Posted by: Mer Pints | July 27, 2008

Manang Biday, do you know the meaning of SONA?

Manang Biday is a labandera married to mang Botog a carpenter. They have only one child, Gabriela, who goes to public school for her secondary education. Gabriela at early age was diagnosed of severe malnutrition which to date is blamed for her poor perfomance in school. Now  a third year high school, she is struggling to survive  in school. Recently their Filipino teacher gave them an assignment, to explain the meaning of SONA, (State of the Nation Address) that  president Arroyo delivers every year in a joint session of both chambers in the Philippine Congress. Unfornately for Belay both her parents completed only elementary education. That explains the kind of job they have and their limited grasp of issues such as perception of progress, political awareness, and economic activity.

Nilapitan ni Belay (ang palayaw ni Gabriela) ang kanyang nanay. “Nay patulong…”

“Nang alin, namamalantsa pa ako. Puwedi ba ang tatay mo na lang,” ang sagot naman ni manang Biday. 

Dahil ayaw ng nanay, nilapitan ni Belay ang kanyang ama.

“Tay kayo na lang daw ang tutulong sa akin dahil ayaw ng nanay at may ginagawa pa siya.”

Matutulog na sana ang tatay ni Belay dahil pagod sa maghapon na pagkakarpentero.

“Ano ba iyon, may pagagawa ka ba sa akin na project mo sa eskuwela?” Bumangon kaagad ang kahihiga pa lang tatay.

“Kasi po may tinatanong sa amin si teacher at dapat daw naming sagutin.”

“Ano ba iyon?,” sabay hikab si mang Botog.

Binuklat ni Belay ang notebook at inisa-isang binasa ang mga tanong na dapat saguting para sa kanilang homework.

” Ano ang ibig sabihin ng SONA.”

Nabigla ang tatay, walang maisagut. ” Diko alam, mukhang pagkain na ewan, kasi parang tunog lasona iyong tinatawag nilang “mini onions” sa Ilocos. Tanongin mo kaya ang nanay mo, mas magaling iyon sa akin. Kasi parang absent yata ako nang pagusapan iyan sa klase.”

Umiiling lang si Belay, nagsayang ka pa ng oras. Si mang Botog naman ay balik higaan na at tuluyan nang nakatulog.

“Ano ba iyong tinanong mo sa tatay mo?”

Binasa uli ni Belay ang kanyang notebook. “What is SONA?”

” Ha e, ang SONA ay SONA pay met laeng. SONA latta, SONA ngarud.”

Napakamot lang sa ulo si Belay. “Ano ba iyan puro SONA na lang a naririnig.”

“Very simple, SONA as usual, SONA always, and SONA today and tomorrow. ”

Hindi man nasagot ng tama ang tanong lumipat kaagad si Belay sa pangalawang katanungan.  

“For question number two ito naman ang tanong, bakit ang presidente lang ang nagbibigay ng SONA sa Congress?”

“Madali lang iyang Belay, ito ang sagot: kaya ang presidente lang ang nagbibigay ng SONA sa Congress ay dahil sa siya lang ang nakakaalam nito bilang pangulo ng Pilipinas at  wala nang iba. Tama ba ako Belay.”

Sumagot naman si Belay. ” Oo nanay, may tama ka nga!”

“Good… ngayon sabihin mo sa akin ang huling tanong?”

“Ano daw ang aasahan natin sa SONA ng presidente?”

” Ay kay dali naman ang tanong; ito siya, pangako, pangako, at pangako.”

Kahit mahina ang baterya ng utak ni Gabriela alam niya na hindi tama ang sinabi ng kanyang ina. Alam niya na ang SONA ay isang mahalagang okasyon upang ihayag sa publiko ng presidente ang kanyang mga nagawang programa sa loob ng isang taon na panunungkulan. Pero bakit pa siya nagtanong. Bakit hindi na lang niya ito sinagot. Ibig bang sabihin niyan ay sinusubukan lang niya ang kanyang mga magulang kung hanggang saan ang maaabot ng kanilang kaalaaman sa mga nangyayari sa kanilang bansa.?

Sa isang banda, alam din ng mga magulang ni Gabriela na ang kanilang anak ay may pagdududa sa kanilang mga pinagsasabing mali. Kailangan nilang linawin ito ngayon, ipaliwanag ang katotohanan tungkol sa kanilang pananaw at nalalaman tungkol sa SONA ng pangulo.

Bumangon mula sa kanyang higaan si mang Botog at nilapitan ang kanyang mag-ina. Marahan na hinaplos nito ang buhok ng kanyang anak habang iniisip pa niya kung papaano niya uumpisahan ang sasabihin sa anak.

“Alam mo Belay kahit ganitong mababa lang ang aming pinagaralan ng iyong ina, hindi naman kami ganyang katanga na hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa ating bansa ngayon.”

Sumingit naman sa usapan si manang Biday.

“Mga ilang taon nang lumipas, maliit ka pa noon nang maisipan namin ng iyong tatay ang lumipat dito sa Maynila mula sa probinsiya  upang makipagsapalaran dito sa magulong lungsod. Wala kaming ibang dala kung hindi ang aming pananalig at pag-asa na sa paglipat ng kapangyarihan ng pamumuno ng ating bansa mula sa kamay ni Erap sa kamay naman ni Gloria ay papalarin kami dito. Ilang taon na ang lumipas, ilang SONA na ang pinalakpakan ng mga tagapalakpak ni Gloria sa Kongreso ngunit wala pa ring nangyaring maganda  para sa ating bansa. Lugmok na ang Pilipinas sa kahirapan, wala ka nang marining pang magandang balita sa pamumuno ni Gloria–nandiyan ang corruption, ang pandaraya tuwing election,  panggigipit sa mga kalaban sa pulitika, pagpapabaya sa tungkulin, mga programang puro palpak at marami pang iba.”

“At marahil kung may sisisihin man dito ay wala na ring iba kundi ang mga taong bayan din mismo na siyang naglukluk sa mga nasa puwesto ngayon. At ang nararanasan nating crisis naman sa ating bansa  ay isa lamang sa mga patunay na ang laman ng mga SONA  na iyan ng pangulo ay marahil walang pinag-iba sa isang ampaw.   

Walang imik sa pakikinig si Belay, isang bagay na palaisipan sa kanyang mga magulang kung nay naintindihan siya sa kanilang mga sinabi o wala. At dito na rin nila tinapos ang pagpapaliwanag sa anak.

kinaumgahan, sa eskuwela naman, abot hanggang tainga ang tuwa ng titser habang binabasa ang ipinasang assignment ni Belay sa kanya.


Responses

  1. May nagtanong: Bakit aligaga ang marami sa SONA? Para saan ba yan?

    May sumagot: The SONA from my apolitical purview is an analysis of what the government still has to do and not much really on what it has done in the past . It is prodding the legislative branch of the government to come up with a legislative agenda that would provide the basic services to the people.

    May sumingit: Ganun ba ang SONA? Eh bakit naman ang ginastos pala sa repair ng Batasan ay P1 bilyon para pogi ang arrive sa SONA delivery. Fashion show lang daw naman ang magaganap dahil pabonggahan ng attire.

    Binigyan ng meaning: FASHION – A form of ugliness so intolerable that we have to alter it every six months

  2. Mukhang napapadalas ang daan mo dito sa lungga ng magandang colegiala.

    Alam mo ka joe, sa dami ng mga binitawan na pangako ni pang. Arroyo ay summa cum laude na siya sa SONA kung pangako.

    May nagbiro sa akin na lasing at pabulong pa na sinabi. Kap natatakot ako sa SONA, baka madampot na naman ako…
    Hahaha, lasing nga, iyon palang pagsosona ng mga pulis ang tinutukoy niya, hindi iyong SONA sa kongreso.

  3. haaash… SONA… laging scripted… wats new????

  4. Tito Joe and Kap salamat uli sa mga comments. Nakakasawa na ang kaso-SONA.

    Hi yhen, nandiyan ka na pala. Na miss kita ha… dapat pa-recite na lang natin kay Junior ni mare Poly ang susunod na sasabihin ng pangulo sa kanyan SONA, ano kaya ang magiging version ng bata, he-he-he.

  5. Tito joe ang galing ninyo talaga, sharp ang mind niyo kahit sa pagbibigay meaning sa mga salita magmula sa bonggahan hanggang fashion show, he-he-he.

  6. Huwag sanang magagalit ang mga binibini dito, nagtatanong lang ang aking ugok na sikretaryo de barangay kung sino daw ang mas maganda sa inyong dalawa, si Mer o Colegiala.

    Sigi magcomment na nga sa SONA baka kung saan pa mapadpad ang usapan. Para sa akin lang, bigo pa rin ang SONA ng pangulo na makuha ang suporta ng mga masa sa tindi ng kahirapan dahil dito na yata sa kanyang administrasyon nagsitaasan ng husto ang mga presyo ng bilihin at maging sa gasolina at krudo kung saan din nakatali ang presyo ng mga pagkain, etc.

  7. Mas maganda ako ng isang paligo kap , siya hindi pa rin naliligo, heheheh.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: