Posted by: Mer Pints | May 2, 2008

Mga Lalaking Nagkatawang Babae (Men in Women’s Body)

Kung gumiri parang tandang 

(Kung gumire parang tandang)

Gender Persuasion

God created them man and woman, no other gender. That’s what Christians say. There is no such thing as sex in between. While there is no exact explanation why certain individuals turn gays and homosexuals, experts have established their position  on physiological and psychological factors as factors for gender shift and preferred sexuality. Even religious groups are divided on the gay issues and homosexuality.  Gay themselves have their own set of confusion as to living with and standing by their preferred “gender position and sexuality.” But what is even more complex to understand are individuals who are not gays but manifest certain traits and characteristics which are not normally associated with their gender. 

Ang gaganda nila, babaeng tignan. Napakayumi at kaakit-akit pagmasdan. Sa biglang tingin ay mapapa-wow ka dahil sa seksing pangangatawan, malulusog na dibdib, mapuputi at makikinis na balat. Kapag naka-shorts at naglalakad sa kalye ng umaga, tiyak na mapapalingon ka. Sa mga di makapagpigil, madalas silang sinisipulan. Kung sila namn ay iyong matabihan sa LRT, FX, Jeep na pampasahero, at bus, para kang ginagayuma sa bango at lambot ng pangangatawan nila. Masandal man sila sa iyo, okay lang dahil heaven na heaven naman ang feeling mo. Sila ang mga crush ng bayan! Ngunit ang hindi alam ng iba, sila’y mga “lalake” na gumagalaw sa loob ng katawan ng isang babae.

Don’t get me wrong, hindi sila bakla… mga tunay ng babae. Madaling ibigin at mahalin, ngunit mailap pa sa mga ibong gubat. Matutunog, madaling makahalata, alam nila kung may binababalak ang isang lalaki sa kanila. Magaling din sila na mangilatis nang kapuwa babae. Alam nila kung ang mga ito’y tunay (na mahihinhin?)  o nagpapanggap lamang. Matalas din ang pakiramdam sa mga kaharap nilang lalaki, alam nila kung ang mga ito’y macho o bading.

Sila’y mga barkada ni Christine na madalas sa bahay. Maiingay, mga salitang panlalaki ang gamit, at burara. Parang mga siga at maton kung makaasta. Pati sa pagkain parang mga lalaki kung bumanat. Noong JS Prom nila akala mo mga Maria Clarang makakilos, pero dito sa amin kung sila-sila na lang daig pa ang mga barakong marino sa ingay at kalabog. Sabi nga sa Tagalog, kung gumire parang tandang. “Kung hindi lang kayo magaganda at sexy,” baka akalain nila mga tibu kayo,” ang nasabi ko minsan. Nagtawanan lang. Si Christine mismo ang nagbigay ng description  kung sino daw itong mga barkada niya-mga lalaking nakagapus sa katawan ng isang napakagandang babae. Tama magandang babae nga,  sila’y madalas sa mga beauty contest at nananalo bilang runner up. Hindi lang sila basta pasyonista, mahihilig pang mag-cosplay at sumasali  sa mga modeling contests.

“Sino ang may boyfriend na sa inyo, itaas ang kamay.” Walang sumagot sa akin.

Nagtawanan lang sila. Parang mga lalaki na nagtatapikan at nagtutulakan. Astig ang dating, absent yata si Maria Clara sa kanilang mga feminine senses kaya ganyan silang kumilos at magsalita. Daig pa ang mga bully kung mang-asar.

“Talaga bang ganyan sila, o kulang lang sa pansin,” ang bulong ko kay Christine. Tumawa lang ito.

“Naku ate huwag mo nang asahan pa na maliligawan ang mga iyan dahil sa porma pa lang ay matu-turn off na ang mga lalaki. Hindi kaya ng mga powers nila kung mang-asar ang mga iyan. Nanghahamon pa  ng buntalan at basagan ng mukha, ang aastig ng mga iyan.”

Mabuti na lang at feminine si Christine. Kaya hindi siya gaanong nagagaya sa mga magaslaw na ikinikilos nila. Pero kahit ganyan naman sila, sa ibang lugar behave naman na tila mahinhin pa sa mga madreng nagdarasal sa kombento.  Wild kung sila-sila lang. Sa labas naman ay magagalang  at napakahinhin nilang tignan at kausapin. So far wala pa namang naglaladlad sa kanila, marahil hindi nga mga tibu. Nagkataon lang sigurong mas may dating ang pagiging masculine kesa pagiging feminine nila. Sabi nga ni Christine mas okay na lang na ito ang mga nakabarkada niya kay sa maidentify pa sa mga malalanding kaklase nila. Basta huwag lang kayo gagawa ng mga bagay na masama at hindi mabuti sa paningin ng Diyos at lipunan, ang payo ko. 

“Naku ate nagdududa ka pa ba sa amin, sa ganda naming ito? Marami yata diyang nagkakandarapa at nagnanasa sa aming alindog…”

Hindi ko na-control pa ang aking sarili na humagalpak ng napakalas na pagtawa. Pati sila’y natawa sa akin.

Sa susunod na pasukan lahat sila ay tutuntong na ng college, at ang napili nilang kursong kukunin ay nursing.


Responses

  1. Lalaking nasa loob ng katawan ng isang babae, baka may alam kayo diyan?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: