Posted by: Mer Pints | July 23, 2008

“You are nothing but a second grade trying hard coffee shop…”

Akala na ni mareng Poly kung ano nang grabeng problema ang ginawa ng kanyang anak at pinatawag pa siya sa iskul ng teacher. kinakabahan at ni-re-rehearse ang kanyang opening line kapag kausap na niya si teacher Libs.

Ganito rin ang kanyang ginawa nang nakaipagkompronta siya sa tunay na misis ng kanyang mister. Kuha lahat ang linya at pati na ang suporta ng bata mula sa tatay ay kuha kapalit nang pagputol ng kanilang relasyon.

“Good morning teacher Libs, I am here today because of your sad slip to my son. May I know the reason why he received such,” she said it without corruption, I mean, na hindi kumukurap.

“Maam sorry po for the inconvenience pero may violation pong ginawa ang anak ninyo. Dahil third time na po ito kaya pinatawag po namin kayo.”

“Ha, ano hong violation iyon…” Nasira bigla ang poise ni mare.

“Nangupya po ng assignment ng kanyang kaklase…”

Tinanong ni mare si Junior. “Did you really do it son?”

“Opo, pero hindi naman lahat.”

Ang kinupya ay iyong linya ni Cherry Gil doon sa Bituin Walang Ningning nang sabuyan niya ng tubig ang mukha ni Sharon. Assignment kasi ng mga bata ang magbigay ng example ng mga linya sa drama dahil ito ang lesson nila.

The Original Statement  (mula sa assignment ni Top Girl)

Lavinia: You are nothing but a second rate trying hard copycat

Ang Kopya ni Junior.

Lavinia: You are nothing but a second grade trying hard coffee shop

Natatawa si mare pero hindi nagpahalata. Hirit uli siya in defense of her only begotten son.

” It is entirely different, it’s an original line. Alam niyo kasi teacher my son has a literary  inclination, mahilig siyang magsulat ng mga kuwento.”

Ngunit hindi bumenta ang paliwanag ng ulirang number 2, este nanay pala.

Mali din po, kasi ang instruction ay kumuha sila ng mga natatanging linya sa isang pelikula, isulat iyong title, at sino ang mga gumanap.

Palusot naman ni mare, sorry  teacher wala kasi kaming mga DVD movies sa bahay at sa cable TV lang kami nanonood.

Sagot naman ng dakilang teacher, marami din namang pelikulang napapanood doon na mapagkukunan niya ng mga natatanging linya.

Wa na sey si mare, mukhang supalpal siya. Medyo na-hurt iyong ego niya; walang pinag-iba nang matuklasan niya na ang kanyang kinakasama palang medical representative ay matagal nang nakatale sa isang babaeng mukhang palengkera at sinlaki ng butanding ang pangangatawan. Nabola siya, bumagsak siya hanggang kama sa mga matatamis na pananalita ng tatay ni Junior. Mabuti na lang at may paninindigan din si Ikyo at ipinaglaban niya kas misis butanding ang karapatan nang kanyang the one only Junior kahit kasuhan pa siya ng adultery.

“Sorry po na sumama ang inyong kalooban dahil dito  (her son’s violation), pero tungkulin po naming sabihin sa inyo kung ano ang mga maling pinaggagawa ng inyong anak sa eskuwela. Magtulungan po tayo misis.” ang malumanay na pangungusap ng teacher.

Patango-tango na lang si misis number 2. Katulad din nang sabihin ni misis butanding sa kanya na malaking kasalanan sa Diyos ang mang-agaw ng asawa ng may asawa. Pero in fairness, hindi naman siya nang-agaw, siya ang niligawan ng “gagong” si Ikyo at hindi na pinakawalan hanggang nabuntis siya. Mabuti na lang at nasabit siya sa Bible study at nagkalakas loob makipaghiwalay kay Ikyo.

Kagaya nang pagkamulat niya sa liwanag ng katotohanan upang magsimulang tahakin ang bagong daan ng buhay, namulat din siya ngayon sa katotohanan na hindi niya dapat kinukunsinte ang kanyang anak sa kalokohan nito. Pero may huling hirit pa si mareng Poly.

“Teacher ano pa ang mga ibang kalokohan na ginawa ng aking anak, maari bang malaman ko?”

“Iyong iba hindi po gaanong napapansin maliban po sa ginawa nilang pagiingay ni Top Girl (isa ring hyper na bata) nang magdrama-dramahan sila during lunch break…”

Naging curious tuloy si mare. “A, ano hong drama-dramahan ang sinasabi niyo?”

Ganito po iyon…

Ikyo and misis butanding confrontation (Starring: Junior and Top Girl)

Top Girl as mrs. butanding: ‘Tang ina mo Ikyo matagal mo na pala akong niloloko. Bakit mo ako pinagpalit sa iba, anong nagawa kong pagkakasala sa iyo…

Junior as Ikyo: Anong magagawa ko e, sa nainlove ako sa iba… At saka tignan mo maman ang itsura mo, kahit sinong matinong lalaki asahan mo, hindi ka niya babalikan sa laki ng katawang mong iyan…

Top Girl as mrs. butanding: Gago ka pala e, bakit pumatol ka pa sa akin…

Junior as Ikyo: Iyan ang isang malaking pagkakamali na pinagsisihan ko ngayon sa aking buhay. Kaya sa ayaw mo at gusto paninindigan ko ang pagiging ama ko kay Junior at susuportahan ko sila…

Top Girl as mrs. butanding: Junior?, Kailan ka pa nagka-Junior, nang maanakan mo ang isa ring kaladkarin sa labas?

Junior as Ikyo: Huwag mong husgahan si Poly, wala siyang kasalanan. Sa kanya lang ako nakadama ng ligaya. Sa sampong taon nating pagsasama, ni hindi mo man lang ako nabigyan ng kahit isang anak…

End of the story.

“Sabi ni Junior tutoo daw pong nanyari ito, at ganito din daw po ang takbo ng usapan. Kaya pinalampas na lang po namin ang eksenang iyon,” ang naging paliwanag ni teacher Libs.

Hiyang hiya si mare Poly, pero ano pa ang kanyang magagawa.

Hinawakan siya ni teacher Libs sa palad. “Ang tutoo niyan, apektado ang anak ninyo sa paghihiwalay ninyo ng kanyang ama. Alam ko may dahilan kayo at mabuti na rin iyan kay sa lumala pa ang sitwasyon. I-work out po ninyo ang problemang iyan sa inyong dalawa ni Junior para hindi maapektohan ang kanyang pag-aaral. Tutulungan po namin kayo, at sana’y magkatulungan din tayo para sa kinabukasan ng iyong anak.”

Parang nabunutan ng tinik sa mareng Poly sa dibdib, umuwi siya na nakangiti. At umaasa sa kanyang buhay na, Sana’y May Bukas Pa.


Responses

  1. true story ba ‘to?? hahaha, talagang ang mga dialogue panalo ah!

    kung tru man itu, ang galing,,,panu mo nasasagap ang mga ‘to? hehe (naki-chismis din eh.)

  2. Based on true story po, may element of fiction para itago lang at protektahan ang mga personalidad na may kaugnayan sa kuwento.

    Malimit po kasi akong nakikipagkuwentohan sa mga nanay, kabit man o kasal dahil marami akong napupulot ditong magagandang aral sa buhay.

    Madalas din po kasi akong mapasabak sa peer counseling, at ganitong-ganito magpahayag ng saloobin ang mga iba.

    Salamat po sa maganda ninyong comment at lalo po yata ako ginaganahan ngayon na magsulat.

  3. Mer Pints

    Colegiala Girl?

    Makabagbag damdamin naman ang kwento rito, kamuntik nang dumanak ang aking luha. (Pumatak pala, dumanak eh dugo na yon).

  4. Salamat nga pala at habang naglalayag ka ay napadpad ka sa website ng aming maralitang bayan na nasa liblib ng Quezon.

    Itong misis number 2, yan ba si secondlady na kapapasok lang sa Cocoy’s Delight? Asking lang po.

  5. May na-recall akong kwento na nangyari sa loob ng classroom.

    Sabi ng teachers, magsabi kayo ng mga bagay o tao na may numero.

    Juan: Ma’m, celphone, telepon, maraming numbers!
    Maria: Ma’m, remote control ng tv marami ring numbers!
    Pedro: Ma’m, daddy ko po may no. 2

  6. huwaat? kakaloka talaga kwento mo…

    panalo!!!

    clap clap clap!!!

  7. punyemas ever! masasapok ko ang titser na yan noh?! eh ano ang problema nang “You are nothing but a second grade trying hard coffee shop. ” makes sense naman di ba? hahaha! parang barako sinasabi sa starbucks hehehe na second rate coffe lang ang starbuks sa baraks hahaha

  8. haha, so funny, this made my day….pero may serious undertone, at apektado ako dahil ang nanay ko ay isa ring misis number 2 at ang pagkaguwapo-gwapo kong ama (kung hindi siya gwapo malamang hindi siya makakapanloko ng marami) ay missing in action.

  9. Naku tito Joe ang ganda ng iyong site. Parang nakapasyal na rin po ako sa Calauag.

    Tito si secondlady ay isang teacher pero hindi siya iyong nasa kuwento. Tanongin na lang po natin siya kung may nagmamay-ari na sa puso niya.

    Tito joe napakarami ninyong joke, ang galing-galing din ninyong maganalyze ng mga issues. Ang saya ninyo sigurong maghost sa mga programs… Salamat uli and God bless.

  10. yhen, baka kabagan ka…he-he-he.

  11. Naku po kamahalan, ang ating kapeng barako po ay pang-reyna na katulad mo. Ang starbucks naman po ay para lang sa mga alalay mo… he-he-he.

    Salamat po at kahit saang dako kayo ng daigdig mapadpad ay number one pa rin sa puso mo ang ating kapeng barako.

  12. kakamatay na mga dialogue….wahaha

    ang galing talaga maging copycat ni junior….

  13. Hi Kat,
    Salamat naman at natawa kayo kahit papaano.
    Alam mo may number two din ang dad namin noon nang wala sa Pinas ang aming mom. Sa kasasabi ng mga problema niya sa kanyang sekretarya, naawa ang kawawang dalaga at siya na ang nagpatuloy ng role ng aming nanay sa kanya. Mabuti na lang daw at quality conscious itong erpats namin; sinikap niyang mabawi uli ang tiwala ni nanay dahil wala daw katulad ang original. Nabola naman itong “pogi conscious” na nanay namin, ayun nagkabalikan muli.

  14. Hi Kamotenista, salamat sa comment at nakakainlove mong halakhak, he-he-he. Welcome na welcome ka dito. Papasyalan din kita nang madalas sa iyong tahanan dahil like na like ko ang mga sinusulat mo.
    Siyanga pala, worried daw si mare dahil nagyayaya na naman itong si Junior na mag-field trip silang mag-ina sa Recto. Gusto daw tignan ni Junior ang mga certificates at diploma na ibinebenta doon, he-he-he. Mabuhay!

  15. hahaha…feel ko ang coffee shop.. oo nga totoo nga mga ganyang story sensitive talaga mga bata sa mga ganyang drama sa bahay. kaya ingat ingat lang sa mga dialog sa bahay, di niyo alam nakwento na yan sa buong madla

  16. Amen, ate Pokwang. Dapat ang away ng mag-asawa ay sa kuwarto lang at di nadidinig ng mga bata. Ang hirap kapag parang subwoofer ang lakas at dagundong kung makapagsigawan ang magjowa. Dinig ng mga kapit- bahay at mabilis maglibut ang balita sa buong mundo.

  17. Mer Pints

    Tama ka, dapat ang pag-aaway ng mag-asawa bagaman at hindi maiiwasan, medyo private. Walang malaking alingasngas. Kaya ako, kapag nagiging ninong sa kasal (bisto na may pagka-gurang na) maiksi lang ang pangaral ko sa bagong kasal. Huwag patagalin ang sigalot. Dapat magkasundo agad.

    Ang payo ko, konting diprensya, magkasundo sila, hiwalay agad.

  18. At huwag nang paabutin pa sa barangay hall ang awayan niyo upang di madagdagan ang trabaho namin sa Lupong Tagapamayapa. Kawawa rin kaming mga sikretaryo de barangay sa kasusulat.
    Kung maari kunin na lang ninyo sa yakapan, biruan, at pagsisiping. Sabi ni Kap, make love not war.

  19. Wow, napakaganda naman nito!
    hahahaha!
    pano mu to naimbento?

    mukha talagang makatotohanan,
    sana ay makagawa din ako ng ganyan!

    Siya nga pala, nilagay ko ang blog mu sa blogroll ko…
    hehehe,,,galing mu po kc eh….

  20. Salamat at nagustuhan mo. ACTUALLY a part of it is tunay. Iyong iba medyo kinulayan na lang natin kawawa naman si mare.

    Thanks for including me in your blogroll. include din kita. Balik ka at may part 2 pa ito.

  21. hehehehe — hay lab de istori🙂 mabuti ako nung nagturo ako walang ganyang drama kundi baka lumobo ilong ko sa katatawa

  22. Naku ate Kengkay kung hindi ka pa mauutot niyan he-he-he.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: