Posted by: Mer Pints | June 12, 2008

Royal debt paid only after 350 years (Kamahalan, bayad na po kayo!)

 

 

(AFP Photo: Prince Charles)

A good borrower must be a good payer, that’s what they say. While he has no direct hand on it, Prince Charles paid off a royal debt incurred some 350 years ago. Luckily he was spared of the accumulated interest that “could have run into tens of thousands of pounds.”

The prince doesn’t have to pay for it, but he chose to pay for it instead. This erased the 350 years of unpaid debt to the Clothiers Company. A debt is a debt and it has to be paid, no matter how little the amount involved. The prince’s act sets a good example for people all over the world to emulate. This adds credence to the moral perspectives of the royal family. 

Or could it be, according to some speculative minds, a publicity act?

Prince Charles pays off royal debt … 350 years late

LONDON (AFP) – Heir to the throne Prince Charles on Tuesday paid off a family debt incurred more than 350 years ago — but was spared the accumulated interest that could have run into tens of thousands of pounds.

Charles handed over 453 pounds and 15 pence (572 euros and 20 euro cents, 885 dollars and four cents) which King Charles II failed to pay to the Clothiers Company in Worcester, central England, in 1651.

The king had commissioned uniforms for his troops to fight the republican forces of Oliver Cromwellat the Battle of Worcester the same year.

The modern-day Charles handed over the cash on a visit to the former headquarters of the royalist troops in the Faithful City, so-called because it remained loyal to his ancestor during the English Civil War.

“It seems that members of the Clothiers Company have a long memory,” he said. “By long I mean nearly 400 years. Nevertheless, as a gesture of good will I come today prepared to honour this debt of 453 pounds and three shillings.

“I suspect that it will not have escaped your notice, however, I am resisting the immense temptation to pay the debt with full interest. I was not born yesterday.”

The high commissioner of the Clothiers Company, Philip Sawyer, accepted the money and gave the future king a receipt.

If interest was taken into account, 453 pounds and three shillings in 1651 would have been worth approximately 47,500 pounds in 2007, the BBC website said, citing the Institute for the Measurement of Worth

Kamahalan bayad na po kayo!

Kung may inutang, dapat lang na bayaran upang pauutangin ka muli. Ang hirap lang sa ibang mangungutang diyan ay nakakalimutan nila ang magbayad. Kahit may pambayad ayaw pa ring magbayad; kapag pagkaka-utang na ang pinag-uusapan nagkaka-amnesia kaagad sila. Iyong iba naman ay gustong-gusto magbayad pero walang pambayad kaya kadalasan ay pinagtatagoan nman ang kanilang mga pinagkakautangan.

Subalit may mga iniluwal talaga sa mundo na balasubas at sinungaling–ayaw magbayad ng utang. Ikaw pa ang mapapasama kung sila’y sinisingil mo sa pagkakautang.

Napakadaling magpa-utang ngunit napakahirap maningil. Kaya napipilitang magdemanda ang mga pinagkakautangan na ayaw bayaran. Pero mahirap din ang dumulog sa hukoman upang maningil dahil taon ang aabutin bago makausad ang kasong isinampa mo sa korte. Kaya may mga kaso tayo diyan ng patayan dahil lamang sa hindi pagbabayad ng utang.

Sa isang banda naman ay may mga iba diyang nagpapautan na masyado namang ganid, sinasamantala ang pangangailangan ng iba. Halos madoble na ang iyong babayaran sa tindi ng interest at multa sa hindi mo pagbabayad na maaga. Ito ang Gawain ng mga credit cards company. Aalukin kang umutang sa kanila at pagkatapos sisingilin ka ng todo-todo. Hindi pa araw ng bayaran ay tatawagan ka na sa bahay (o kaya sa opisina nang mahiya ka?) upang i-remind ka sa pagbabayad ng iyong utang. A kapag hindi ka nakabayad kaagad sa takdang oras ay tatakutin ka pa. Kung magbayad ka naman ay patung-patong na ang iyong multa. Ang kalalabasan, ni walang nabawasan sa iyong binabayaran na pagkakautang! Dapat lang na tawagin ang mga ito ng Loan Shark.   

Ang utang, sa tutoo lang ay hindi mo paga-ari. Ito ay kagaya rin ng isang hiram na bagay na dapat ibalik. Kung ikaw ay may inutang na pera, obligado kang magbayad, o kaya ibalik ang buong halaga na hiniram mo. kasali na rin sa iyong pagbabayad ang interest, kung mayroon man.

At ito ang ginawa ni Prince Charles, binayaran ang matagal nang pagkakautang ng kanyang ninuno. Dahil mga untouchables sila, inabot din ng daang-daang taon bago nabayaran ang pagkakautang ng palasyo. Dahil ang utang hindi mabubura sa listahan hanggat hindi nababayaran, kaya nagmagandang loob naman ang prinsipe na bayaran na lang ang pagkakautang ng kanyang mga ninuno. Magandang halimbawa ito na dapat tularan ng sino mang may pagkakautang, kahit ano pa ang kanyang motibo sa pagbabayad, akoy’s sumasaludo sa magiting na prinsipe Charles.

Kamahalan, bayad na po kayo!


Responses

  1. sa isang sari-sari store ay may naksulat doon, your credit is good but we need your cash.

    ayaw magpautang dahil hindi nagbabayad ang mga suking umuutang.

  2. the philippines is a good creditor, hanggang ngayon ay nagbabayad pa rin sa mga pangungurakot ng mga pulitiko

  3. hanggang sa apo ng mga apo ninyo, magbabayad ang mga anak at apo natin sa laki ng utang ng Pilipinas sa mga kapitalistang bansa

  4. Hi! Colegiala Girl.Stop by to greet you.
    Napg-uuspan lang ang utang,number one ako d’yan sa may pinakamaraming utang at wala ng may gustong magpautang sa akin.

  5. Hi kuya FPJ thanks for dropping by. Huwag kang magalala mababayaran mo din iyan kasama na ang iyong apo katulad ni Prince Charles, he he he.

  6. wow, why did it take so long?

  7. Ayaw nilang magbayad ng utang.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: