Posted by: Mer Pints | August 18, 2008

The Tragedy of Screwing the Peace Process (Ano ba talaga kuya?)

Earlier a petition filed before the Supreme Court halted the signing of the MOA-AD in Malaysia. Last Friday the highest court held oral arguments on the various petitions after a closed-door, “in chamber session” with the Office of the Solicitor General and lawyers of the various petitioners. The court scheduled another hearing on the oral arguments on August 22. The media also circulated the opinion of some magistrates regarding the unconstitutionality of the MOA-AD. They (the justices) instead suggested for the renegotiation of said agreement as the Constitution does not allow a State within a State. Another point stressed was the danger of failing to set up parameters to what extent the Bangsamoro Juridical Entity could negotiate. But the more important reason to negotiate are the Lumads (who are the real natives of the area) and the Christians who are deprived of their rights to also make a decision.

As expected, trouble ensued as a consequence of the aborted signing of the MOA-AD. MILF attacked several villages in North Cotabato and held their positions on captured territories only to be flushed out later by the relentless bombing of the Army. Not for long when things appear to normalize in most part of Mindanao, the Moro Islamic Liberation Front (MILF) rebels raided again several towns in Lanao del Norte province, looting businesses, burning homes and randomly attacking mostly Christian villagers. At least some 31 people had been killed before the rebels had withdrawn to the hinterlands of Lanao del Norte.

The President did not take the tragic incident lightly, she was outraged and called the rebel attacks as ‘sneaky and treacherous’ and in clear violation of peace negotiations. Having had enough, she said she ordered the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police “to defend every inch of territory against the MILF force.” She warned the rebels that she  “will not tolerate and will crush any attempt to disturb peace and development in Mindanao.”

Not to be outdone her cabinet men also expressed similar sentiments as that of the president.  Puno said that the government will now be more cautious in dealing with and trusting the MILF or even in talking peace.“They have to accept the fact that their inability to control [their men] changes everything,” he said. He also wants the perpetuators of the attack to be criminally held liable.

Despite the incident, Defense Secretary Gilbert Teodoro is not setting aside peace dialogues. “The value of dialogue will always be there. But parameters of dialogue should change and reflect conditions on the ground,” he said.

President Arroyo’s critics, on the other hand also used the incident to find fault instead of sympathizing with her. Senator Benigno Aquino lll accused her of possibly using the brewing conflict in Mindanao to declare martial law or state of emergency that could extend her term after 2010.

Likewise there is a growing opposition on the MOA-AD. The influential Makati Business Club is against the MOA-AD.

MBC statement said: “We oppose the GRP-MILF Peace Panel Memorandum of Agreement on Ancestral Domain because it is flawed in the process just as it is flawed in its provisions. What was lost in the process was any appreciation for legitimacy in a democracy that stems from winning consensus, including the consent of the governed. Many, if not all, of its provisions violate the Constitution, which strangely enough the Memorandum never mentions by name.”

Dimaporo also expressed the disappointment of the  residents of Lanao del Norte on the alleged failure of the ARMM to govern the region and are no longer interested be part of the expanded Bangsamoro territory.

Ano Ba Talaga Kuya.

Masama talaga ang loob ng MILF dahil sa naudlot na lagdahan sa MOA-AD kaya nanggugulo daw sila at naghahasik ng karahasan sa Mindanao bilang ganti. Marahil ika nga ay napahiya sila, kaya gumagamit ngayon ng karahasan para puwersahin ang gobierno na ipatupad ang ano mang napagkasunduan nila. Bagamat sa ngayon ay nagpahiwatig na ang gobierno Arroyo na hindi na ito interesado pa sa paglagda ng MOA-AD. Ngunit ito lang ang tanging paraan para matigil ang mga karahasan ayon naman sa mga sumusuporta sa pagsulong ng usapang pangkapayapaan, ang paglagda ng MOA-AD.

Ngunit ayon naman kas House Speaker Nograles, paano naman maisusulong ang usapang pangkapayapaan kung ang pamunuan ng MILF mismo ay hindi niya kayang kontrolin ang kanyang mga field commanders? Ang tanong naman ng mga iba, bakit wala nga bang kinalaman sa mga pagatakeng ito ang pamunoan ng MILF? Bilang namumuno ay sumusunod lang sa kanila ang kanilang mga tauhan.

Sa isang banda, kung tutuosin,  tanging si Pangulong Arroyo lang din naman daw ang dapat sisihin sa mga nangyayaring ito ayon sa pananaw ng kanyang mga kritiko. Bakit nga daw hindi, e di naman lang kinusulta ng kanyang mga peace negotiators ang mga opisyales na local at tao na apektado sa pagbibigay sa Bangsamoro ng kanilang teriroryo.  

May mga nagsasabi na lalawak pa ang kaguluhang ito dahil sa pagkaudlot ng paglagda sa naturang kasunduan. Mahihirapan na muli ang pamahalaan na himukin ang mga rebeldeng Muslim upang muling makipag-usap sa pamahalaan para sa kapayapaan. Dahil ditto mas matinding kaguluhan pa raw ang aasahan dahil wala na tawila pa ang mga rebelde sa isinusulong ng kapayapaan ng pamahalaan. Tanong naman ng mga nakakarami na ayaw sa MOA-AD, wala na bang iba pang daan tungo sa kapayapaan?

 
 
 
 

 


Responses

  1. Malaki na ang pinsala nitong kaguluhan dulot ng MOA-AD na dahil sa pagmamadali at hindi idinaan sa tumpak na konsultasyon, nagkagulo.

    Sapagkat nagkaroon na ng mga initials sa dokumento at pirmahan na lang ang kulang, ang ginawa ng mga MILF at kabig nito, nagkanya kanya na ng pagangkin ng mga lupain. Hindi nila nauunawaan na may kaakibat pang proseso. Ngayon at naudlot, siempre galit sila dahil ayon sa kanila, sinuyo, pinaasa at pinangakuan, pumalag ang maraming sektor. Malamang na hindi na matuloy kaya nagaalburot na nang husto sa ngayon.

    Media ang sinisisi ng administrasyon dahil isiniwalat daw ang laman ng MOA-AD. Eh bakit kasi nila inilihim? Bakit walang konsultasyon?
    Wala na, gulo na ito. At sino ang maysala?
    Your perception and answer is a good as mine.

  2. Headline sa Abante: Massacre, Bombings, Sunugan

    Ilang dosenang mga sibilyan rin ang inulat na pinatay at nasugatan sa nasabing paglusob ng mga rebelde sa bayan ng Kolam­bugan, Bacolod, Maigo, Tubod at Kauswagan sa Lanao del Norte.

    Inatake rin ng MILF ang ilang barangay sa lalawigan ng Sarangani at Sultan Kudarat.

    Sa pinagsama-samang ulat, tinatayang 33 sibil­yang residente ng mga inatakeng bayan ang nasawi samantalang may tatlong sundalo namang naiulat na napatay sa panig ng government forces.

  3. Karumaldumal ang mga sumusunod na pangyayari. Nakahambalang ang mga bangkay. Narito ang kabuuang report:

    http://www.abante.com.ph/issue/aug1908/default.htm

  4. Ang nakakaawa Tito joe pati mga batang walang kamuwangmuwang pinagtatag, pinagbabaril. Sabi ng ng iba ay tanging mga hayop lamang ang nakakagawa ng ganitong karumaldumal na krimen. Feeling ng mga MILF trinaydor sila ng gobierno sa hindi pagpapatupad ng kasunduan. In the first place sino ang mga nakasundo nila? Bakit itong mga sibilyan pa ang napagdiskitahan. Ano ang kinalaman nila sa nabigong kasunduan. Dapat hindi sila lubayan ng mga pulis at militar hanggang hindi nahuhuli at maparusahan sa batas ang mga MILF na iyang kabilang na si Kumander Bravo. Ito’y damdamin ng mga nakakaraming tao.

  5. May nabasa akong isang comment sa isang forum. Stop blaming daw si gloria sa pangyayari. Parang sumambulat sa mukha ng nagposte noon dahil halos nagkakaisa na lalo nilang tinuligsa ang administrasyon sa kapalpakang ito. Akala kasi ay makakalusot. Hindi nila akalaing papalag ang nakararami, hindi lang ang mga Kristiano sa Mindanao kundi iba ring grupo ng Muslim.

    Kahindikhindik ang sinasapit ng mga inosenteng sibilyan.

  6. the idea of this agreement is already a threat to the government.

    GMA is already using the situation for federal government.

    its just that mas mautak mga muslim dahil nahanapan nila ng butas kaya ayan nagblablack mail sila sa pamamagitan ng dahas.

    this will be a never ending story i gues

  7. Sabi ng MILF chief negotiator, hindi raw titigil ang mga iyan sa pagatake hanggang hindi nila nakakamit ang kanilang objective, ang pirmadong kasunduan para sa MOA-AD. Kapal talaga dahil sabi ng spokesman ng MILF ay hindi raw nila tinotolerate ang ganitong gawain. Pero sino kaya ang nagutos sa kanila na maghasik ng lagim para pirmahan ang kasunduan, ang mga multo?

  8. Are we Filipinos worth dying for?
    When we speak of great souls or great leaders, surely everyone will raise eye brow as real leaders are becoming gradually rare. But, one name shines like eternal glittering star in the sky in the Pearl of the Orient as the rooster crow to give the signal of dawn, and that is late Ninoy the spark plug of EDSA.

    The slay of the late Ninoy is considered as the turning point in the hard-fought battle of Filipino leaders like him to regain our country’s democracy from the shackles of two decade-long of martial rule imposed by the late Ilocano Apo Lakay. But ,his sacrifice to restore our country’s democratic institutions seemed to have been only the dream of Filipinos are worth dying for. Our country still suffers from grave social disparities and the increasingly opportunistic behavior of its political-economic elite.

    Gloria’s immensely corrupt regime has destroyed a once democratic loving people country, leaving behind only the stench of decay.Right from her inauguration address as the president of our country, she has consistently pledged amongst many others to run a government , But as her regime’s days roll by and things unfold it is becoming obvious that those pledges were made merely to deceive Filipinos into accepting her, a woman who was fraudulently rigged into the highest office in the country by the worst President Philippines ever had.

  9. Pahabol joke only.

    Si biyenan naman ang nakausap ng kaibigan kong Hapon.
    Hapon: You know Ninoy Aquino?
    Biyenan: Yes, the father of Kris and the late husband of cory.
    Hapon: Of course we know that, he is also the rate grandfather of baby James… what I mean if you berreb him as hero?
    Biyenan: That is what they say, but my favorite hero anyway is Rizal…
    Hapon: Aaa, Rizarre yah monument Luneta ha?
    Biyenan: Yes, the author of Noli ang Fili, and he has a Japanese girlfriend.
    Hapon: Hahahaha, funny you (Napatawa ng malakas)
    Hapon: What about Aguinaldo and Bonifacio?
    Biyenan: That’s where the military brought Ninoy before…
    Hapon: What?
    Biyenan: Time for eating eating now, do not ask anymore.

  10. Tinanong ko ang aking binatilyo na si Magdiwang, alam mo ba kung bakit walang pasok kayo ngayon? Oo sabi niya, Ninoy Aquino Day. What do you mean ang tanong ko uli. Dad naman, heroes need one day to be remembered ang sagut niya.
    Medyo nasaktan ako ng kaunti dahil idol ko si Ninoy noong araw at hanggang ngyon na tinitingala pa rin bilang isang bayani sa kanyang paninindigan.
    Ikaw ba ay naniniwala sa mga ipinaglalaban ni Ninoy noong araw, ang muli kung tanong. Sagut naman, kahit ngayon kung buhay pa si Ninoy ay siyang mangunguna sa EDSA para magpeople power. Napangiti ako ng kaunti. Hirit uli ang tatay, paano na kung hindi namatay si Ninoy. Ano nan ang naging kalagayan ng ating bansa?
    E di walang international airport. E siguro di mas mainam pa ang ating buhay kay sa ngayon. Namatay lang ang bayani ngunit hindi ang kanyang mga ipinaglalaban–nandiyan pa rin ang korapsion, ang pagsasamantala ng mga nasa kapangyarihan, at hindi maampat na kahirapan, ang kamaganak system sa gobierno, ang labis labis na pamumulitika at kawalang prinsipyo ng karamihan sa ating mga pulitiko, at ang mailap ng kapayapaan sa Mindanao

  11. Malacañang announced Tuesday a 5 million peso reward each for the arrest of Moro Islamic Liberation Front (MILF) commanders who allegedly instigated recent deadly attacks in North Cotabato, Lanao del Norte and other areas in southern Philippines.
    From ABSCBN news-on-line,
    Security officials, led by Defense Secretary Gilbert Teodoro and Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, announced that charges are being filed by police against Commander Ameril Umbra Kato, head of the MILF 105th Base Command leader, and Commander Bravo, head of the MILF’s 102nd Base Command in Lanao del Norte.

  12. Kuya kutsara ihanda mo na ang iyong pala at may 5 milyon na pabuya sa ikahuhuli nina Kumander Bravo at kumander kuto, este Kato.

  13. Hanggang sa ngayon na nakakulong na at unti-unti nang nangamatay ang mga naakusahan at naparusahan sa pagpaslang kay Ninoy. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung kaninong daliri ang nagturo upang patayin si Ninoy. Kahit ang pamilya ni Ninoy ay handang magpatawad basta ituro lang ang mastermind as pagpatay kay Ninoy. At hanggang ngayon ay ni walang naglalakas loob upang ituro kung kaninong daliri ang siyang nagturo para barilin sa ulo si Ninoy sa tarmac.

    Hindi pa rin malinaw kung kaninong daliri ang kumalabit ng .357 Magnum na siyang kumitil sa buhay ni Ninoy. Si Galman ang itinuturong kumalabit sa gatilyo ngunit hanggang sa ngayon fall guy pa rin ang turing sa kanya, maging ang pamilya Aquino?

    Sino nga ba ang pistolero? Kaninong makating daliri ang kumalabit ng baril upang patahimikin na si Ninoy at nang maisakatuparan na ang salitang binitawan, the Filipinos are worth dying for?

    At huwag naman sana malisioso ang iba. Hindi po si Lolo Greggy ang may gawa niyan. Ni lamok ay hindi niya maaring sampalin kung ito ay nakadapo sa kanyang ilong. Hindi po makasalanan ang kanyang mga daliri. Hindi po ito kumakalabit ng gatilyo ng baril at pumatay ng walang kalaban-laban. Oo ang nga naghahatid sa glorya ang kanyang dakilang daliri ngunit iyan ay upang paligayahin lamang ang kanyang mga minamahal.

    No way, not his goldfinger may be so sinful to bring Ninoy to Heaven. Ang sino mang ihinahatid ng kanyang sampong mga daliri sa Langit ay bumabalik pagkatapos malasap ang walang kasing sarap na luto ng langit.

    Please don’t look at his fingers now. Not even his dirty finger which you may think it stinks. No, by all means let us spare Lolo Greg from suspicion. He did not pull the trigger. Ang markadong daliring iyan ay inosente sa pagkamatay ni Ninoy.

    Let us give Lolo Greg a smart salute for keeping his goldenfinger free from crime, we can not smell anything unusual but the aroma of his innocense. Let us say hurray to that wonderful finger of his… Greg’s goldenfinger is for life, and life has to be made happy and heavenly on earth!

  14. ateng! sa totoo lang! ba’t nakikipag-negotiate ang mga yan sa MILF eh ginagawang pira piraso ang mga kristyano? wez ako believe na peace loving ang mga yan! kalungkot yong mga news na nababasa ko – sinunog mga bahay, minasaker mga tao dun, anong kasalanan nila?

  15. wala atang konsepto ng kapayapaan ang mga muslim eh.. kakaloka

  16. Kamahalan, yhen,
    Ito ang mga taong walang puso, walang kinikilalang gobierno kung hindi ang kanilang personal na interest. Wala sa kanilang bukabolaryo ang salitang kapayapaan.

  17. Pinaglalaruan lang nila ang mga buhay ng mga inosenting tao dahil lang sa mga isinusulong nilang pansariling agenda.

  18. I watched Reporter’s notebook last night and saw the gravity of the situation in Mindanao. It is indeed heartbreaking.

  19. Tutoo iyan Kat, at aasahan natin na mas marami pang kaguluhan at pagpatay ang ating mababalitaan sa mag susunod na araw.

  20. 5 milyon lang kasi ang pabuya sa mga makakahuli ng alive or dedbol sa mga MILF commanders, hindi kakagatin ng mga kasamahan ni Bravo at Kato yan. Tsikin pid, ika nga. Gawin ng administrasyon tig 100M, papatusin yan kahit ng mga dehard followers nila.

    Teka, wala tayong nababasa na suportado ng US ang mga pagtugis sa grupo ng mga namaslang na yan. Parang tahimik sila.

  21. Dapat dolyares ang pinaguusapan para wala pang isang araw dedbol na ang mga wanted, hehehe.
    Nakakahiya naman, payat, at hindi magandang dahilan para maghudas.

    Tito ang US ay wala namang sinasabi tungkol sa pagtugis ng mga rebelde? Suportado ba sila ng US para sa kasunduang MOA-AD?

    Aba, makakahirit muli sila para magkaroon ng panibagong base militar ang US sa Pilipinas. Kung ganito nga ang kanilang binabalak.

  22. Ilang kolumnista ang sumulat na ang US ay nasa likod ng naudlot na MOA-AD. May vested interest daw ang US dahil gusto nilang muling makabalik sa teritoryo ng Pilipinas at magtayo ng base katulad ng sa Clark Airbase or Subic. Ito ay dahilan sa namimintong away nila against China who’s now growling and howling with their progress and ready to tangle with the western powers.

  23. Nabasa rin natin ang oil deposits of an estimated $500 billion sa lugar na nasasakup ng ancestral domain na interesado ang US. Nabasa lang natin yan at puro theory but there might be some truth to it. Why the presence of US soldiers in Mindanao in the guise of Balikatan exercise? Ilang taon na sila dun? They were never attacked by MILF or MNLF. One recent article says that an airport was built by US somewhere in Mindanao. Some intriguing news, indeed.

  24. May alingasngas noon na isa sa mga lugar na tinitignan ng US ay ang General Santos City kung saan ang kanilang karagatan ay malalim, mainam para sa kanilang mga barko at submarine. Nais din daw barahan ng US ang mga lugar na maaring pagkukunan ng China ng napakalaking supply ng langis dito sa Pilipinas. Medyo may kalaliman ang laro at ikinikilos ng US sa crisis na nararanasan natin ngayon sa Mindanao dahil sa naudlot na kasunduang MOA-AD. Pero iisa lang ang tinutumbok, ang makabalik muli sa Pilipinas ang kanilang base militar to check the military might of China. Hindi po kaya?

  25. Gloria Arroyo outbursts, nasa youtube na.
    From Abante: http://www.abante.com.ph/issue/aug2108/news06.htm
    (Hindi raw totoo na may inihagis na laptop)

    Here’s the youtube links:

  26. Another coverage of GMA’s outbursts:

    http://www.jovefrancisco.com/?p=725

  27. minsan iniisp ko talaga kung peace process ba ang kailangan o all out war.

  28. Tito Joe,
    Mataray talaga!!!!!!!

  29. Baka nga may katuturan iyang naiisip mo prinsesamusang. Pasasaan nga ba kung hindi darating tayo diyan kapag ipinagpipilitan ng mga MILF ang gusto nila. Salamat for joining us in the discussion.

  30. martial law na lang… naisp ko lang ha, ano kayang mangyayari if hindi natapos ang martial law noong panahon ni macoy? wud it be the same situation as now? hehehe

    naisp lng nmn

  31. Aba di hamak na mas maunlad na tayo ngayon dahil sa mga development programs ni Marcos na kung saan ay maging energy self-sufficient sana tayo.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: