Is president Arroyo really serious about running as a representative for the second district of Pampanga. If so, professor Randy David is seriously considering  to run too against president Gloria Macapagal Arroyo. In which case it will be a David against Goliath kind of thing.

“It’s probably the most foolish thing to do. I know it’s quixotic to run against the President—somebody who has no qualms about using all the powers of her office—but I think somebody has to stop her. And if we get to that point, I will do my part even if that may be myself,”Randy David said.

President Arroyo’s reported bid for Congress has been repeatedly denied by her cabinet people although they said she is legally qualified to run. Her son Mickey Arroyo however gives more categorical answer. He’s ready to give up his post should his mom desire to run.

Opposition has criticized the president for running to a much lower position considering that she has nothing else to prove except to avoid possible prosecution on various crimes her administration is possibly linked of.  David perceives Mrs. Arroyo’s running for a seat in Congress and the hammering out Charter change towards shift to the parliamentary system of government as a brazen way of doing away with the constitutional ban on presidential election.

On the National level there is no problem of running against Mrs. Arroyo is “the easiest thing in the world because she is the most unpopular president” according to David.  It is on the local level politics however that she could still command victory in any electoral contest because of  her political machinery and the resources she could possibly draw in her office. Nevertheless David is determined to challenge her if only to put a stop on what she (the president) is doing because it’s already too much.

Pampanga Governor Panlilio however promised to give a good fight on president Arroyo’s running for Congress. They’ll not take this ”lying down.” The priest turned politician said that there’s a growing public awareness on the real intention of the President for running as a representative of the second district of Pampanga; ”she  using the second district of Pampanga for her political plans to protect herself from legal suits later on.” 

But who and where will professor David get support for his candidacy? Governor Panlilio when interviewed neither denied nor confirmed that  UP professor David is their candidate. But Gary Olivar, one  of Mrs. Arroyo’s spokesperson surprisingly pledged support for Randy David. Does this mean that president Arroyo’s supporter and cabinet people are divided on the issue of her running for Congress?

On the other hand Lorelei Fajardo, also a spokesperson for the President, questioned David’s motive in considering to run for a seat in the House by saying, “We should have the right intention and right motive in running, and I think there’s no better intention for us than to serve our country, serve our people and make a good difference.” But what “right intention and right motive” is she talking about? 

Randy David’s is running to prevent president Arroyo to perpetuate herself into power beyond 2010. What is more rightful as a motive and an intention of  running for Congress than this?

Posted by: Mer Pints | June 19, 2009

Kung Nabubuhay lang sina Rizal at Bonifacio Ngayon

Noong nakaraang linggo ay napadaan kami  ng aking nanay sa Liwasang Bonifacio at Rizal Park. Napangiti si mother na tila nagtsa-chacha  sa kanyang isipan ang mga matatamis na ala-ala  ng lumipas. Ako man din ay napangiti,  katulad niya may mga bagay na naalala-ala ko rin sa aking personal na buhay tuwing  nagagawi ako sa mga lugar na ito.

Saglit kaming nagkatinginan, nagngitian, at tuluyan na kaming humagalpak ng tawa.

“Memories, memories…” Nakangiti siyang tumingin sa akin at pailing-iling.

“What?”

“Wala, naala-ala ko lang ang daddy mo. Dito kami lagi sa Liwasang Bonifacio nagtatagpo, dito niya ako sinusundo. And you know what, did I tell you about it already? Sa harap pa kami ng Rizal Monument nagsumpaan na magmamahalan habang buhay.”

Tawanan. Halos hindi ako makahinga ng katatawa. Mabuti na lang at nagawa ko pang makontrol ang manibela ng aking sasakyan kung hindi baka nabangga na kami.

“Ang baduy naman ninyo. Don’t tell me na namamasyal kayo lagi sa Luneta ng walang pera…” ang kantiyaw ko.

“Aba Mer, noong araw panahon pa ni Imelda napakagandang pasyalan ang Luneta. Madalas kaming magpalipas ng paglubog ng araw dito. Dito ako unang inakbayan ng erpat mo at ninakawan ng halik.”

Kilig na kilig si Mommy habang nagkukuwento. Tsamba niya at natimbog niya si daddy na hindi lang matangkad at guwapo tisoy pa. Wala siya sa kalingkingan ng mga naging girlfriend daw ni erpat pero siya ang nagwagi.

“Mer, patawa-tawa ka diyan, may sweet memories ka rin ba dito?”

“Ma, sa mga malls na ang tagpoan ngayon. I don’t think may something memorable dito na diko malilimotan.”

“Maniwala ka…” ang mabilis niyang sagot sabay saksak sa DVD player ng lagi niyang pinapatogtog na Manila Sounds selection.

Hindi na ako umimik pa. Ang totoo niyan sa Liwasang Bonifacio kami nagkahiwalay ng landas ng una kong pag-ibig. Dito ko unang iniyakan ang pait at hapdi nang mawalay sa isang minamahal. At dito rin unang naghalikan ang aking uhog at mga mapapait na luha. At habang ako’y umiiyak pinagtitinginan ako ng mga tao. May buwiset pang batang kalye na nang-asar sa akin, “bakit miss nawawala ka ba?”

A, Mall of Asia na pala. Dito kami magsa-shoping ng aking inay at bubusogin ng mga paborito kong pagkain huwag lang kamote.

Kung Nabubuhay lang Sana Sina Rizal at Bonifacio Ngayon

Going beyond our own personal experiences, may ibang bagay na pumasok sa aking isipan sina Rizal at Bonifacio. Bilang isang taong mahilig sa history at mga isyung pampulitika hindi ko naiwasang ipagkumpara ang mga katangian nitong dalawang magigiting nating mga bayani.

Sabi nga ni Conrado de Quiros, “Their equation was: Where Rizal had just written, Bonifacio had done. Where Rizal had just expostulated, Bonifacio had acted.”

Rizal’s pen might be mightier than sword, but it was Bonifacio’s itak that ignited the Philippine Revolution. Both heroes love their county; both died to see freedom in this land.

Marahil kung nabubuhay pa ngayon si Rizal isang makapal na libro na siguro (laban?)  sa Con-Ass at Charter Change ang kanyang naisulat. Siguro panay ang libot niya sa mga eskuwelahan upang imulat ang mga kabataan at mga nagtutulog-tulogang Pilipino sa mga isyu ng anomalya sa election, ang “Hello Garci” scandal, ZTE broadband Scam, Joc-joc Bolante Fertilizer Scam, ang mga maanomalyang transactions sa gobyerno, ang pagkontrol ng Malacanang sa Kongreso, kawalan ng hustisya,  ang ginagawang pangigipit ng gobierno sa mga kontra sa administrasyon ni Arroyo, extension of term ng presidente beyond 2010, etc.

Si Bonifacio naman marahil ay nasa lansangan ngayon, kung hindi namumundok,  nangunguna sa mga rally, at people’s power para pababain sa puwesto ang presidente. Sa talamak na nakawan at pangungurakot sa gobierno marahil ay hindi ito mapapalampas ni Bonifacio, susugod at susugod siya sa Malacanang upang ipamukha sa namumuno ang mga katiwaliang nangyayari sa kanyang administrasyon, ang political dynasty, ang paggamit ng pondo ng gobierno para suportahan ang kandidatora ng mga pulitikong minamanok ng palasyo, mga usapin tungkol sa land reform, political killings, ang mabagal na pagtugon ng pamahalaan sa mga basic social services na kailangan ng mga tao, etc.

Siguro sa pagdami ng kaso ng A(HiNi) enfluenza virus ay nandiyan na si Dr. Jose Rizal na nangunguna sa pagkontrol, pagtuklas na alternatibong gamot, at pagbibigay payo sa mga tao kung papaano iwasang ang paglaganap ng nakakahawang sakit na ito. Marahil sa kanyang website ay tinatalakay na niya kung ano ang dapat gawin ng DOH para maging maagap ito sa pagsugpo ng  Swine Flu.

At sa hindi makatuwirang pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo, marahil ay naguumpisa nang mag-organize ng Nationwide Transport Strike itong si Bonifacio upang ipaglaban ang kapakanan ng mga mananakay at tsuper ng mga pampublikong sasakyan.

Kaso matagal nang nahimlay sa lupa ang mga bayaning ito, di na muling mabubuhay pa subalit hanggang sa ngayon ay nandiyan pa rin ang diwa ng kanilang ipinaglalaban; kalayaan, kapayapaan, at kaunlaran para sa ating minamahal na bansa. Matagal nang patay sina Dr. Jose Rizal at Ka Andress Bonifacio, ngunit nandito pa rin tayo upang ipagpatuloy ang kanilang ipinaglalaban hanggang makamtan natin ang dulo ng tagumpay. Tuloy pa rin ang  laban hangga’t di natin nakakamtan ang ningning ng kanilang mga pangarap.

HAPPY FATHER’S DAY TO ALL THE WONDERFUL FATHERS IN THE WORLD. Remember, without your sperms we are not here, hehehehe.

Older Posts »

Categories