Posted by: Mer Pints | July 30, 2008

SONA ng mga Insektos; the Insect-T-Side Story

Sa pagbubukas ng 13th Congress ng Insect-T-Side Republic abalang-abala si Happy Insekta sa paghahanda ng kanyang sasabihin. Dito hindi uobra ang pagsisinungaling at pambubula. Kailangang magsabi ka ng totoo. Walang oposisyon, walang maka-administrasyon, lahat ay nagkakaisa para sa kagalingan ng kanilang republika. Kahapon ay ininterview si Ginang Insekta kung ano ang magiging laman ng kanyang sasabihin sa SONA. Isa lang ang sagot niya–secret.

Dahil maraming gumagalang dayuhan na gustong makisawsaw at manggulo sa SONA, kaagad pinakilos ni General Langgam ang mga kanyang mga pulis at sundalo upang panatiliing maayos at ligtas ang kapaligiran sa SONA. Mga special forces na army ants ang magbabantay habang ang mga salagubang na crowd control naman ang siyang magbabantay sa mga dayuhan na gustong manggulo.

Maraming problema na hinaharap ang bagong tatag pa lamang na Republic of Insect-T-Side. Hindi sa pagkain nagkakaproblema dahil marami sila niyan, hindi rin sa peace and order dahil maayos ang kanilang samahan, at lalong hindi rin sa pera dahil mataas ang value ng Insecta Dollars.

Ang problema ayun kay Congressman Moskito ay ang kapaligiran na unti-unti nang sinisira ng mga tao. Naalarma na rin ang mga Beetles dahil ginagawang hotel sa gabi ng mga lovers ang damuhan. Dito nila isinasagawa ang pagsi-sex. Marami-rami na rin sa mga insektos ang nasaktan, nalunod, at nabaon sa lupa habang aksidente silang nadadaganan ng mga taong nagpaparaos dito. Problema rin ni senador Alibangbang ang mga halaman na kanilang tinitirhan dahil madalas itong sinisira ng mga hayop na alaga ng mga tao. Mga alitaptap naman ay nagrereklamo sa dami ng mga nakukuryente sa kanila dahil lagi silang nababasa sa dyingel ng mga lalaking mahilig gawin palikuran ang mga puno.

“Problema nga ito, at paano lulutasin ng mga munting insektos of the Republic of Insect-T-Side,” ang sabi ni Korina Alibangbang ng CNN.

“Ito siguro ang paksa ngayon ni madam Happy Insekta sa kanyang SONA,” ang hula naman ni Ted Tutubi ng BBC.

Sa isang banda naman ay nagrarally ang mga foreign activist na Langaw. Sila ay pinangungunahan ni UP professor Magba Bangaw. Pakinggan natin ang sinasabi.

“SONA na naman, ilang SONA na iyan ni Ginang Insekta. Palibhasa’y hindi siya marunong magsinungaling kaya wala nang nagbago pa sa kanyang sinasabi. Hanggat walang nangungurakot sa kanila, hanggang walang tongpats at greedy greed plus plus dito, kawawa tayo. Magmumukha tuloy tayong mga masasama sa mata ng mundo. Subalit kung magmukhang kaawa-awa ang Republika ng Insect-T-side, lahat tayo ay makikinabang sa pagbabago ng kapaligiran kung saan ang kapangyarihang mang-asar ay nasa kamay uli ng mga langaw. Mabuhay ang mga langaw, mabuhay ang mga bangaw, at mabuhay din ang mga traydor na scorpion, alupihan, at ipis.”

Earlier gustong lumapit ang mga foreign activists na langaw, bangaw, ipis, at bed bugs ngunit hinarang sila ng mga special forces na lamok na may dalang denque at malaria. Nagpalagay din si MMDA chairman Bayani Paruparung Bukid ng mga barikadang container vans para hindi makalusot ang mga raliyestas. Nagkasya na lang sa parking lot ng Ever Caterpillar ang mga raliyesta para dito na lang isagawa ang kanilang version ng SONA. Sinunog at pinagpapalo ng mga magkakaalyadong foreign activists na raliyesta ang larawan ni Happy Insekta pagkatapos sabihin ang kanilang slogan, Tama Na, Sobra Na, Ibagsak si Insekta, Now Na. Palakpakan naman ang mga Black and White Insecurity Movement na ngayon ay kaalyado na ng Green and Yellow na dayuhang oposisyon.

Samantala sa loob naman ng Congress of Insect-T-Side ay nandoon na ang mga insektong mambubutas. Palakpakan kaagad ang mga kumapare at kumare ni Insekta na mambubutas ng batas nang umupo na sa trono ang mahal na Insekta. Unang tumayo si kongresman Boy Boboyog, Speaker of the House, at binuksan na ang session para sa lower box. Sumunod naman si Senador Praying Mantis, Senate President, nagsabing the session is open for the upper box. Mayamaya pa ay inintroduce na si Pangulong Happy Insekta.

“Ladies and gentlemen, the President of the Republic of Insect-T-Side.”

Palakpakan naman ang mga kamag-anak, kumpare, kumare, inaanak ng kasal, binyag, kumpil, unang regla at tule na mga mambubutas at panauhing insektos. 

Mga kababayan ko…

“Ang tanong ni college insecta girl, malas ba ang numero 13 sa SONA? Puwes sasagutin ko ang blogger na iyan sampo na ang mga tumatambay sa Coccon de Ilaw, at ang pasimuno ng tanong na iyan na si Kapitan Kulilat. And the answer is no. Walang masama sa numero, walang masama sa damu, tao lang ang nagsasabi niyan hindi insekto.” Palakpakan.

“Kailangan ba natin ang Bat, ang sagot ko hindi. Dahil ang mga bats na iyan ang kumakain ng saging, mga niyog, at iba pang prutas na dapat ay tayo ang kumakain. At kayo, gusto ba ninyong kayo ay kakainin din ng mga bats na iyan?”

Sumagot silang lahat. “Nooooo,” ngunit mahina ang dating. 

“I can’t hear you…” ang sigaw ni pangulong Insekta.

“NOOOOOOO MAAAAAAAMMMMM INSEKTA,” ang malakas na tugon ng mga insektong senador at kongresista.

“Good, bukas makalawa makakuha na ninyo ang mga pera ninyong nakalagay sa supot sa palasyo.”

Hindi lang nagpalakpakan, nagtayuan at nagliparan pa ang mga insectos. At bigla namang may sumigaw ng “Insekta,” at nagsunuran na ang lahat. “INSEKTA, INSEKTA, INSEKTA…”

“Salamat sa suportang ibinibigay ninyo sa akin. Salamat sa pakikiisa ninyo sa akin. At salamat din sa patuloy ninyong paggawa upang umunlad itong bagong tatag pa lamang na Republika.”

Tumigil siya sandali at ngumiti ng parang ngiti ng koneho.

“Pangako, ano ang maipapangako ko sa inyo wala… Hindi mahalaga kung ano ang iyong naipangako sa bansa, ang mahalaga kung ano ang iyong nagawa. At sa gawa marami tayo niyan: subsidy sa mga mahihirap na kuto, tulong pinansial para sa kuryente bill ng mga alitaptap, libreng bigas at pagkain sa mga nasa elementarya na anak ng mga garapata, at higit sa lahat 500 wings na buwan buwan na tulong para sa mga insektong baldado, senior citizens, at sira tuktok.”

Palakpakan uli. Liparan, oo nagsiliparan na naman ang mga maiingay na insekto sa tuwa.

“Mga kababayan ko, inatasan ko rin ang Agriculture secretary Yup de Gagamba na sigurohin hindi tayo magkukulang sa bigas at iba pang pagkain.”

“At tungkol naman sa environment issue, kinausap ko na ang mga kaibigan nating sawa, cobra, buwaya, at maging ang kinatatakutan ng mga tao na si Drakula na bantayan ang kalikasan ng siyang tanging pamana pa sa atin ng ating mg ninunong uuod at insekto.”

Palakpakan uli, ng napakalakas, malakas na malakas…

Nang humupa na ang ingay muling nagsalita si Ginang Insekta.

“Mga kababayan ko, hindi ko sana gustong sabihin ito sa inyo, ngunit sasabihin ko na rin…”

Tumigil uli siya ng ilang saglit. Hindi gumagalaw na parang estatwa, at nakatayo lang na malayo ang tingin. Marahil ay nag-e-emote at gustong patuluhin ang mga luha ngunit ni gapatak na ihi ng lamok ay walang tumulo. Hindi talaga pang-drama ang byuti ng bruha, I mean ang butihing reyna.

Biglang nanahimik ang mga insekto, naghihintay kung ano pa ang mahalagang sasabihin ni pangulong Insekta. At muling nagsalita si Ginang Happy Insekta: 

” I am sorry Sorry talaga mga kababayan ko (napakalungkot ang mukha sa sobrang pag-e-emote), s-sorry dahil ang lahat ng mga sinabi ko ay isang kathang isip lamang at sa pangarap lamang. ito.. Marami pong salamat.”

Isang katahimikan ang sumalubong sa mga huling katagang binitawan ng Pangulo. Nakakabinging katahimikan.


Responses

  1. Har har har har !!!! For the last 8 sonahan, ngayon lang ako kinilig at na-excite magbasa ng mga litanya at pati paa ko ay napapalakpak sa galak.

    Bravo, bravo!!!! Haymabu!

  2. At least sa sona rito, nagsabi na ng totoo ang reyna reynahan sa tabi ng ilog na umaalingasaw sa masamang amoy na ang kanyang sinabi ay pawang pangarap lamang. Katulad ng naisulat ko na, yong sona sa Bastusang Pambansa ay maayos naman at klaro ang pagkaka-deliver. Kaya lang, ibang bansa yata ang inilalarawan doon, hindi ang Pinas.

  3. Hindi lang nabanggit ni Ginang Insekta (GI or gloria imbyerna) sa kanyang Same Old Nonsense Address ay tungkol sa mga ipis, yong kanyang mga alaga. Siguro nga ay deliberately silent sya doon sila ang kanyang inaalagaan para hindi magalburuto at papakin ang pagkain sa kanyang paminggalan.

  4. Korrek ka diyan tito Joe, dahil sila ang nagbibigay proteksiyon sa kanya, He-he-he.

  5. Grabe kang bata ka, pinautot mo kami ng pusa ko.
    Lamok at iba pang insektos may version ng SONA? Gisingin ninyo ako mga tanod, binabangongot yata ako, ha! ha! ha!

  6. HAHAHAHA! Hoy! Makalalimutin talaga si Ginang Insekta, asan ang PROMO?! Ba’t mo nakalimutan?!

    Kahit pa man Litanya nang Pantasya, meron man lang sanang Singwalankwentang sentimos noh?!

    HAHAHAHA!!!

  7. hahahaha! mahusay! mahusay at mahusay! ayos a atleast kahit hindi ganyan gobyerno natin nakakagawa pa din tayo ng sariling natin gobyerno in our own little way… heheeh! mabuhay ang mga langgam!

  8. ay panalo talaga ang reynareynahang inang jangga!!! daig pa ng mga insekto ang mga malulupit na nilalang sa karagatan na pilit kumakain sa maliliit na isda.

    hanggang ngayon sa mundo ng mga isda at iba pa sa ilalim ng dagat itinuturing na impyerno ang lupa kung saan buong buhay nila ay inilaan para kainin ng mga halimaw na tinatawag na tao.

    magpamiting man ang pangulo ng mga insektong ito ay patuloy na wala paring hahantungan dahil naka ukit na sa tadhana na ganyan nalang talaga ang buhay…

  9. Salamat po… nakalimutan lang iyong text Kamahalan. Next time baka may masagap ako sa mga teksbalang tungkol sa text story.

  10. yhen, ang galing mo…

  11. MangBadoy ganyan talaga tayong mga pinoy na umaasa sa pagbabago, kahit sa pangarap ay pilit na inaabot ito. Mabuhay!

  12. naku mer… anong mundo pa ba ang susuungin natin para matauhan ang mga tao??? hehehe!!!

    haay mang badoy, feeling close eh…hehe!!! nagpakilala lang po!

  13. yhen iyan ay ang mundo ng kababalaghan, he-he-he.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: