recall, ito nang mga mason at karpintero ayaw sa recall. Kaya ito lang ang masasabi ko, saan mang panig ng Pilipinas, hindi nagiisa si Father Panlilio laban sa mga kurakot ng gobyerno.

  20. Mabuhay si Among Ed. Ipaglaban ang katotohanan at maka-Diyos na paglilingkud sa bayan.

    Pahinga muna sa pulitika at alamin nating itong silent killer na hindi lang pumapatay ng katawan ng tao kundi pati ang kanyang kaluluwa kung hindi ito maaagapan.

  21. Napakaganda naman ng blog na ito🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: