Posted by: Mer Pints | July 31, 2008

The Textbalang Story–text my load baby

The Philippines is the text capital of the world according to whom it may concern… Filipinos are hooked to texting because of the need to communicate, to share their thoughts, their feelings, and to give instructions to so many thing like putting the baby’s diaper, fastening condoms, etc. Cellphone companies and snatchers are also profiting from this business. Service providers like Globe, Smart, Sun cellular, etc are raking money from this business. Very Good. But the subscribers have to pay the price of indulging in this kind of technology: the high cost of texting, load eaten up by spam/promos, etc. And even the handsome policemen have to keep a watchful eyes to the robbers who prey on people texting everywhere. The government on the other hand has to monitor also cellphone shops selling fake and even stolen cellphones. But how abour the service providers, are they exempted from the watchful eyes of the government? Just asking.

Text my Load Baby, ha!ha!ha!

At ito ang naging problema ng mga Textbalang sa Textalandia (mundo at kaharian ng mga high tech na Tikbalang), na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na nararamdaman at umaagos sa kanilang mga “organs” na parang dyingel. Gusto ng mga Textbalangs na tanggalin na ang VAT sa kanilang pagtetext upang hindi magastos at nahihirapan na silang tustusan ang kanilang mga bisyo.

Ngunit sa likuran ng mga reklamo ng mga exploited na Textbalang, dedma lang ang mga cell service providers na kumpanya. Panay pa rin ang pa-promo nila sa mga networks, sa show ni Wiwi ng WiWiWi, at ang show nina Texto, Vic-de-tex, at Joey-itextexmo na Eatmutako. Dito kasi mahilig manood ang mga Textbalang local and abroad. Ang resulta marami pa rin sa kanila ang naluluka sa mga papromo… Hindi lang iyan, pati ang mga networks ay nakikiluka rin sa mga ganitong promo tulad ng text mo lang day ang gusto mong manatili sa bahay ni kuya at manay; save mo manoy ang gusto mong idol; at text mo ang gusto mong bida sa Bangongot Academy,etc. Aba katakot-takot na pera din ang nawawala sa bulsa ng mga Textbalers sa Textalandia sa mga ganiton shows. Pero wala pa ring kadala dala ang mga fans dahil gusto rin ng mga ibang Textbalangs ang magtapon ng datung.

At dito naalarma ang mga Obispo ng Textbalang Church. Sa halip na sa simbahan, este sa Textbalers napupunta ang pera sa mga abusive pang service providers na traktora na ang ginagamit sa pagwawalis ng kadatungan nila. Kaya panay naman ang extortion na ginagawa ng mga kakosa ni ka TextRoger ng kabundukan. Kaya si Textbalang General ay nagkakaproblema din kung papaano niya protektahan itong mga cell sites na binobomba ng mga no permanent address na Textbalers. At naririndi na rin ang pandinig ni Major Problem ng Tikbalang Natural Police sa katatawag ng mga Media upang magpaliwanag lalo na kay Text Faylong, at Koritex Santex.

At the more na nagulo ang mga tulirong Texbalers nang magsalita sa SONATA si Pangulong Textmeglow at ibalita na ang bayad na lang kada text ay singkwenta sentimos, Tikbalang currency. Dahil dito natuwa ang buong Textalandia at nagtatalunan ang mga texters na tikbalang. But the celebration of joy and gladness was cut short, ladies and gentlemen–it was only a promo.

Whaaaaaaattttttttt, nagkagulo na ang mga manays at manoys… Halller, April fools in July of the Tikbalang Calendar? Mi iyak, ang naging reaksion ng mga college girls and boys na Textbalers. Akala nila ay makakapagtext na sila ng todo todo to make ligawan with one another. Explain naman ni Sir sa Malatikbang, huwag naman kayo magalit. Feel lang ni madam ang makatulong sa millions of cellphone users… Waepik, galit pa rin ang mga Textbalers. That one day promo is an aspiration of the people for a low calorie diet, este low texting cost. Pero may sumigaw, tanggalin, tanggalin… Ng alin, ang tanong ni Sir, brief ko hindi ako nagsusuot noonAng VAT gunggung at nang bumababa naman ang cost of texting ang sigaw ng mga aktibistang Textbalang.

Sa ngayon ay naguusap-usap ang mga Textbalang authorities and businessmen kung paano ibababa ang cost of texting. Sa Textbalang Congress naman ay pinaguusapan na kung paano tatanggalin ang VAT na hindi nagagalit ang Tikbalang wrestler na si VATExta. Matunog ang mga balitaktakan magmula CR ang mga babaeng yuppy ng Makatext at Ortextgas hanggang sa mga gay bars ng mga Textbalang sa Cebutexta at Davaoatext. Kung ano ang kahihinatnan nang usapin ito nasa inyo na mga Textbalang, pero kung makisawsaw dito sa usapan ang mga taong Pinas, askal na maiingay, unggoy sa Africa, mga piranha ng Amazon, mg tigre sa India, Gorilla ng Indonesia, at mga elepante ng Thailand, Thai will be done.

Ano junior ang moral of the story? And to you mareng Poly what is the pleasure of/from your fingers? To text or not to text, that is the question. 


Responses

  1. Sure, text you later. Nice story to a struggling economy. See you girl.

  2. Inarkila ni Kapitan ang aking alindog at kaseksihan para rumampa sa kanyang barangay at ang panty ko raw ang gagawin nilang pamalit sa larawan ni Gloria Arroyo doon sa bulwagan ng kanyang session hall.Kinansel ko ang iba kong entourage sa probinsya para pagbigyan siya dahil ang sabi niya sa akin for “Good Cause” lang daw ang kanyang sinimulang kawanggawa at may mga special pa raw siyang mga bisita na mga sponsors niya sa kanyang proyekto,Dahil isa rin si Cocoy na sponsor sa kanyang schoolarships at maraming studyanti na nakakapag-aral ng dressmaking,cosmetology,home ecananay at mga OJT sa street sweeping ay pinagbigyan ko.

    Excited na ako at umarkila pa ako ng convoy para attraction ang aking pagdating,taliwas sa inaakala ko na naligo na ang mga binata doon at ang kanyang mga tanod para mag-paimpress sa akin na mga pogi sila ay iba ang isinalubong nila sa akin,lasing na silang lahat, nagtatalo at naghahabulan ng itak.’Out Control” baga at hindi nagamit ni Kapitan ang kursong seniminar niya sa PNP na “Crowd Control” Dahil siya lang at ang sekretaryo niya ang naka helmet na may hawak ng tungkod ng bintana.

    Mabuti at dumating ako kaagad bago pa dumanak ang dugo dahil sa Punyemas na SONA ng Lolang sinungaling na bumaba raw ng 50 cents ang text messaging,mga kontra at maka administrasyon ang mga taong may cedula doon sa Barangay ni Kapitan.Hindi sila solido.Nanalo nga raw si Kapitan sa mahigpit niyang katungali na minamanok ng Administarasyong Arroyo dahil nagkasakit ng katarata si Bedol at nilagnat naman si Garci kaya hindi umubra ang “Dagdag-Bawas” at si Kapitan talaga ang lihitimong nanalo.Dahil malakas ang hatak ng pera,pina squat ni Kabayan ang mga tao sa barangay niya na naging biktima ng demolation sa tabi ng Riles dahil daw sa North Rail project.

    Ng Naghubad na ako ng panty at bra nadaig ko pa si Pakyawa na tigil trabaho at tigil pasada para panoorin lang ako. Ng inihagis ko na ang aking panty ay biglang nag-anunsyo si Kapitan na bibigyan daw niya ng tatlong kilong NFA rice iyung nakasalo para iakyat sa entablado.Habang umaakyat sa entablado ay sinabayan ng tugtog na Cha-Cha at medyo natagalan dahil nagsayaw ba naman ng urong-sulong at marami pang ceremonya. Ng officialy idisplay na ni Kapitan at tinangal ang malaking larawan ni Gloria na nakakwadro ay sinabayan pa ng paputok ng kwitis at palakpakan ang mga tao, nagtatawanan,nagyakapan at doon ko nakita sa lugar ni Kapitan na napakarami palang mga bungal.HIHIHIHIHIHIHIHIHI.

  3. hehehe…

    text text nalang gurl… wahehehe!!!

  4. Hey you sis, ang ganda ng sinulat mo ngayon. Till now pinagiisipan ko pang iniisa-isa.

    Psst. ayan na ang ating star na si Kim…

  5. What a performer, what a show… Bravo, Bravo. Next time sa TV na kita nakikita na kasama na ng mga batikang komedyante. Nice fiction story. Thanks for sharing.

  6. Hehehe buti na lang di na ko addict sa tekst….kundi sisigaw ako ng rebolusyon rebolusyon! sagot sa patuloy na pagtaas ng langis…este tekst…saka ng malupet na EVAT…ibagsak ang mga salot sa lipunang pinaghaharian ng tekst!

    Salamat sa pagbisita…danda pala ng blag mo!

    Isang bagsak sayo kablag!

  7. Salamat manilenya, welcome na welcome ka dito.

  8. Har! Har! HAR!

    Tinamaan ng lintext! Talagang nagulo ang sangrekwang texters sa Texlandia nang ipagmayabang ni glotext macapaltext arrotext sa sa SONATEX na 50 centext na lang per text pero nanlolotext lang pala ang lintext.

    Ayun, inadmitext na promotext lang pala at con todo sa pagtitext ang mga aliporestext upang isalba ang another telling a lie ni glotext. Sa next surveytext ng SWStext and PULSEtex, simplistext ang resulta nito, pupulutin na sa putext. Butatext!

  9. Muli ka palang bumisita sa aming maralitang bayan. Maraming salamat.

    I can claim credit for establishing the housing project which from which I was accorded appropriate recognition from the municipal government. Bale ako ang nag initiate noon, was the project manager and personally attended to its construction up to raffling it off to selected beneficiaries who are Pagibig members. Altho it’s a low cost housing project, it stood the test of time and what’s in the picture taken few months ago is its present state, very much livable after 23 years.

  10. You are welcome and salamat din po. Sinasabi ko na nga ba. Matalas po ang aking pakiramdam sa mga ganitong bagay dahil sa naging experience ko sa community development. I Know you have something to do about it. Mabuhay!

  11. when i am in manila, para akong neandethal pagdating sa teks kasi nga ayufff ever ang mga pinoy talo ang mga olympic gympinalistik sa teks nalu-lula ako!

    pero kahit nga na wala akong preschooling sa teks, natuto din althoug biggest expense ko talaga sya anak dahil everytime na me nag-teks saken from manila – may i tawag ko na lang ever hehehe

    in any case, NALOKO KA ANO?! hahahaha! ansaya saya saya saya!

    APRIL FOOLS ATENGS! APRIL FOOLS SILANG LAHAT PATI NA PUMAPALAKPAK HAHAHAHA

  12. Naku kamahalan naloko tayo nitong bagsak presyo per text na fifty centavos. Isang day lang pala, hmmmm.

  13. nanaginip ako kagabi at ishare ko sa iyo.

    Nagpunta ako kunyari doon sa manawag para maghugas ng mga nagawa kong kasalanan,napabalita ang simbahan na iyun sa buong mundo na pinakamaganda.Pagdating ko roon ay napakahaba ng pila at 40 days akong naghintay para makapasok sa simbahan,makitid ang pinto at single file lang ang pila papasok sa loob.Nakasunod ako sa pila ng mga kongressman,senators,at sa unahan nila ay si Presidente at ang kanyang mga gabinitees,feeling honor ako dahil ang mga sinusundan ko pala ay mga bigatin.Isa-isa na silang pinapasok ng tanod at pinaghubad sila ng sapatos,nagrereklamo sila at ipinagmamalaki pang “bakit hindi mo ako kilala?” Pero ang sabi ng tanod “Bakit sino ka ba? kung ayaw mong maghubad ng sapatos ay huwag kang pumasok.”Dahil katulad ko 40 days silang naghintay at napilitan na ring maghubad.

  14. Ng ako ng ang papasok sa pintuan ay hinubad ko na ang aking high heels na sapatos.Tinanong ako ng tanod bakit daw ako nakayapak.Ang sabi ko naman ,hinubad ko na para hindi mo ako mapagkamalang asawa ni Drilon.Sabi ng tanod.”Isuot mo” Aba’y special treatment pala ako dahil na rin siguro nagkaroon ng crush ang tanod sa akin.

    Pagpasok ko nakita ko na napakintab at napakadulas ng sahig at walang mga upuan at malayo ang hahakbangin bago makarating ng altar.Nagtaka ako at naitanong sa sarili “Nasaan na ang mga nauna sa akin,nawala na parang bula”.Napansin ko na iyung kongressman sa distrito namin habang siya ay naglalakad papuntang altar ay bigla siyang nadulas una ang puwit at umislade sa may kaliwa at gumulong at biglang nawala.Ganoon din ang isang senador nadulas din at umislide sa bandang kaliwa.Mayroon isang matandang babae na mahaba ang nahakbang halos maabot na niya ang altar ng biglang nadulas napaupo at umislide sa kanan at nawala,napansin ko puro pakaliwa ang punta ng mga nadadapa,at mga ilan-ilan lang ang napupunta sa kanang bahagi.

  15. Ng tumawag na ng “Next!” ang tanod na napakaguapo at napakamacho,napasigaw ako ng “ME!”
    Sabi sa akin– O sige maglakad ka na papuntang altar ng nakasapatos.–Sagot ko naman “Pero Pogi kailangan tangalin ko ang aking sapatos para hindi ako madulas.Ang sagot ng Poging tanod sa akin.’Si Jesus lang ang nakakaalam kung madulas ka o hindi,basta’t magtiwala ka lang sa kanya”Sa dinami dami na palang naglakad papuntang altar ay ako lang ang kauna-unahang nakarating sa paanan ni Kristo na nakapako sa krus sa may altar.Hindi ako nadulas.Narinig ko ang kantang napakaganda at nag-OOsana ang mga birhen.

    Maya-maya ay may lumapit sa akin na napakagandang babae,nagmukha akong Pokwang kumpara sa kanya.Natakot ako dahil naririnig ko ang kuwentong “White Lady”Sabi sa akin huwag kang matakot Kim,ako si Luningning ang magiging tourist guide mo.Bilang gantimpala para sa iyo na kauna-unahan na nakakahalik sa paa ni Kristo ay ipapasyal kita dito sa aming kaharian.Pwedi mo ng alisin ang sapatos mo at simulan na natin ang paglalakbay.

  16. Sumama na ako sa kanya at may mataas na hagdan kaming inakyat,pakiwari ka ay mas mataas pa sa State Empire building na napakataas.Pagdating namin sa itaas ay tanaw ko ang buong mundo.Doon may ay si Moses na hawak ang kanyang baston.Ining,sabi sa akin.Alam ko Pilipina ka kahit mukha kang Koreana.Dito matatanaw mo ang nangyayari sa bansa mo.Pindutin mo lang ang Philippines sa keypad mo at makikita mo ang lahat ng bagay hinahanap mo.Dahil nag-alala ko sa Kongressman sa distrito namin at makikisakay sana ako sa kanya pauwi dahil naubusan ako ng pamasahe ay siya ang unang hinahap ko kung saan siya napunta ng nagslide siya sa sahig.
    Ayun nakita ko,may hawak siyang tiani ay may sarili siyang bundok ng sintimos.Tinanong ko si Luningning na na-assign maging tourist guide ko kung bakit nandoon si Kongressman.Sabi ni Luningning.”Kim kaya napakamining sentimos ang naimbak d’yan dahil katumbas ng ninakaw ni Kongressman ang mga bulubundukin na sentimong iyan,at tatianiin niya isa-isa at iaaakyat doon sa kanan niyang matarik na bundok,pagdating niya doon ay may maliit na butas at doon niya ihuhulog,hangang maubos niyang tianiin ang mga naimbak na sintimong iyan.Tinanong ko si Luningning.Eh kung ayaw ni Kongressman mag tiani ng sentimo at iakayat sa bundok,ano ang mangyayari?-Sabi ni Luningning.Nasa kay Kongressman na iyun kung gusto talaga niyang masunog dahil ang sentimong naimbak ay katumabs din ng init apoy ang mararamdaman niya kaya hindi siya maaring hindi kikilos dahil mababatar talaga siya ng Asupre.Tanong ko uli kay Luningning,Saan naman mapupunta ang mga sintimong inihuhulog nila sa butas.-Babalik daw sa Lupang Pilipinas at sasaluhin naman ng payong ng mga tigasunod ni Villarde.

  17. Papano naman Luningning kung si Gloria ang gusto kung makita.Sagot ni Luningning itype ko lang daw ang B-I-T-C-H- and enter sa keypad ay makikita ko si Arroyo.Nasa ibabaw ng pinakamataas na bundok ng sintimos sa buong mundo naman si Gloria at pamilya Arroyo at may kanya-kanya silang tangan ng Tiani at busy sila sa pagtiatiani ng sentimo at iaakyat sa bundok at ihuhulog sa butas.Kamongo ang mga pawis nila dahil sa init ng asupre.
    Tinawag ko uli si Luninning dahil gusto kung makita ang dati kung kaibigang snatcher na nabaril ng pulis.I type ko lang daw sa keypad ang buong pangalan niya then enter.Nakita ko si Ronaldo sa pinakapatag na parang at isang tabo na lang ang kanyang sentimos nakahiga at natutulog dahil sa napakagandang klima ng kapaligiran.Tinanong ko si Luningning “Bakit si Lando hindi na nagtiatiani ng sentimo at inaakyat ang bundok at masarap ang tulog para makaalis na” Sabi naman ni Luningning sa akin.Ayan si Lando pitong taon ng ganyan ayaw talaga niyang ubusin ang sentimos niya para hindi siya pupunta doon sa ibayo at makasama si Jaloslos.Tanong ko uli kung bakit? May tatlong acupuncturist si Romeo doon nakatihaya siya at nakahubad at naninigas sa ginaw,tinalian ng pisi ang kanyang ari at itinali sa pako ng kisami at tinutukuran ng maraming karayom ang kanyang ari at katawan,ayaw ni Lando ng ganon dahil takot siya sa injection.

  18. uy pa load naman🙂

    oy ha pero di ba, ang mga taga finland raw champion sa text sa totong buhay, how true kaya yon? di ko ma imagine compared to pinas eh liit lang ng population non.

  19. Ka Pokwang,
    Sa pinas kasi marami tayong mga kabataan ng mahilig magtext. Dati sa telepono lang sila nagbababad ngayon sa texting na.
    Sa puntong ito, ewan ko kung paano masasapawan ng Finland ang Pinas na halos lahat ay nagtetext pati iyong mga pinsan ko sa Ilocos nagaararo lang sa bukid para magtanim ng tabako.
    I don’t know kung ano ang naging panuntunan nila, I respect that kasama, pero mas feel ko na tayo ang champion nito hindi sila , hahaha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: