Posted by: Mer Pints | May 20, 2008

Ang Tipo Kong Lalaki… (My Ideal Man)

(Ideal nurses, happy and beautiful) 

My “Ideal Man”

As a young woman, I used to dream of my ideal man. I used to write poems to express my longing for that man. But days and years passed by and I haven’t found the man. I began losing hope till one day a nun told us in the class– our ideal man must have the semblance of our father physically, mentally, and attitudinally. Her ideal man is Jesus who is the Son of God the Father. That is true to her (case?) being a nun. But as an ordinary young woman I have to look at the good qualities of my dad to establish the norm in determining the attributes of my ideal man. The only problem here is determining/equating if his “good qualities” outweighs his “negative attributes.” This is tough to do, considering my personal biases, and I declined adopting this method. I devised and set my own standard based on my readings, observations, and personal experiences. Amen!

But, it’s a lonely decision I made. Lonely, because I have difficulty looking for that “ideal man.” Suitors have come and go, no “ideal man” found; no relationship developed, and romance was all in my fantasy.  “It is all in your dreams; be realistic,” my mom said. No way, nadala ka na nga e (you failed once in your marriage), why should I fall on the same mistake also? By all means I should stick to my standard (my ideal man) or nothing.  But mom insists, lower down your expectations or else you’ll end up an spinster. He-he, at the rate things are going, that may be so.

Ang Tipo Kung Lalaki, Maginoo Ngunit Bastos?

Sa dinami-dami ng mga lalaki sa mundo, matitino man o  manloloko, ang hirap pumili (o magtiwala) sa mga manliligaw. Sa isang banda wala ka namang nakikitang katangi-tangi sa kanila. Kung mayroon man, wala pa sa kalingkingan ng iyong ideal man. Magtiyaga ka na lang kung ano ang mayroon sila, hopefully ma-inlove ka rin and forget mo na ang iyong criteria. And that’s exactly what happened to me. Puso ang pinairal hindi isip. Kaya ngayon at nagkakalabuan na kami ni Mr. Hangin (at inaasahan kong mauuwi na ito sa hiwalayan), napagisip-isip ko ano ba talaga ang gusto ko sa isang lalaki?

Minsan ay nalalagay ka sa isang katayuan na kailangang mamili at magdisisyon. Gusto mo ba iyong maginoo pero nakakaduda naman ang pagkalalaki? Type mo ba iyong bastos pero macho ang dating? Naku Mer, tatanda ka na yatang isang (bruha na…) dalaga? Pero puwedi kayang pagsabayin ang dalawa–magpapakasal sa isang bastos at isang maginoo? He-he, ano ang kalalabasan naman nito bigamy? E, di huwag magpakasal. Oo nga ano, wala pang sabit. Pero ano naman ang kalalabasan ko, di polyandrous bitch? Bad, that’s bad hininga baby. Hindi iyan bagay sa isang mahinhin at Maria Clarang katulad ko. Ooops, kumidlat!

Bakit naman ako magmamadali. Mahaba pa ang panahon. Parang suwerti iyan, kung darating basta na lang darating nang walang pasubali. Sina sister(s) Conchita at Ederlina nga ay may pag-asa pa raw na mag-asawa basta lumabas lang sa pagkapari sina Father(s) Armand at Nick. Si Mer Pints pa kaya na laging pinapaswitan ng mga walang mudong medical interns? Beauty queen yata ito, ako ang nahirang na Miss Pasko noong Christmas party namin (please lang huwag ninyong isnabin itong beauty ko). Gaya nitong si Doctor Siratuktuk na masyadong mainit ang dugo sa akin noon, iyon pala ay may feelings siya. Nang maghiwalay sila ng doktora niyang girlfriend nabaling ang attention sa akin ni gago, este, macho. At type ko na sana kung hindi ko pa siya nabuking. Nakita ko siya (sila pala) sa Mall of Asia; namasyal silang magkaakbay ng mommy niya–sugar mommy ha?  Namula ang mukha ni doc gigolo. At magmula noon, naglaho na siyang parang bula ng mumurahing sabon. Yes, naglaho ang crush ko–as in Gone with the Wind.

Mabuti na lang may Cocoy’s Delight na pinapasyalan ko kung saan ako nakakatagpo ng mga machong kausap. I mean, matchonurin kay misis (biro lang!). Sino ba ang ayaw sa mga matatalino at maginoong katulad nina tito Cocoy, tito Joe, tito Greggy, at Tito Magno. Sinong matimtimang birhen naman ang hindi babagsak sa kamay ng mga macho at matatapang (ang apog?) na katulad nina Tarugong kulot, kuya Artsee, Kapitan Kidlat, Kumander pipi, FPJ ng Saipan, kuya Alfred at mga iba pa. At higit sa lahat sinong matinong babae ang ayaw sa mga mababait, mapagmahal, mapapakumbaba, mapagpakasakit, maunawain na katulad ng mga dakilang (sansuwi- isang sutsut ni misis uwi) na sina kuya Kutsara at doc.bobonyo? Baka magtampo ang mga tito ko at mga kuya, mababait din kayo, mapagmahal, maalalahanin, good lover, maunawain, romantico, at laging “naka-pay-attention” sa umaga. Wow, nandito pala lahat ang mga katangian na hinahanap ng isang babae sa isang lalake, (hindi lalakwe). Iyong nga lang may mga sabit na!!! Sorry ka na lang ‘day.

Magpakatotoo Ka

At sorry na ngang maituturing kung habang buhay mong hinahanap-hanap sa iyong mga pangarap ang iyong “ideal man?” Sabi nga nang kusinera sa canteen namin, magpakatotoo ka! Yes, huwag maghangad ng labis na langit, ngunit yong karapatdapat lang.

At iyan ang gagawin ko ngayon pagkasulat at pagkaposte ko nito. Dahil na-confirmed ko na ako’y ipinagpalit na sa iba, (nagpakasal na sa abroad si Mr. Hangin and I have no regrets), magi-email ako sa kanya ngayon at tapusin na ang walang kakuwenta-kuwenta naming love affair. After all I have nothing to lose, and in his part he gained nothing too; let him go. No body is nursing a wounded heart. Kaya “babooo” na and “have a good time.” To hell with my “ideal man” in mind. Be realistic and lower down your expectations Mer, but be careful. Mahirap ang matinik sa paglalakad ng matulin. Maternity ward ang bagsak mo na wala kang papa.

Sabi nga doon sa isang kuwento, “malayo pa ang umaga”. At doon naman sa slogan ng isang computer school, “malayo ang iyong mararating.” At higit sa lahat (according to the Bombay na naniningil ng kanyang pautang), “may bukas pa.” At inaasahan ko na bukas makalawa ay makikita ko rin ang aking “ideal man.” And when that time comes, ibibigay ko sa kanya nang buong-buo ang langit at init ng aking pagmamahal.


Responses

  1. Colegiala girl,
    Salamat naman at napansin mo ang pagiging macho ko.Machong-macho talaga ako dahil nangiluhod pa masunod lang ang kapritusan ni Misis na naiwanan ko sa Pinas.Kahit may tampo ako sa kanya dahil madalas daw siyang makitulog doon sa bahay ng kumpare ko ay mahal na mahal ko pa rin at hindi ko siya ipagpapalit sa mga Saipanese.Halos lahat ng suweldo ko dito ay ipinapadala ko sa kanya kahit duda ako sa mga anak ko.Nagpapasalamat ako dahil kamukha sila ng kumpare ko,kung sa akin sila nagmana ng mukha ay malaki ang gagastusin kong pangreretoki sa karakas nila kay Dra.Belo.

    Masaya talaga ang talakayan kay Cocoy at okey rin dito sa iyo.

  2. Mabuhay ka kuya FPJ. Ganyan ang tunay na lalaki, matatag at may paninindigan. Salamat sa pagbisita at sana lagi mo akong dalawin sa aking bahay.

    May table at upuan ka diyan. May green tea at saka royal bibingka ka pa na pang-meryenda. Kung may makita ka diyang tisay at napakagandang nurse na naka-shorts, tabihan mo lang at welcome na welcome ka. You can talk all kinds of subjects under the sun. Salamat again kuya at sana ay palagi kang maki-pagtea sa amin.

  3. There must be some macho man up there?

  4. hahahaha… your reactions are so candid kahit sa pagkakasulat…

    i think every woman dreamed of that prince charming or ideal man sabi mo nga. pero ang pag-ibig at ang taong para sa atin ay di dapat minamadali. sa maniwala man tayo o hindi may magandang plano ang God sa atin. mapagwapo, macho, sexy, mabait, kuripot, masungit, ma-angas, may sex appeal, lahat yan posibleng ibigay sa atin…

    ika nga ni Lord no return, no exchange, dahil siya ang nakalaang ideal man para sa iyo. yun eh kung susundin natin ang kanyan will.

    true love waits nga diba? and siyempre if we are willing to wait we deserve the best. at siya ang ating magiging ideal man or prince charming baga…

    yun lang po…

  5. Hi Yhen salamat at napasyal ka dito… Atin atin lang ito, may guwapong resident physician na nagpaparamdam ngayon. Good news. Ang bad news heavily guarded siya ng isang doktora ng cousin daw niya, kasin-kasintahan kaya… Joke lang, marami kasing nagpapacharming sa kanya.

  6. Hi Secondlady thanks for the visit. Kumusta na si Kulot? Pinabasa ko kay mom ang post mo tungkol sa mga taga Congo, she told me we are very pilya daw, he he he.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: