Posted by: Mer Pints | May 5, 2008

Nangangapa pa ang Birhen(The Disappointed Virgin)

Gender Persuasion 2

Virginity is associated with innocence, ignorance, and absence of sexual experience (intercourse). Physically it means an intact and unruptured hymen (although others may argue hymen can be ruptured in some other ways aside from sexual contact.). It also means a woman heard from crying, “aray ko po”, during the honeymoon (after wedding). I mean after wedding… because there is no other way a man and a woman can be “united in flesh” which is pleasing and acceptable unto God except marriage. You may have a different perspective, well go ahead and enjoy it. But as sister Paula puts it, I will remain a virgin and will always be a faithful follower of the blessed Virgin. But some philosphical jerks usually confuse us with their dissenting views by saying that virginity is all in the mind. You can lose your innocence by simply dwelling on mundane thoughts and “lusting on others.” Amen, that’s Biblical. But for someone to tell me “one is still a virgin” despite engaging in sexual intercourse, because that is what the mind says, is absolutely false. And to my opinion, whoever endorses and stands by that concept/ belief is nothing but a pathetic jerk. Among the other virtues of a woman, the best gift any woman could give to her husband on their wedding day is her purity and undefiled body and spirit. To some this idea is too conservative, jurassic and obsolete. There are other things to look into in a marriage apart from intact hymen. While that maybe true, the mandate of the Lord is still for us to stay away from sexual immorality and fornication. The Church subscribes to this ideal, and we should abide by the words of God.

The Disappointed Virgin

Bagong faculty sa university si Mr. Right. Guwapo, maginoo, at kagalang-galang ang tindig. Mahusay magdamit at class na class tignan. Maraming may crush sa kanya. Kulang na lang ipagtulakan ng mga ibang colegiala ang kanilang mga sarili. Ang mga iba naman ay nagpaparamdam, ngunit may mangilan-ngilan din na matatapang ang apog at lantaran nang nangaakit na animo’y mga pukpok.

 Isa sa mga labis na nangangarap na maligawan ni Mr. Right ay si Jessiebel (not her real name). Isang BSBA (Management) sophomore (na kalase ko sa Philo. 12 -Ethics), at certified virgin according to her medical certificate na ewan ko lang kung genuine o gawa-gawa lang sa Recto). Teacher naming pareho si Mr. Right, kaya panay ang pa-cute nito kapag nasa klase niya kami. Panay-panaydin ang aral ni (excuse me) gaga sa kanyang philo. subject para mapansin siya sa kanyang outstanding performance. Ewan ko lang kung magugustuhan siya ni pogi. Dahil matalino din si Jessiebel, nangunguna tuloy siya sa klase. Dito siya napansin ni Mr. Right. Dahil sa katalinohang ipinamalas, natuwa tuloy sa kanya ang teacher at ginawa siyang class monitor at taga correct ng mga test papers. Abuso man maituturing, bale wala lang ito sa umiibig na dalaga.  Dito naman nagalit sa kanya ang mga ibang trying hard na colegiala. Ang tingin sa kanya ay sipsip, sa akin naman siya ay buwang at malandi.

Dahil kaibigan ko siya, pinagpayuhan ko si Jessiebel na maghinay-hinay lang sa kanyang mga ginagawa. Pero ang sagot niya: “Ano ang magagawa ko e siya ang tinibibok ng aking puso.” Oo, siya ang itinitibok ng kanyang puso; ang damdaming siya ring nag-udyok sa kanya upang sumamang makipagdate dito. Kahit alam kong walang patutunguhan ang ano mang pakiusap at paliwanag ko sa kanya, kinausap ko pa rin si gaga, este Jessiebel. At dito naganap ang nakakatawang pag-uusap namin. Noon pa man ay gusto ko na siyang sampalin at kurotin sa singit dahil sa kanyang kahibangan.

“Buo ba sa loob mo na makipag-date sa kanya?”

“Mer, matagal na akong naghihintay, I don’t want to lose this chance.”

“Jessiebel, my God ano ba ang nakain mo at makikipagdate ka sa isang teacher sa kalagitnaan ng semester, hindi magandang tignan iyan…”

“Anong magagawa ko e sa nagyaya siya. Besides, binata pa siya at walang sabit. Not for any consideration, sasama ako sa kanya dahil gusto ko at mahal ko siya.”

” Mahal ka din ba niya? Balita ko malikot daw iyan sa mga babae baka mapaano ka pa.”

“Ewan ko… Pero hanggang sine lang kami at kakain lang sa isang fastfood. Anong masama doon?”

Hindi ako nakaimik. Mukhang may katuwiran siya. Ngunit humirit pa rin ako.

“Paano kung bigla ka niyang yakapin at paghahalikan ka sa lips?”

“Gagawin kaya niya?, di okey lang at least may binata namang nakahalik na sa akin ng lips to lips.” 

“Paano kung ipasok niya ang kanyang mga kamay sa loob ng iyong blouse at dakmain ang iyong mga boobs.”

“E ano?  Boobs lang iyan, malayo pa sa vagina. At least makapal-kapal naman ang akin at tiyak na mag-eenjoy pa siya.”

“Nandiyan na tayo, masama pa rin. E, hindi lang iyan sa boobs maglilibot, dadakmain ka pa sa singit?”

Natigilan siya at hindi nakapagsalita kaagad. Buong akala ko naman ay natauhan na siya. Ngunit mayamaya biglang nanlaki ang kanyang mga mata at…

“Mer, wala na pala akong dalaw. Puweding-puwedi na. ”

“Ibig mong sabihin willing ka na ring makipag-sex sa kanya?”

“Basta pakakasalan lang ba niya ako… at saka wala naman akong dapat ikahiya. Siya pa ang matutuwa niyan dahil virgin pa ako.”

Ewan ko kung nangiinis siya, o sadyang nabubuwang lamang. Sa aking pagkaintindi nawawala siya sa sariling bait at katuwiran kaya agad-agad ko na siyang iniwan.  Iyan ang huli naming pag-uusap at hindi na kami nagkita pa. Wala na rin akong ganang makitungo pa sa kanya, ayaw kung maging bahagi pa ng immoral niyang buhay. At, talagang hindi na nga kami magkikita pa dahil nag-drop na siya sa lahat ng mga subjects niya at lilipat na raw siya ng ibang pamantasan. Ang dahilan, nalaman ng buong unibersidad ang tungkol sa date nila ni Sir. Dahil dito kinasuhan si Sir ng sexual immorality at sexual harassment kaya napilitan siyang mag-resign.

At ano namang klaseng sexual immorality at harassment iyon? Ito ang kuwento nila:

 Pumasok ng ng sinehan ang dalawa. Magka-akbay pa sila. Sa pinakamadalim na corner ng balcony silang naupo. Walang imikan at mukhang nagpapakiramdaman. Maya-maya may ibinulong ang teacher sa kanyang student.

“Je, can I embrace you?” Malambing at nakakakilig ang pagkasabi ni Sir.

Hindi na nakapaghintay pa ang babae, siya na ang unang yumakap at humalik sa teacher. Nag-init din ang buong katawan ni Mr. Right, hindi na siya nakapagpigil pa at pinaghahalikan ang hot na hot nitong estudyante sa lips, etc. Sumabay din sa sipsipan si Jessiebel at lalo pa niyang idiniin ang kanyang mga boobs sa dibdib ng teacher. Nag-umpisa nang umungol at maglakbay sa kalangitan ang diwa ng birhen na ngayon ay tila hinahabol ang paghinga at tila may mga hinihintay pang ibang kaganapan.

Ngunit sa kasamaang palad biglang humupa ang init sa katawan ng kanyang kaakap, parang superlolong papatutok na sinindihan ngunit hindi sumabog, suyot! Nabitin tuloy ang birhen na kanina pang nangangapa sa dilim. Kaya lalo pang hinigpitan ng estudyante ang kanyang yakap sa teacher, habang naglalaro ang kanyang kanang kamay doon sa titigas-lalambot na “kuwan;” tila nagmamakaawang sabihing tapusin na natin ito.

At tinapos nga ng teacher ang kanyang pagnanasa, marahan nitong kinalagan ang sarili sa pagkakayakap ng babae. Hindi maliwanag sa kuwento kong naturn-off ba si Sir sa pagkakahawak ng instrumento niya. At muli siyang nagsalita…

Je, may itatanong lang ako at huwag kang magagalit. 

Bahagyang lumuwag ang akap  ng teacher sa kanyang estudyante. Nakatingin naman ang nangangapang birhen na ngayon ay parang natutulala.  

“Boyfriend mo ba si Rodrigo Lib?

“Hindi nanliligaw lang, bakit mo tinatanong?,” mahina ang kanyang boses na tila nahihiwagaan ngayon at nanghihinayang sa kanyang ka-date na teacher.

“Sorry Je, magkapareho lang tayo na umiibig sa mga lalaki. Hindi tayo talo. Dati kung boyfriend si Rodrigo Lib, ngunit bigla-bigla na lang nawalang gana sa akin nang nakilala ka niya.”

Kung noon ay buo at tila dumadagundong na parang subwoofer ang boses ng teacher, ngayon naman ay pumipiyok na parang babaeng sinasakal ng multo. Babaeng babae ang dating, at talaga namang binabae si Sir!

Sa kabiglaan, nabigyan ng “frustrated virgin” ng malakas na sampal sa pisngi ang kanyang ka-date (bading pala) na teacher sabay tayo at nagmamadaling umalis.


Responses

  1. It’s so difficult to frustrate a virgin. Have you tried one before?

  2. this is cute… hehehe… ang unti n nga ng lalaki sa mundo bading pa yung iba… di bale ng bading na babae kesa bading na lalaki… hehehhe! panalo

  3. Tanggap lahat ni Tisay ang aking past pero pina-background check niya ako muna bago nagpakasal sa akin. Feeling kasi ng Erpat niya ay alanganin daw ako.

  4. Hi sis yhen, I am so happy and excited, at last narito ka ngayon. Thank you for making pasyal to my bahay. You have a table and chair here, welcome na welcome ka. Because we are both beautiful (he-he), may additional na rocking chair ka pa. May green tea tayo at special bibingka from the Ilocos. Enjoy!

  5. Kapitan Kidlat sir, thank you po for coming. May papag po kayo dito ni Misis mo. Welcome po.

  6. Salamat din po sa lahat ng mga tito at tita ko na nauna nang bumisita dito. Salamat din sa lahat na pumupunta dito upang uminom ng aking special green tea at tumikim ng aking paboritong royal bibingka from Ilocos.

  7. Mahirap makipag sex sa virgin,masakit at mahirap ipasok sa unang round.Hehehe!

  8. Paano na pareng cocoy kung si Pedro ay tutulog-tulog na tapos tatawagin pa siya ng birhen para pumasok sa kanyang dambana?

  9. Mahihirapan iyong mamang may tungkod na, hinde iyong virgin.

  10. wow salamat po sa maluwat na pagtanggap… ang gagaling din ng mga sinulat mo…

    kakatuwa din mga comments.. glad to be part of this blog…

  11. Salamat Yhen, Kap, Tito Cocoy sa mga comments ninyo. Heaven na heaven si ako.

  12. nice story……

  13. Hi sergs thank you for your visit. I hope this will not be the last. By the way you are always welcome here. thanks.

  14. Virgin or beer-gin ka mo colegiala? Funny ha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: