Posted by: Mer Pints | August 6, 2008

Deal or no Deal, Nandiyan na ang Giyera (Giyera Patani?)

If we were to believe vice-governor Pinol there is a brewing armed conflict going on in Mindanao, particularly North Cotabato. But this time it is not between the “restrained Armed Forces” and the MILF. It is an MILF-armed civilian conflict if unabated may escalate to the entire region. With a greater majority of the people (not necessarily Christians) resisting the inclusion of their territory to the Bangsamoro Territorial Domain, aren’t we seeing a resurgence of another armed conflict in Mindanao just like in the 60’s or 70’s?

But with the Moro Islamic Liberation Front forces already attacking communities in North Cotabato, and with the military not doing anything about it because the provincial officials are against the Memorandum of Agreement on Ancestral Domain, where will this go? Aren’t the affected communities have the right to bear arms for self-defense?

Kailangan bang Mag-armas na at Lumaban?

Kung si vice-governor Pinol ang tatanungin hindi na maiiwasan pa ng mga civilian ang hindi magarmas at lumaban. Ayan at inaatake ng ng mga MILF ang kanilang lugar, ngunit hindi gaanong kumikilos ang militar upang ipagtanggol sila. Ayon sa kanya, inatake di umano ng mga MILF forces na pinamumunuan ng isang nagngangalang Amiril Umbracapo ang Barangay Baliki sa bayan ng Midsayap.

“A lot of homes have been burned down. Livestock were taken and crops harvested by the rebels and yet the Armed Forces has maintained what they call active defensive stance,” ang sabi ni Piñol.

Dahil dito ay pinagsabihan na rin ng vice-governor ang mga tao na ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Marahil ay dadanak ditto ang dugo at may mga mamamatay ngunit kailangan ang magsakripisyo.

Ang Panakot ni Esperon

Sabi ni Piñol bago pa man daw ibaba ng mataas na korte ang temporary restraing order (TRO) ay pinagbantahan na daw siya di umano ni Presidential Adviser on the Peace Process na baka magalit dito ang  mga MILF kapag naibaba na ang mando ng korte.

“’Pag na-TRO kami diyan, bahala na kayo sa sarili ninyo. We are not going to sacrifice the lives of the soldiers to defend you,” ang kuwento  ng  vice-governor sa sinabi sa kanya ni  Esperon sa kanyang pribadong pakikipag-usap sa dating Armed Forces’ chief of staff.

Astig ang dating ano po. Kaya naman naghinala tuloy ang vice-governor, na di umano’y hindi gaanong kumilos ang mga militar upang ipagtanggol ang mga tao nang sila ay salakayin ng mga rebelding MILF.           

“[Esperon’s] statement is giving credence on what is happening on the ground,” dagdag pa ni Piñol.

Ang Drama mo Naman !

Kung ating pakikinggan naman si Press Secretary Jesus Dureza sa nagging kasagutan niya sa sinabi ni vice-governor Pinol, masyadong pinalalaki lang nito ang isyu.

“It looks like it’s exaggerated to do some drama, maybe to get the people awake,” a ni Dureza. Masyado naman daw puno ng espekulasyon ang sinabi ni Pinol tungko kay Esperon at sa mga militar.

Sabi nga niya ay imposible daw na hindi kikilos ang mga militar kung nanggugulo na ang mga rebelde. At sabi pa niya: “Would you believe Piñol that the military will not do a thing to protect the civilians?”

Pinagsabihan tuloy ng sekretaryo na sa korte niya ipaglaban ito, legal action against MOA-AD, at hindi paga-armas. “Filing petitions at the Supreme Court, that is the way to do it,” ang banat ni Mr. Secretary.

Namumulitika lang ba si Pinol?

Huwag naman daw siyang sabihing namumulitika. Sabi nga ng bise-gobernador na nakataya dito ang kanyang political career dahil lang sa kagustuhan niyan pigilin ang Malakanyang sa deal na ito sa mga rebeldeng MILF. Inaawitan pa nga daw nga mga oposisyon magmula nang kanyang tuligsain ang Malakanyang sa usapang ito.

“I’m not politicking. Ito ay totohanang pakikibaka upang pakinggan ng gobyerno ang tinig ng mga taga-North Cotabato,” sabi ni Piñol.

Deal or no Deal?

Samantala ay nilinaw naman ni Dureza ang tungkol sa pahayag ng MILF na tapos na ang usapan at kailangan nang ipatupad ang MOA-AD; hindi pa raw “done deal” dahil pinigilan pa nga ng Kataastaasang Korte ng bansa ang pagpipirmahan dito.

“That is the position of the MILF, but we have processes. The Supreme Court will make that ruling,” ang linaw naman ditto ni Dureza.

Pero ayon naman sa pahayag ng MILF noong martes, nagkasundo raw ang dalawang peace panels na manahimik muna, and would “refrain from acts that would defeat the object and purpose of the agreement.”

Mahaba-haba pa ang usapang ito, pero paano na kung biglang uurong ang gobierno ni Pangulong Arroyo dahil ang mas nakakaraming tao ang pakikinggan hindi ang MILF. Hindi kaya image building lang ng pangulong Arroyo ang  komplikadong usaping ito? 


Responses

  1. huwat??? may gyera na? world war na ba ito?? haaysh!!!

  2. yhen tapos na ang world war 2, giyera ng hangin lang ito, hehehe.

  3. Gusto ko adobong patani, iyong giyera ayaw ko. Pray na lang tayo mga kababayan na sana hindi na muling bumalik pa ang nakakapangilabot na Mindanao armed conflict noong araw.

  4. I don’t believe that this will lead to civil war. Malaysia and US do not want this to happen as it is with the Philippine government.

  5. I have yet to hear or read Vice Governor Pinol say something about gloria arroyo on the MOA-AD imbroglio. He’s an avid supporter of the administration and was among the advocates of the People’s Initiative. He was among those who are quick to defend gloria arroyo inspite of the shenanigans in the government. Now that his turf is in peril and his constituents on the run because of the marauding MILF, frustrated by the Supreme Court move to stop the MOA-AD signing, all what Pinol is doing is to announce the grave situation in his province. Nary a word tfrom Pinol o point out the brain behind the move that’s now the cause while we’re on the verge of a full blown conflict.

  6. As I read somewhere, the ARMM election is going to be a bloody one. At bakit nga ba hindi? The MILF would like it postponed ant perhaps, gloria arroyo assured them that it will be, because of the seemingly assured position that the signing of the MOA-AD will push through, unhampered. Biglang may nagpumiglas. The public suddenly was awaken from a deep slumber that while they’re sleeping, negotiation to create a separate state within a state was on the works, not even the public, concerned government officials and solons in the covered area were given a hint on what’s going on. According to a senator, such dastardly act by gloria arroyo is nothing but treason!

  7. If I were Pinol, to show his sincerity on what he’s fighting for now, he should denounce the despicable acts of gloria arroyo and esperonn and show his consternation by cutting his the ties with the administration once and for all. Forget the perk and funds he’s getting from Malacanang. Be true to himself which he used to be one when he was an admired journalist.

  8. xb ko nga…

    ano nga kaya mangyayri sa Pilipinas kung natuloy na ang ancestral domain na ito?

    wel ngayon palang na d napipirmahan eh nagkakagulo na ano pa kaya kung natuloy di ba?

    kawawa nmn mga civilian na taga dun na talaga.

    haaysh… kawawa tita ko…

    kelangan na nating magdasal.

  9. Headline news at this hour:

    MILF given 24 hours to leave areas ‘forcibly’ taken in ARMM

    It’s reported that some 800 members of the MILF had reportedly “forcibly” occupied several ARMM towns, including Aliosan in North Cotabato

  10. In statement, North Cotabato Vice Governor Emmanuel Piñol said in the rebels’ attempt to force them into agreeing to the terms and conditions of the aborted signing of secret Memorandum of Agreement, MILF leaders have unleashed their armed troops to attack civilian populated areas.

    “Fighting has started in at least four areas—Pigcawayan, Libungan, Midsayap and Aleosan. There are also reports that rebel troops are massing in several areas in Pikit, North Cotabato. This is an old MILF strategy. If they do not get what they want, they use their guns and bombs to terrorize us,” Piñol stressed.

  11. I am not sure what contingency plan has Malacanang to deal with this problem. I am not only concerned with the MILF, what about the MNLF. Do they still have the number, the resources, and specifically the armamanents to be an another force to reckon with?

  12. Wala pa tayong nababasang contingency plan dahil hilong talilong sila sa nangyayari dahil sa public outcry. Pero ito ang aking dagdag na una kong ipinoste sa Kdilatan Village:

    Tahimik pa si Misuari dahil nakalabas na. Pero silent water runs deep ika nga. Sa tantya ko, nagiipon lang ng pwersa at tiempo yan pero maglalahad din ng kanilang claims. Alamin natin, ang MILF ay splinter group lang ng MNLF at sasabihin nila, kung yung dati nilang kasama at hindi orig na grupo pinagbigyan, bakit hindi rin sila pwede to be accorded with their long time request for self governance.

  13. Hi girl,Oks na oks iyung resipi mo sa kapehan ni Cocoy.Alam mo nakukunsumi na ako d’yan sa gulo sa Mindanao,pinapainit lang ni Arroyo ang tension at pinapaikot,tinatakot ang mga mamamayang Pilipino para mayroon siyang dahilan na baguhin ang konstitusyon.Palso na ang ganyang pakulo,bulok na style na iyan.Matagal ng nagkakagulo sa lugar na iyan panahon pa ni Marcos at kahit na sino pang susunod na presidenti ang mauupo sa arinola ay wala ng pagbabago sa lugar na iyan.’Clash of the Clan” ang ugat ng kaguluhan d’yan dahil mahihirap at under educated ang mga tao d’yan.Kontrolado ng mga ilan-ilan na mayayaman at mga bataan lang nila ang nagpapatayan at nadadamay ang mga walang malay ng ordinaryong tao.

  14. Kapag hindi kinagat ng tao ang pinakukuluan ni Esperon at Arroyo,huhupa at lalamig ng bigla ang tension.Niloloko lang nila tayo.Papayag ba naman ang ibang karatig bansa na mahahati ang Pilipinas lalo na ang America.Panaginip lang ni Arroyo iyan na ginaya kay Kimuchi.HIHIHIHIHIHIHI!

  15. Korrek ka diyan idol… sinong gago, I mean guwapo ang gustong magkawiyahiwalay ang Pilipinas? Hiwahiwalay na nga geographically, tapos gawin mo pang political. No way, hehehehe, because it is not a highway.

    Siya nga pala idol, galing mo talaga…hot na hot na ang mga Manoys sa CD.
    Anyway ang resipi nating ay puweding iserb sa mga Peace Panel nang sila naman ay masarapan habang nagdedebate, he-he-he.

  16. Magaling talaga si Kimuchi. Bilib ako.

    Mahirap makapag blog ngayon sa CD dahil baka maiba ng topic hindi mapansin. kaya ako dito na muna ako namamasyal paminsan minsan.

  17. Maiinit na usapan tungkol sa sex ang inumpisahan ng ating star.

  18. We are not expert on anything but just with a simple mind to conclude that the MOA-AD is a sellout to the MILF. And it will lead to a giyera patani as feared by pundits and the man in the streets. As we could read now of accounts of the MILF taking over towns and villages and the the population taking up arms to defend themselves, in the matter of days, this will be a full blown conflict.

    Simple lang ang dahilan. The government panel under the wand of Gloria Arroyo seems to have forgetten that most wars, simula noong unang panahon at magpahanggang ngayon, started from territorial disputes.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: