Posted by: Mer Pints | July 25, 2008

Lola Liberty; a Commentary of Contemporary Philippine Issues

Kababa ko lang ng tricycle nang may nakita akong sasakyan na nakaparada sa tapat ng aming bahay. Isang van na tila galing sa probinsiya. Sa amin kaya ito o sa kapitbahay, ang tanong ko sa aking sarili habang nagmamadali nang pumanhik sa bahay.

A, sa amin nga dahil may mga bisita kami. Mga kamag-anak na galing pa sa probinsiya. Nagkalat ang mga gamit habang may mga batang naglalaro, dalawa sa kanila ay english speaking. Kilala ko iyong tatlong batang kalaro nila na “spokening england with heavy Ilocano accent” (mga anak ng pinsan ko). A, may dumating na naman galing sa America na sinundo sa Airport. Madalas kasing magstop over sa aming bahay ang mga kamag-anak galing sa probinsiya kung may sinusundo galing sa U.S.

“Ayan na si pinsan,” biglang may matabang mamang yumakap sa akin. Natawa ako si manong Polding, na kung gaano siya kapayat nang huling pasyal namin sa Seattle ka taba taba niya naman ngayon, parang si Big Show na idol niya sa wrestling. May tumapik naman ng balikat ko, si Tito Merong na ala Andrew E naman sa itsura dahil nakashorts siya at naka-t shirt ng ubod ng haba.

“May rapper  pala at wrestler,” ang bati ko sa kanila.

Biglang may lumapit naman na matanda. “Ako di mo na kilala?”

“L-lola Liberty?” Nagulat ako. Sa lahat ng mga inaasahan mong hindi uuwi sa Pilipinas numero uno sa listahan iyang si Lola. Sobrang mahal niya ang kanyang mga inaalagaan na bata.

Sandali lang nagkagulo na. Kinuha ni lola ang kamay ko at nagsayawan na kaming dalawa. Tawanan sila.

Tumigil sa pagsayaw si lola sabay sabing “Surprised? Here  I am  people of the Philippines, I have returned!”

Bigla akong humagalpak sa tawa.

“Si Lola parang si McArthur.”

“Si lola Liberty mo pa, e idol niya si Douglas McArthur,” hirit ni Tito Merong.

“Right baby, Douglas McArthur is my favorite hero,” sagot ni Lola.

“Right, dahil si lola Liberty lang daw ang kauna-unahang Filipina na nagwagayway ng kanyang panty (salawal ang tawag dito noong araw)  nang maglanding sina McArthur sa Leyte,” ang biro naman ni kuya Polding.

Hindi na magkamayaw pa ang tawanan sa bahay.

Hindi rin naman napikon si lola Liberty, sanay na siya sa ganitong biro.

“Paano ko hindi iwawagayway ang aking panty e sa naihian ko sa sobrang takot nang magdogfight ang mga eroplano ng mga Kano at Hapon.”

Alam ninyo ang pasimuno sa kuwentong iyan ay ang lolo ninyo na isa ring tarantado nang maginuman sila ng mga barkada niyang beterano noong nabubuhay pa siya.

Tawanan muli. Saglit kung iniwan sila upang magpalit ng damit. Alam ko matagal-tagal na namang kuwentohan ito. Si Lola Liberty ay pinsang buo ng aking Lolong beterano na namatay naman sa States. Sa bahay nila kami tumira nang mapasyal kami sa Amerika. Si Lola Liberty ay may malaking tindahan sa probinsya noong araw bago napadpad sa Amerika. Naging yaya siya ng mga pinsan ko at iba pang anak ng mga kamag-anak namin. Dito siya kumikita, sa pagiging baby sitter. Nakakatuwa, pati mga kapitbahay nilang mga puti ay nagtiwala sa kanya at nagpa baby sit na rin. At suwerte nga nga mga batang ito dahil natutunan nila ang mga values nating Filipino sa pagaalaga sa kanila ni Lola.

Balik uli ako sa sala. Matindi pa rin ang biroan. Tamang tama nagtatanong naman noon ang pinsan kong si Nene kay lola. “Bakit ‘lang (meaning lola)  tinawag nila kayong Liberty” Di ba po Atang ang tawag sa inyo noon, Donya Atang…”

“That is only in the Philippines. You should know that my first name is Liberata. Isn’t that close to Liberty?”

Muntik nang malunok ni tito Merong ang kanyang postiso.

 ” Nanay naman kaya po kayo tinawag na Liberty e mahilig kayong kumain noon ng kilabban (tirang kanin na nasa kaldero) na nilalagyan ninyo ng gatas kondensada na ang tatak liberty?”

“Anong kondensada ang sinasabi mo, wala akong hilig diyan. Ang tanging kondensada lang na nahawakan ko ay ang kondensada ng tatay ninyo…”

Tawanan uli…

“Hoy ang lalagkit ng isip niyo… I mean your evil and malicious minds. E, sa Darigold ang gatas na paboritong inumin ng lolo ninyo…”

Supalpal si Tito Merong pero humirit siya muli.

“Nay, tutal nasa Pilipinas na tayo baka gusto na ninyong lumagay muli sa tahimik. I mean kapalit ni tatay…”

“Good idea nang makatikim muli ako ng katas ng pag-ibig.”

Sumasakit na ang aking tiyan sa katatawa.

“Sino naman kaya ang matitipuhan mo lola dito, e pang stateside lang yata ang panlasa mo?”

Bumanat naman is manong Polding. “Balita ko type daw niya ang mga taga Malacanang.”

“Sino si secretary Raul, si secretary Ermita, si secretary Apostol, marami sila…”

Sumagot naman si lola, “ayaw ko nga sa mga matatanda. Anong akala ninyo sa beauty ko pang sunset na lang…”

“Hindi ho, hinahanapan lang namin kayo ng kagalang-galang,” ang biro naman ni Tito Merong.

Biglang napatawa si lola.

“Kung si Mr. Apostol, hindi ko kailangan ang wetness dahil may asim pa ako; kung kay  secretary Raul baka naman sabihin nila itlog lang ang habol ko; kay Secretary Ermita, sawa na ako sa sundalo.”

Sumagot naman ako. “E, lola kung wala kang matipohan sa Malakanyang, wala na kayong pag-asa pa.”

“Aba, minamaliit yata ninyo ang alindog ko…pinagseselosan yata ako ni Mrs. Pacman. Itabi mo ako kay Marianne Rivera, tignan ko lang kung sino ang pipiliin ni Richard.”

“Kapal!,” biglang napasigaw si manong Polding. Tawanan uli.

“Ikaw Polding nakakailang ulit ka na. Baka hatawin kita ng aking walker.”

Tawanan uli… Ewan ko lang kung ano na ang sinasabi ng aming mga kapitbahay.

“Kung ayaw nila e di ke Erap na lang ako…” Sa parting ito nautot na si Sintang ang pinsan kung laking Vigan, at nanay ng tatlong batang “spokening England with hard Ilocano accent.” 

Tumigil bigla ang tawanan, nabaling sa pulitka ng Pilipinas ang usapan. Hindi nagkakasundo sa mga isyu. May kontra administrasyon at pro-administration. Napag-usapan ang SONA, ang pakikialam ng simbahan sa Population program ng gobierno, ang assessment ng DSWD secretary tungkol sa problema na dulot ng paglobo ng populasyion, ang pagtaas ng mga produkto ng langis, ang mga sakuna sa mga sasakyang pandagat, etc.

Dito na nakatulog si lola Liberty. At dahil sa inaantok na rin ang lahat, nagsitulugan na.

Una akong nagising, naghanda ng aking pagkain. Nagluluto rin ang kasambahay namin ng para sa mga bisita. Habang nagbibihis ako papuntang trabaho, may kumatok sa pintuan ng aking kuwarto. Si lola Liberty. Pinapasok ko siya kaagad.

May ibinulong at inabot sa akin. Isang sobre na may laman na dolyares. “Para sa iyo…”

“Lola masyadong malaki ito, hindi ko po matatanggap iyan.”

Bigla akong kinurot ako ni Lola sa puwet. “Sinong nagsabing para sa iyo iyan?”

“Para kanino po ba ito, baka mawala ko pa…”

“I came here to liberate some families from poverty. Noong araw masama ang tingin ng aking mga kamag-anak sa akin dahil pinagdamutan ko sila. Matanda na ako, bago man lang ako mawala sa mundo at least may nagawa man lang akong isang bagay na mabuti.”

“Ano po ang gagawin ko sa pera ninyo?”

“Malaki ang karanasan mo sa pagtulong sa mga mahihirap. Ang mga perang iyan ay inipon ko mula sa mga love gift sa akin ng mga batang inalagaan ko noong araw. Regalo nila iyan sa akin. May sarili naman akong pinagkukunan ng pera kaya hindi ko nagasta. Ang tito mo naman ay napakayaman niya para sa kanya ko ibigay ang perang iyan. Wala na rin akong alalahanin sa aking pagpanaw dahil handa na ang lahat, sagot ng aking memorial plan.”

Hindi ako makapaniwala, pero talagang malaking pera ang hawak-hawak ko.

“Mer, alam ko kung ipamumudmud ko lang ito na parang “dole out assistance” ng gobierno maglalaho lang at mapupunta ang lahat sa wala. Alam kong may mga bisyo at katamaran ang ilan sa ating mga kamag-anak pero tulungan mo sila na magbago para naman umunlad ang kanilang buhay. At hindi parating umaasa na lang sa mga padala ng mga kamag-anak sa abroad”

“Lola naku baka pumalpak iyan, mananagot pa ako sa iyo…”

 “Mer, tiwala ako sa iyong kakayahan as a former community organizer. Gumawa ka ng isang livelihood project na kung saan ay makakatulong ito na maiangat ang kabuhayan ng mga kamag-anak nating mahihirap. At magkaroon naman ng pagbabago ang uri ng kanilang pamumuhay. I want change, isang pagbabago na gigising din sa iba upang gawin ang ganitong paraan sa pagtulong. See to it na may roll back ang pera para namang mas marami pa ang ating matutulungan. Remember this Mer, ang pagbabago ay nanggagaling sa puso. It is a commitment, and I know you can do it.

Matagal nang nakabalik sina lola sa Amerika, tapos na ang kanilang bakasyon.

Ako naman hindi makapagtutulog, nagiisip kung papaano ko isakatuparan ang isang malaking responsibilidad na iniwan sa akin ni lola; itong pinagagawa sa akin na matulongan ang ilang pamilyang naghihirap na mapaunlad ang kanilang buhay. After all ito naman talaga ang matagal ko nang gustong gawin–ang makatulong sa mga kababayan nating tila wala nang pag-asa pang makaangat sa buhay mahirap. Kung noong araw hanggang balak lang ito, dahil wala akong kakayahang financial na isakatuparan ito, ngayon na ang pagkakataon. Isang bagay na gagawin ko nang walang naghihintay na kapalit.

Sa isang banda, kung may isang mahalagang bagay na nagawa sa akin ni lola, she liberated me from my fears.  Fears na iwanan ang aking comfort zone para lamang makapanglingkud sa iba.

Alam kong mahirap itong pinagagawa sa akin ni Lola ngunit alang-ala sa kanyang layuning na makatulong sa mga mahihirap, gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya.


Responses

  1. Nawiwili yata akong mamasyal dito kapag ganito ang mga kwento. Swak na swak sa kwentong Pinoy na kahit niluma na ng panahon, napapanahon pa rin. Kumpletos recados kasi magsimula noong panahon ng hapon hanggang ngayong magdadapit hapon na, andyan pa rin si gloria.

    Maganda ang kabuuan ng iyong salaysay. May napansin lang akong isa na, alam mo na, kapag chickboy, yong panty kamo ni Lola na iwinawagayway habang may dogfight sa itaas. Ayon sa kwento ng aking lolo, wala pa raw panty noon. Ang mayroon, carsonsillo o salawal. hehehe

  2. Pero totoo ang characterization ni Lola Liberata. Sa amin yan sa Quezon, ang palayaw niya ay si Aling Atang. Work to the max siya habang nasa Tate at nang umuwi, sangdamukal na datung ang dala para pangtulong sa mga kapus palad nyang mga kamag-anak at kaibigan. Hindi magkakasya ang kanyang handog-tulong kung tutuusin ang matataas na presyo ng mga bilihin, ngunit ang kanyang pagtulong at hangaring makapagpa ligaya ng kapwa ay katuparan ng isang pangarap noong siya’y mangibang bansa.

    Pagbalik nya, may dala siyang pasalubong. At sa oras na maihatid na nya ang kanyang pasalubong, sa kanyang pagtulog, may ngiti sa mga labi at kalma ang kalooban. Marahil, kahit hindi na sya magising, maligaya na rin sya.

  3. alam mo, kayang kaya mo yang bigay na responsibilidad sa yo ni lola liberty.

    ako yung mga lola ko rin, mga cool din yon. kahit anong biro gawin mo sa kanila e mega tawa lang din sila. ang sarap ng ganon ano?

  4. Tito Joe, alam ko iyong salawal… kaso sa kuwento ng beterano ginawa na lang panty para makapagrelate sa mga bata. At saka nasa Tate na sila, forget na iyong salawal, he-he-he. Salamat po for the clarification.

  5. Ay salamat po ate Kenkay dahil ngayon pa lang ay nagkakagulo na ang mga kamag-anak. Aywan ko kung paanong nag-leak iyong help.

  6. At saka tito and ate kengkay, may kurot sa puso kapag naiisip ko ang kadakilaan ni Lola. Ako kaya magagawa ko ding magpamudmud ng aking kinikita kapag financially stable na po ako? At sobrang inspired din po ako sa kuwento naman ni tito about another Atang. Sigi po at naluluha na ako. Maraming salamat uli sa pagdalaw ninyo.

  7. Magbabasa nga muna ako dito.Doon sa blog ni Pareng Cocoy,kanina pa nag-aaway si Maningning at Honeybunch.Mabuti na lang at pinasukan ni Badong,nakakatuwa talaga iyung dalawa.Si Maningning kasi kung ano ano ang sinasabi na porke gusto niyang makipag sex kay Pareng Cocoy ito naman si Honeybunch na pamangkin ni Pareng Cocoy at galit na galit kay Maningning.Hahahahaha!

  8. Pareng Greggy,
    Nandito ka pala.Oo nga masaya doon at napaihi na nga ako sa pantalon ko dahil galit na galit si Honeybunch.Ito namang si Maningning ng nakita si Manong Cocoy ay gusto ng sumama kaagad sa kama.Iba na talaga ang guapo at nakakaingit nga si Manong dahil nasa kanya na lahat ng suwerte na bigay ng diyos at puro kamalasan naman ang napunta sa akin,sana magpalit kami ng kapalaran ni Manong kahit sandali man lang.Maganda itong kuwento ni Colege girl.

  9. Kayong dalawang kaklase ko, kuya kutsara at tito Greg, okay lang sa akin na dito muna kayo habang nagpapaligsahan para sa best actress award sina ate Maningning at Honeybunch.

    Anyway maraming mga magaganda at guwapong mga estudyante ang pumapasyal dito para magbulakbol, he-he-he.

    Salamat at napasyal kayo uli.

  10. Pareng Greggy at Kutsara

    Maganda talagang mamasyal dito at makasagap ng ibang hangin. Lalo na ngayon at may nagbabalitaktakang mga girls katulad nina Maningning at Honeybunch. Sabi ko nga sa kabila, mahirap makisawsaw sa away ng girls dahil kapag pumagitna ka, baka ikaw ang madaklot.

  11. Dapat siguro mamasyal din si Honeybunch at Maningning dito. Alamin nila ang aral sa kwento ni Lola Liberata. At pagkatapos nilang mabasa, baka medyo matauhan sila ng ilang minuto. Tapos, away uli. Ganyan lang ang buhay. Away-bati. Mahirap din naman ang walang kaaway o kamurahan. Ang taong walang ka-diskusyon, ang tawag dyan ay dedbol.

  12. Ay totoo po iyan. Ang away ay saglit lamang dahil bunsod lang ito ng pagkayamot o galit. Bagamat may mga isyung dapat pagusapan at lutasin, dapat po ay tayo’y maging mahinahon, magbigayan, at pagkatapos ng lahat ay ibaon na sa limot ang minsan ay di pagkakaunawaan. Sabi nga sa Bibliya, peace be with you. Sundin lang po ang prinsipyong ito nang maging maligaya at maunlad ang at ating buhay. Salamat po.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: